[JAIANNARA'S POV]
Hawak ko ang batok ko papuntang banyo upang maligo. Hindi pa yata gising si Ate Pau kaya ayos lang na mauna na ako sa banyo. Hindi ko naman siguro ikamamatay kung maliligo ako kahit sobrang sakit ng katawan ko, ngayon lang naman. Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin. Binuksan ko ang pinto ng shower dahil may salamin sa tapat non, dalawa kase ang pinto ng banyo rito, iyong mismong papasok ng banyo at itong salamin na pinto ng shower.
Sa muling paghinga ko ng malalim at pumikit ay binuksan ko na ang shower, ang malamig na tubig non ay rumaragasa na sa katawan ko. Sa sobrang lamig ay para akong nagyelo habang hinihintay na mabasa ng tubig ang buong katawan ko. Saka ko idinilat ang mga mata ko, tumama ang paningin ko sa salamin ng banyo. Nakita ko ang sarili ko, ang mahaba kong buhok at ang pagod kong mga mata.
Naalala ko ang payak na pamumuhay namin sa probinsya, kumikita kami sa simpleng paglalakho ng mga gulay. Ngunit alam kong hindi na sasapat ang kinikita namin doon, kaya mabigat man sa loob ko ay narito ako sa Maynila. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay. Muli akong bumuntong hininga.
Kamusta na kaya sila Nanay?
Hindi ko napigilan ang maluha, para akong batang umiiyak sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Nangungulila ako sa preskong amoy ng baryo namin, iyon kase ang amoy na kinasanayan ko at hindi ang amoy gasul at usok na kalsada rito sa syudad. Nanlulumo akong naupo sa lapag saka hinayaan ang tubig na dumaloy sa katawan ko.
"Jai? May balak ka bang pumasok tayo sa kompanya nang amoy laway ako?"
Napabalikwas ako ng tayo nang marinig ko ang katok sa pinto na sinabayan pa ng boses ni Ate Pau. Dali-dali akong nag shampoo at sabon, hindi ko inasahang nagtagal na pala ako sa banyo.
"Nakahanda na ang pagkain, hindi uso sa amin ang pagrorosaryo bago maligo." aniya pa.
Natatawa man ay dali-dali nalang akong nagbanlaw at nagtuwalya. Nang mapunasan ang katawan ay agad na akong lumabas, nakita ko si Ate Pau na humihikab habang nakasandal sa dingding malapit sa banyo.
"Ate Pau, pasensya na natagalan ako." paumanhin ko.
"Nako ayos lang, ang importante may balak kang paligoin ako." aniya saka naglakad papunta sa pinto, "Kumain ka na d'yan, nagluto ako ng hotdog at fried rice." itinuro n'ya ang mesa.
Sa gutom ay agad na akong dumiretso sa kwarto at nagbihis. Saka dali-daling nagpunta sa lamesa bagaman basa pa ang buhok, gutom na gutom ako nang gumising kaya hindi ko na pinatagal pa ang pagsasandok ng kanin at pag tuhog ng hotdog. Agad akong sumubo at ngumuya, hindi ako madalas makatikim ng hotdog sa probinsya dahil sa bayan pa ito nabibili. Madalas kase ay gulay ang ulam nain, dito naman ay hindi na ako ulit nakatikim ng gulay.
Ilang minuto pa ay nakalabas na rin si Ate Pau ng banyo, tapos na rin akong kumain. Agad s'yang nagbihis saka kumain sa mesa. Pagkatapos ay sabay na kaming umalis papuntang trabaho, may sasakyan s'ya kaya nakisabay na ako.
"Ang yaman mo pala Ate Pau." papuri ko.
"Nako, pamilya ko ang mayaman." ngumiti s'ya sa akin, "Nung araw kase na pinalayas ako ay eto lang at mga damit ko ang dala ko." aniya na saglit pa akong nilingon.
Hindi ako nagsalita, ngumiti lamang ako sa salamin sa harapan dahil tiningnan n'ya ako mula doon. Nagpatuloy s'ya sa pagmamaneho saka namin narating ang kompanya. Marami nang tao doon, pero hindi pa naman kami late. Agad kaming bumaba at sumakay sa elevator.
"Oh pano, malapit na ako sa 10th floor. Nasa 3D designer kase natin ang drafts kaya doon na muna ako didiretso." nakangiti n'yang paalam sa akin, "Magkita nalang tayo sa lunch time, ha?" aniya saka lumabas nang magbukas ang pinto ng elevator.
"Sige." natutuwa kong sambit.
Ngumiti s'ya sa akin bago tuloyang magsara ang pinto. Inayos ko ang sarili nang makita ko an tindig ko sa salamin na haligi ng elevator. Hindi ako kagaya ng ibang babae na sobra ang kagandahan, pero hindi rin naman ako pangit. Nginitian ko ang sarili saka kumindat.
Ang importante ay naliligo ka araw-araw, Jai.
Iyon lang ang pampalakas ko ng loob.
Nang magbukas ang elevator ay agad na akong dumiretso sa office ni Sir. Nakita ko s'yang nakaupo at nagsusulat nang pumasok ako, agad s'yang ngumiti sa akin.
"Goodmorning, Sir." bati ko saka naupo sa lamesa ko.
"How are you?" tanong ni Sir ngunit nasa papel ang tingin.
"Ah nako, okay lang naman po—"
"Have you eaten? Yeah, okay that's good." napapahiya akong napalunok nang mapagtantong hindi ako ang kausap ni Sir.
Nasa gilid n'ya ang cellphone n'ya at bahagyang inilalapit doon ang tenga kaya alam kong naroon ang kausap n'ya. Pero sa kabilang banda ay naisip ko rin ang posibilidad na baka may girlfriend si Sir. Naisip ko agad si Ate Pau, paniguradong masasaktan s'ya kapag nalaman n'ya.
Agad na lamang akong nagtrabaho, hindi ko na pinansin ang paguusap ni Sir at ng sino mang katawag n'ya sa cellphone. Maya-maya ay naalala ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Sir noong isa pang linggo, hanggang ngayon ay nasa drawer parin ito dahil hindi ko naman alam kung paano ito buksan at gamitin.
Iuwi ko nalang kaya mamaya para maturoan ako ni Ate Pau?
Tanong ko sa sarili.
"Tama." sambit ko saka inilagay ang box ng cellphone sa bag ko.
Muli kong itinuloy ang ginagawa. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakaroon ng cellphone dahil abala ako noon sa paggagayat lamang ng mga gulay upang ibenta. Wala naman akong kinakailangang tawagan o i-text kaya hindi ko na hiniling ang ganitong gamit.
"Ms. Carvañes." dinig kong tawag sa akin ni Sir.
"Sir." agad kong tugon.
"Please finish encoding all the papers until next week, may beach party ang kompanya." sambit n'ya sa akin.
Agad akong nakaramdamng tuwa nang mairinig ang sinabi ni Sir. Paniguradong napakasaya non, lalo pa't sa dagat ito gaganapin.
"Opo!" ganado kong sambit.
"Make sure to finish everything, hmm?" aniya saka tumayo.
"Saan po kayo pupunta?" tanong ko.
"I'm just going to get something." ngumiti s'ya saka lumabas.
Napatango na lamang ako. Agad ko nang sinimulan muli ang trabaho, excited na ako sa sinabing party ni Sir dahil doon palang ako makakapunta ng party. Bigla ay nakaramdam na ako ng kaunting kaba. Hindi pa ako nakaranas ng party, hindi ko alam kung ano ang ginagawa tuwing may party.
Ano ba ang dapat na isinusuot sa dagat? Pwede kaya ang shorts at tshirt? Wala naman ako nang kagaya sa mga nakikita ko sa palabas o T.V. Hindi ko rin kayang magsuot ng panty, ayos lang kung makita ko sa iba ngunit masyadong malaswa para sa akin iyon lalo pa't hindi ako sanay. Bumuntong hininga na lamang ako, matutulongan naman yata ako ni Ate Pau.
___________
next chapter....
BINABASA MO ANG
THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')
Roman pour AdolescentsSinuong ni Jai ang hirap sa lungsod ng Maynila para lamang matustosan ang pangangailangan ng pamilya maging ang pagpapagamot ng kan'yang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang kamalasan ay napadpad s'ya sa isang kumpanya kung saan mas papahirapin ang sitwa...