Chapter 1

135 5 0
                                    

Chloie 's Pov

Hellooo! Ako nga pala si Maria Chloie Lopez. Mabait ako sa mga mabait saakin. Minsan makulet. Bulol ako sa S. Dejk. Maganda yun lang Maganda lang, Hahaha. Mahal ko si Mark kaso Mahal si Lash. Kilala nyo si Lash? Gusto nyo makilala ? Huwag na Sus! Chismosa.
May barkada ako sila Samantha Grace Salazar, Zoe Hailey Garcia, Natalie Grace Villanueva at Alyssa Faith Cruz. Ayan ang mga loka-loka kong mga kaibigan pero wag ka makulit yang mga yan pero pagdating sa mga problema hindi ka iiwan
.
" Chloie Huy! " sigaw ni Samantha. Bunso namin. Pero sya ang leader. Astig diba? Sya na ginawa naming leader, baka kasi mag-ngangawa yan eh. Hahaha. Peace.

" Maka Huy ka naman Samantha Grace Salazar! " sigaw ko.

" Maka buo ng pangalan MARIA CHLOIE LOPEZ !" Sigaw nya sa harap ng mukha ko. Pwee. Talsik laway.

" Talsik laway ka. Lam mo yun? " Nandidiri kong sabi sakanya.

" Alam ko na. Kasasabi mo lang eh." Pataray na sabi ng bruha.

" Psh. Maganda sana talsik laway lang, " pabulong kong sabi.

" Hoy! Narinig ko yun ha! " Huh? Narinig nya? Omg. Run for your life Chloie.

Takbk lang kami ng takbo sa buong Canteen. Yep. Naglalakad na kasi kami kanina. Katatapos lang ng first subject namin eh kaya ayun Break time na. Dito nalang kami kumain ayaw namin sa labas. Sus. Ang Mahal kaya sa Labas. Parehas lang naman na Pagkain dito nalang kami. Mura pa.

" Huy! Kayong Dalawa umupo na nga kayong dalawa dito! " sigaw ni Alyssa. Nanay ng Barkada. Hahaha. Shh.
Wala na kaming nagawa ni Samantha. Umupo nalang kami.

" Anong gusto nyong pagkain? " tanong ni Natalie. Bestfriend ni Samantha since Grade 1 until now. Tibay nila nuh?

" Bakit Libre mo? " tanong ni Samantha. Jusko po. Tinopak na naman si Bebe.

" May sinabi ako na libre ko? " taas-kilay na sabi ni Natalie.

" Ayan kasasabi mo lang. " sabi ni Samantha sabay Irap.

" Psh. Shattap. " Naiinis na sabi ni Natalie. Hahaha. Talo na naman sya kay Samantha. Sino ba nanalo
kay Sam?

" Ano ba kasi Order nyo ha? Gutom na ako! " galit na sigaw ni Alyssa. Omg. Masama ito magutom.

" Kalma Alyssa, Mainit na naman Ulo mo walang Lechon dito bhe. " natatawang sabi ni Samantha.

" Arghhhh, Tumahimik ka na dyan Samantha Grace. " galit na sigaw ni Alyssa. Na Napatayo pa. Wow naman.

" Opo." Natatawang sabi ni Samantha.

" Oh ano ba gusto nyong pagkain? Dalii gutom na si Alyssa. " sigaw ni Natalie.

" Uhmm. French Fries at Mango Shake nalang akin. " Sabi ni Samantha.

" Macarons and Lipton. " Sani ni Zoe habang pinupunasan yung salamin nyang nahulog kanina sa paghaharutan namin ni Sam.

" Ako, 5 pcs. Shomai with Rice, 3 Flatops, Mango Shake yung tag-20 pesos ha?" Excited na sabi ni Alyssa.

Pucha. Ang takaw talaga nitong babaeng ito. Nasa lahi naman kasi talaga nila. Hahaha.

" Oh sige. Yun lang? " tanong saamin ni Natalie.

" Yup. " sigaw namin. Napatingin na naman yung mga tao saamin sa Canteen. Okay lang yan bhe, Exposure.

Umalis na agad si Natalie pagkatapos kunin yung mga order namin. Hanep. Libre nya yata. Hindi man lang kinuha mga pera namin. Yes. Tipid na naman ako sa pagkain. Yess.

Maya-Maya dumating na si Natalie. Dala-Dala yung mga pagkain namin. Syempre pagkalapag nung pagkain. Lapang kami agad. Hahahaha. Ang bilis kumain ni Alyssa. Sya ang pinakamadaming na-order, sya pa ang unang unang natapos. Oh diba? Minsan na papa-isip ako kung saan nya yun sino-stock eh. Hahaha.

Ng Matapos na kaming lahat sa pagkain. Tumahimik muna kami. Syempre bagong kain eh. Dina-digest yung pagkain.

" Ang sarap ng pagkain. Nabusog ako. " sabi ni Alyssa habang hinihimas yung tiyan nya.

" Syempre mabubusog ka talaga. Sa dami ba naman ng kinain mo kapag hindi kapa nabusog ewan ko nalang. " pabulong na sabi ni Samantha pero sapat na para marinig naming lahat. Hahaha. Lagooot ka na naman kay Alyssa. Mababatukan ka naman nyan.

" Ano?!! " sigaw ni Alyssa. Wala na namang tao sa Canteen kami nalang.

" Wala. Hehehehe. Peace ✌️. " sabi ni Samantha.

Bestfriends ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon