Fallen Leaves
by: HeartlessWritter_date started: March 10, 2015 9:45 pm
date ended: March 10, 2015 12:00 am﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Trixi's POV
Same place, same time, same atmosphere and same feelings pero meron isang nagbago dati pag nandito ako masaya ako pero anong nangyari ngayon pag pumupunta ako sa lugar nato parang sinasagasaan ng paulit-ulit yung puso ko....
*flashback(sixty year ago)*
hayy ang sarap talaga ng hangin dito sa may bangin ang ganda pa ng view mula kasi dito tanaw mo yung syudad tapos mahangin din masarap dito mag muni-muni haha ∩_∩
nagsimula nang humangin ng malakas tumayo ako agad at inapakan ko ang mga tuyong dahon na bumabagsak mula sa puno nakakatuwa kasing pakingan yung mga tunog nila....
napatigil ako sa ginagawa ko nang may nakita akong isang lalaking nakangiti siguro bago lang to dito ngayon ko lang kasi nakita yung mukha niya
"hello pwede ba kitang maging kaibigan?" tanong niya sa akin
"haha oo naman ang sama ko namang tao pag humindi ako diba?"sabay ngiti ko sa kanya..
"haha sige.. ako nga pala si Nathan umm Nate nalang para mas maikli"pagpapakilala niya sa akin sabay abot ng kamay niya
"ako naman si Trixi " inabot ko naman yung kamay niya at nginitian siya
"haha Trix nalang itatawag ko sayo... umm anong ginagawa mo kanina kasi parang tuwang tuwa ka ehh ikaw lang naman mag isa"sabi niya sa akin
"ahh haha mukha siguro akong baliw inaapakan ko kasi yung mga dahon try mo kaya ang sarap pakinggan"sabi ko sabay apak nung ibang mga dahon..
"haha sige nga mukhang masaya ehh para saan pa yung pakikipagkaibigan ko sayo kung di ko ita-try yung mga ginagawa mo??"sabay apak niya din dun sa dahong nasa harapan niya
buong araw kaming nag takbuhan, inapakan yung mga tuyong dahon, umakyat sa puno, kumain ng mga mangga, at mag tawanan kaya eto ngayon napagod kami ng bongang bonga haha nakaupo kami ngayon sa lupa haha pero nakasilong naman kami sa ilalim ng malaking puno ng acacia...
"anong garde mo na?"tanong sa akin ni nate habang nagpapahinga kami
"grade six ikaw anong grade mo na?"tanong ko pabalik sa kanya
"first year high school haha pangarap ko nga maging isang magaling na piloto"sagot niya sa akin habang basayang nakataw sa syudad
"haha ako nga gusto ko maging isang magaling na doctor at dapat matupad natin yang mga pangarap natin ahh"agad naman siyang napatungin sa akin at tumango tango
"ilang taon kana?" tanong niya ulit sa akin
"14... ikaw ilang taon kana?"
"15.. haha one year lang pala agwat natin ehh astig"sabi niya sa akin
"pwede ba kitang tawagin na kuya?" tanong ko sa kanya
"haha oo naman wala naman akong kapatid ehh"sabi niya sakin habang ginugulo niya yung buhok ko
"kuya Nate ang init kaya bakit ka naka jacket?"tanong ko sa kanya
"ewan ko basta sabi ni mama wag ko daw tong huhubarin ehh dapat daw may suot daw ako lagi na jacket" pagpapaliwanag niya
"ahh kaya pala.. teka kuya uwi na tayo mag gagabi na ohh baka hinahanap kana sa inyo uuwi na din ako kasi baka nagaalala na si mama.."agad akong tumayo at pinagpag yung short ko sa lupa kasi kami nakaupo..
BINABASA MO ANG
Fallen Leaves
Teen FictionI'm still keep on waiting for you forever until you came back, when that time comes the true smile that I've hide for so long will probobly appear