Eshang PoV
"Mamie Celine," pagtawag nang mga dalaga sa Ginang na nakatitig sa kanyang isang apo na nakikipagtitigan sakaniya.
Ngayon ay naiintindihan na nang Ginang kung bakit ang apo niyang ito ang karapat-dapat sa posisyon.
Sa tagal nilang magkakasama nang mga dalaga ay palagi niyang pinagmamasdan ang mga dalaga at bumibilid siya sa mga angking kakayahan, lakas, at tapang na ipinapakita nang mga dalaga na kailan man ay hindi niya nakita sa mga una at palawang yugto na tumapak at humalili sa ganitong responsibilidad.
Sobrang bumibilid ang Ginang sa mga dalaga dahil sa tapang na ipinapakita nang mga ito. Nakita na nang Ginang na nakipaglaban ang mga dalaga kaya naman ay hindi na siya magtataka kung sa laban na mangyayari kung sakali man na may makalaban sila ay manalo ang mga dalaga.
Ngunit bakas pa din sa Ginang ang pangamba lalo na at hindi pa dapat kailangang harapin nang mga dalaga ang mga ito. Sila'y mga minor edad pa ngunit wala na talaga siyang magagawa kundi ang imulat nang tuluyan ang mga dalaga sa tunay na mundo nila at nang kanilang mga Pamilya.
"Kahit na anong mangyari mga apo. 'Wag kayong bibitaw sa isa't isa. Ang samahan ninyo ang magpapabago sa lahat." Naguluhan ang mga dalaga sa sinabi nang Ginang.
Hindi alintana sa mga dalaga kung ano ba talaga ang sasabihin nila sapagka't naguguluhan pa din sila sa mga salitang binibitawan nang Ginang sa kanila.
Mga minor edad pa sila pero ang mga isip nila ay daig pa ang mga matatanda. Sa murang mga edad nila sila ay mga matured na.
"Erhianna," tumingin na naman ang Ginang sa isang dalaga na tahimik na naman pero nagmamasid sa nangyayari sa kaniyang paligid.
Hinawakan nang Ginang ang kamay nang dalaga na ipinagtaka nang dalaga.
"Oras na mapasayo ang mataas na posisyon. Ipangako mo sa akin na magiging mabuti kang tagamuno sa lahat." seryosong saad nang Ginang sa dalaga na wala man lang imik. Ngunit bahagyang umiling.
"Mamie Celine, Kinakabahan po ako. Normal po ba kami?" tanong nang isang dalaga.
"Epekto nang pagwawattpad mo." saad nang mga dalaga sa isang dalaga na napanguso na lang dahil inaasar na naman siya nang mga kaibigan niya.
"Dinamay mo pa pagwawattpad ko." reklamo nang dalaga sa kasamahan at kaibigan niyang mga dalaga.
"Normal pa din naman kayo mga Apo. 'Wag kayong mag alala." Nakahinga naman ang mga dalaga nang maayos ngunit na sa kanila pa din ang pagtataka.
"Mamie Celine, p'wede po bang ipaliwanag ninyo po nang maayos." saad nang isang dalaga para mapabuntong hininga ang Ginang.
Ipinaliwanag nang Ginang ang lahat sa mga dalaga at halos hindi pumasok sa mga utak nang dalaga ang mga sinabi nang Ginang sa kanila hanggang sa isa isa na silang mapaluha.
"Mamie Celine, bakit kailangan ninyong magsinungaling samin?" Umiiyak na saad nang isang dalaga na pinakamatanda sa kanilang mga dalaga.
Kinokontrol nang dalagang iyon ang kanyang emosyon dahil ang dalagang iyon ang mababaw ang luha sa kanilang mga dalaga.
Gusto niyang pagtaasan nang boses ang Ginang, gusto niyang magalit pero pinipigilan niya ito dahil malaki ang respeto niya sa Ginang.
Sino ba ang hindi magugulat lalo na ang magagalit kung may malaman kang katotohanan sa buo mong pagkatao na itinago sa'yo nang sarili mong Pamilya.
Hindi kapani-paniwala ang mga sinabi nang Ginang sa kanila pero kailangan nilang maniwala sapagkat hayun ang totoo.
"Sorry," ang tanging lumabas sa bibig nang Ginang sa mga dalagang lumuluha.
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.