This short story is simply a product of my imagination, probably this is caused by watching too many asian horror movies that's why I'm inspired to write paranormal stories as well. So here's the very first story that I wrote for my one-shot collections and I hope you'll enjoy reading it :)
Ana's POV:
My name is Ana, 21 years old. Nagtratrabaho ako sa isang opisina bilang sekretary. Masaya ako sa pinagtratrabahuhan ko at masaya rin ako sa buhay ko. Para sa akin nga kunteto na ako sa buhay ko at sa mga bagay na meron ako. Isang gabi, nahuli na ako ng uwi ang dami naman kasing kailangan tapusin na paper works para bukas at sobrang pagod na pagod na ako. Nagulat ako ng mapansin ko ang oras. It's almost 11:00 in the evening, no wonder ako na lang ang naiwan dito sa office namin. Naku, kailangan ko nang umuwi baka hindi ko na maabutan yung huling biyahe ng tren.Gusto ko na talagang umuwi dahil kapag hindi ko naabutan yung train mag tataxi na naman ako pauwi. Ang mahal pa naman ng pamasahe. Pero no choice na kapag nangyari yun wala na ibang masasakyan eh kaya kailangan ko talagang magmadali. Nakakatakot pa naman din ang sumakay sa taxi ngayon lalo na sa mga kababaihan, madami na kasing napapabalita tungkol sa mga babaeng na holdap o di kaya naman ay napagsamantalahan sa loob ng taxi. Nagmadali na akong lumabas ng opisina at sinimulan nang maglakad papunta sa train station.
Pagkalipas ng limang minuto ay nakarating na din ako sa istasyon ng tren ngunit nagsimula ng mamatay isa isa ang mga ilaw. Nalungkot ako dahil hindi ko na naabutan ang huling biyahe ng tren. Wala pa naman akong kasama dahil halos dalawang araw na ding hindi pumapasok ang matalik kong kaibigan na si Marcia. Natatakot na ako dahil madilim na sa train station at nagsisimula na akong maglakad ng mabilis. Grabe nakakatakot biruin mo ako na lang yung tao dun.
Maya maya may napapansin akong parang sumusunod sa akin. Wala akong balak lumingon dahil sa sobrang takot ko. May mga yabag na palapit sa akin.
Nang biglang nagsalita ang estranghero "Miss, nahulog mo yung wallet mo." Dali dali akong napalingon sa lalaking nagsalita. Kaagad namang nabawi ang takot ko nang makita ko ang isa sa mga security personnel na nag abot ng wallet ko.
"S-salamat po" Ayun na lang ang nasagot ko. Hindi ko naman inaasahan na may iba pa palang tao dito sa ganitong oras.
"Walang anuman, ano bang ginagawa mo dito? Kasi kung hinihintay mo ang huling byahe ng tren ay nakalagpas na iyon sa istasyon na ito halos maglilimang minuto na din nung dumaan ang tren" Panimula ng security guard.
"Nagbakasakali lang po ako na maabutan ko pa ang huling byahe ng tren" Malungkot na tugon ko naman.
"Naku, pasensya ka na pero nahuli ka na talaga ng dating. Sige mauuna na ako at kailangan ko pang ikutin ang lugar na ito" Paalam niya at tumango na lamang ako. Nagsimula na akong maglakad palabas ng istasyon ng bigla kong maaninag ang ilaw na nagmumula sa tren. Ganoon na lamang ang pagtataka ko dahil sabi ng security guard ay kanina pa dumating ang huling biyahe ng tren. Walang sakay ang tren na iyon ngunit halos nanlaki ang aking mga mata dahil sa pagbukas ng pintuan ng tren ay punong puno ito ng mga pasahero. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyaring kanina ay walang tao ngunit ngayon marami nang pasahero.
"Papasok ka ba? Nagmamadali din kaming makauwi kaya wag ka nang pabagal bagal at sumakay ka na kung sasakay ka, masyadong paimportante." May halong pagkainis na puna ng isang matandang pasahero.
"Ah opo" Sagot ko at pumasok na ako sa loob ng tren. Hindi ko maipaliwanag pero parang may halong kaba at kilabot ang nararamdaman ko ngayon. Parang ang weird lang kasi ng mga nangyayari. Siguro nga dala lang ito ng pagod. Napatingin ako sa paligid, mukha namang normal ang lahat. Ngunit hindi ko lang lubos na maintindihan kung bakit parang mapuputi at maputla ang mga pasahero. Ibang klase ang kulay ng kanilang mga balat. Isinantabi ko na lang ang mga naiisip ko at nagpasyang tawagan si Marcia.
BINABASA MO ANG
SASAKAY KA PA BA?
Horror(One Shot) Ano kaya ang kababalaghan sa likod ng tren? Samahan si Ana sa kanyang kakaibang biyahe.