CHAPTER THREE
"PAANO nga kung may gusto ako sa'yo? Anong gagawin mo?"
Sa tingin ni Frances ay narinig niya ang malakas na pagkalabog ng puso niya.
Tumalon yata iyon sa labas ng bangka pero bakit naman siya nakakaramdam ng ganoon? Si Matthew lang naman ang kaharap niya. Pero siguro kasi ay napakataman ng mga tingin nito sa kanya.
"H-hindi..." nasambit niya.
"Anong 'hindi'?" nagtatakang tanong nito.
She chuckled a little. "Hindi ka naman magkakagusto sa'kin. Napaka-imposible." Umiling-iling pa siya. "You're just annoying me again with that silly question."
Hindi pa rin siya nito nilulubayan ng tingin habang marahan itong sumasagwan.
"Stop staring," saway niya na rito. Naiilang na siya.
"Bakit mo naman naisip na 'napaka-imposible' na magkagusto ako sa'yo?" tanong nito.
She crossed her arms over her chest.
"Matthew, I was a battered girlfriend," mahina niyang sabi para hindi marinig ni Cyla na engrossed ang atensyon sa dagat at sa mga nagliliparang ibon. "More or less, you can imagine what I've been through. I'm a bloody damaged woman. I'm not pure at all. Hindi na ako ideal na babae para sa mga lalaking katulad mo."
Nagsalubong ang kilay nito. "Sa mga lalaking katulad ko?"
"Come on! Aminin na natin, malinis kang tao. Napakarangal ng trabaho mo at maalwan ang buhay mo. You got the looks and the body that women would want to throw themselves at you. At sa mga klase mo, siguradong gusto mo ng malinis na babae—iyong walang anak sa pagkadalaga at iyong hindi dumaan sa iba't ibang lalaki."
Nag-galawan ang mucles sa mukha nito.
She faintly smiled. "You're more of a prince, Matthew. And I'm barely a princess. Magkakagusto ka lang sa'kin kung hanggang sa kama mo lang ako gustong dalhin." Sinalubong niya ang tingin nito. "And I know you're not that kind of guy."
"Hindi nga ako gaanong klaseng lalaki. Pero sa tingin mo, ganoon kababa ang tingin ko sa'yo?" he asked in a dangerous tone.
Napansin niya rin ang paghigpit ng hawak nito sa sagwan.
"One more thing, may anak ako kay Terrence na pinsan mo. Ayaw mo naman siguro ng babaeng nagdaan sa isang kamag-anak, hindi ba? Ano na lang sasabihin ng mga tao?"
Parang galit na umiwas na si Matthew ng tingin sa kanya. Binaling na lang niya ang tingin sa malawak na dagat.
Nakarating na sila sa wooden pole na tinuro ni Matthew kanina. At sa ilalim niyon ay kitang-kita ang napakaraming isda dahil sa sobrang linaw ng tubig sa parteng iyon.
"Fish!" tuwang-tuwang sabi ni Cyla habang nakaturo sa ibaba ng bangka. "Mama, look! There's a lot of fish!"
Napatayo pa ito at humawak sa gilid ng bangka bago tumuwad para mas makita ang mga isda.
"Cyla," tawag niya sa anak at saka mabilis na inalalayan ito.
Ganoon din pala ang gagawin ni Matthew kaya parehas silang nakahawak sa bata dahilan para lumapat ang kamay nito sa kamay niya.
Parang isang mabilis na kuryente ang dumaloy mula sa kamay ni Frances papunta sa buong sistema niya dahil sa malaki at mainit na palad ng lalaki. Mabilis siyang napatingin dito at ganoon din ito sa kanya.
And when their eyes met, Frances saw a different emotion from his deep auburn eyes. At hindi siya sigurado kung ano iyon.
"M-Matthew..."
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...