Kabanata 37

60 0 0
                                    

Voice

Kahit ayaw ko sinamahan ko pa rin si Miss Eina sa Pharmaceutical Company para ayusin ang problema. Pagkakita ko pa lang sa isang Perfiñan Suarez gusto ko nang tumakbo paalis pero nang makita kong mas kabado pa sa akin si Miss Eina ay tinatagan ko na lang ang aking loob. Pero habang pinagmamasdan at pinapakinggan ko ang usapan mukhang hindi ako nakikilala ng Suarez na ito o baka dahil hindi naman siya malapit kay Edward noon?

Syempre imposible 'yon. Alam kong lahat silang magpipinsan ay close sila sa isa't-isa. Nang matapos ang meeting ay kitang kita ko ang balisang mga mata ni Miss Eina pero hinayaan ko na lang 'yon dahil hindi ko rin naman alam kung anong history niya kay Perfi Suarez.

Bumalik kami sa shop at ako na rin ang inutusan ni Miss Eina na magsarado ng shop. 'Yon nga ang ginawa ko bago ako magtungo sa aking sasakyan na isang Honda. 'Yong pinaka mura talaga ang binili ko dahil ang ginamit kong pera sa pambili ay ang naipon ko sa U.S. Pinark ko ang aking sasakyan sa tapat ng malaking mansion na tinirhan ko. 

Nang malaman ni daddy na umuwi ako ng Pilipinas ay agad niya akong inimbitahan sa mansion niya sa Manila kaya lang ay hindi ako sumunod sa kanya dahil dumiretso ako dito sa Lucena as for Mr. Zurbano's command para magabayan ko raw ang anak niya sa pagpapatakbo ng hardware business nito. 

Galit na galit si daddy sa ginawa ko kaya naman pinilit niya na lang akong tumira sa mansion namin dito sa Lucena. Ayaw ko pa rin sana dahil marami akong alaala kay mommy sa mansion na ito pero hindi na rin ako tumanggi dahil magiging hassle pa kung uupa ako ng bahay. Wala naman ditong mga condominium. Binati ko ang security guard at ang dalawang bodyguard ko na nakasunod sa akin na ngayon lang nagpakita nang makauwi ako sa bahay.

Sa totoo lang ay matagal na akong may bodyguards. Pagkalapag ko pa lang sa America noon alam ko nang may nagmamasid sa akin. Tinanong ko na ito kay daddy noon at sinabi niyang hayaan ko na lang dahil mas lalo raw nagiging sikat ang Paradise Chains of Hotel. Kahit gustong gusto kong takasan ang buhay na mayroon si daddy. Kahit gusto kong lumayo, hindi ko pa rin magawa dahil sa pangakong sinabi ko kay daddy. 

Nagluto ako ng sarili kong pagkain at nang matapos kumain ay ako na din ang naghugas nito. When I lay down on my bed, doon ko naramdaman kung gaano ako nag-iisa ngayon. May kung ano sa puso ko na humahalukay na naging dahilan ng pagpatak ng luha sa aking pisngi. Paano ba kasi talagang maging masaya? Bakit ba pakiramdam ko ay pinaparusahan ako at naiiwan akong mag-isa?

Siguro kasalanan ko rin? Siguro...naging masama ako noon na deserve ko lahat ng nangyayari sa akin ngayon? I wiped off the tears on my cheeks. I tried so hard to be a better person...for mom...for Edward pero kahit gano'n bakit ang sakit sakit pa rin?

Naisip ko tuloy...kung hindi na lang kaya ako ipinanganak ni mommy? Siguro...mas madali para kay mommy noon. Sana walang nakilalang Maria Jezebel Nicio si Edward, at  sana ay hindi ko na nagulo pa ang pamilya niya.

I feel so hopeless and sad kaya naman nagbukas na lang ako ng phone at nag scroll sa social media. Nang makauwi ako sa Pilipinas ay muli akong gumawa ng account...but I made it private dahil alam kong hahalungkatin na naman ng media kung sakaling malalaman nila na ito ang official kung account.

Kinabukasan ay maagap ako sa trabaho habang si Miss Eina ay problemado pa rin sa naging problema, as her secretary ako naatasan niyang mag-ayos ng lahat. Syempre marami akong kinausap na mga empleyado na pwedeng mag-ayos ng mga nasira. Ako na rin ang nag-asikaso at nagpabalik-balik sa Pharmeceutical para maayos ang gawa.

It's been a week since ginagawa ang problema kaya naman nang matapos ay bumisita ako sa construction company ng mga Zurbano at doon ay kinausap ako ni Red. Ang fil-am na babae na halos kasing edad ko lang na nag-aral din sa Enverga. Nakilala ko siya dahil kalat ang relasyon niya sa isang Suarez. Naalala ko tuloy na ang Suarez na naging karelasyon ni Red ay nakita ko sa office ni Perfi at mukhang kilala din nito si Miss Eina. 

Broken Days (SUAREZ SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon