*Jasmin's P.O.V*
" Dad hehe,punta po muna ako sa taas " Paalam ko kay daddy, hindi pa siya nakapagsalita ng mabilis na'kong tumakbo papunta pabalik sa kwarto ko. Hapong-hapo pa akong nakarating doon.
Binuksan ko na ang pinto. Agad akong nagulat dahil mahimbing na natutulog si Jam, yakap yakap niya pa ang unan ko. -_-
Walanjo! Lapastangan ang isang to. Teka nga paano siya nakapasok dito? Door Crasher?!
0__0 kung sa gate, gate crasher ang tawag doon, kung sa pinto naman Door Crasher.
Talino ko diba?.Mabilis pero dahan-dahan akong lumapit papunta sa kanya. Kinuha ko ang unan sa gilid saka.
*BAM!*
" FVCK! " hiyaw matapos ko siyang hatawin ng unan.
" What the hell is your problem lady? " busangot ang mukha nito at asar na asar na nakatingin saakin. Hindi ko manlang siya napansin kanina ng lumabas ako. Adik na yata ako.
" Maka-What's Your Problem ka diyan, ikaw ang problema, sinabihan ka ni Kuya Astin na bumalik na sa kwarto mo pero parang bato ang ulo ang tigas *pitik sa noo niya* " Panenermon ko sa kanya. Nag poker face naman siya saakin.
" Good morning din sa'yo " sarkastikong sabi niya saka tumayo. At pumunta sa pinto, pero lumingon muna siya.
" By the way, ang pangit mo " sabi nito saka
*BLAAM!!*
Malakas niyang sinirado ang pinto.
" HOY-HOY-HOY! KUNG PANGIT AKO, PANGIT KARIN KAMBAL TAYO ESTE TRIPLETS PALA BALIW!! " Sigaw ko para marinig niya. Sira-ulong 'yon.
Pangit daw ako?, adik talaga yun. -_-
Mabilis akong pumunta ng banyo at naghilamos sabay nag toothbrush. Galing ko no? Pinagsabay ko, gaya ng ex mo pinagsabay kayo. -_-
No offense try ko lang humugot, kiber ba?.
Lumabas na'ko ng banyo at pinunasan ng tuwalya ang mukha ko, pagkatapos ay lumapit ako sa salamin at sinuklay ang buhok kung hanggang bewang. Yup mataas ang buhok ko pero lagi ko siyang dino-donut pag nag-aayos ako ng buhok ko, tanging si Mommy lang ang nakakakita kung gaano kataas ang buhok ko.Dino-nut ko ulit ito saka lumabas na ng kwarto at dumiretso sa Dining Hall, alam ko namang kumakain na sila eh.
" LITTLE SIS! " hiyaw ni Chanyeol Hater, sino paba edi si Jam -_-
Ewan ko ba kung may inaasar siya sa pagtawag saakin ng little sis. Dahil laging sarkastiko ang dating nito saakin.
Lumapit na ako sa kanila. Wow kumpleto kami, yey!.
" Para kang timang " agad nawala ang ngite ko dahil sa sinabi ni Jam, umupo akong nakabusangot ang mukha.
" Baby, h'wag kang bumusangot sa harap ng pagkain masama iyan " suway saakin ni Daddy, ngumuso nalang ako.
" Hala, hala may unggoy na naka-pout " pang-aasar ni Jam.
" Tumahimik ka Chanyeol Hater! " asar na singhal ko.
" Whatever, pangit "
" Whatever bakla " sasagot pa sana siya pero sumingit na si Daddy.
" Itigil niyo yan " inis naman akong tinignan ni Jam, nilabas ko lang ang dila ko para asarin siya.
" By the way honey, before I forgot kailan nga ulit ang pasok mo? " baling ni Mommy saakin. Sumubo muna ako bago mag salita.
" Bukas, Mom sa school ni Jam at Kuya Ally " sagot ko. H'wag kayo sinabi sakin ni Kuya bago pa ako maka walk out, hindi lang minention, tinamad daw si otor eh.
" WHAT?! " Sabay na sigaw ni Kuya Ally at Jam.
" Narinig niyo ako, sa school niyo daw ako papasok para mabantayan ko kayo para hindi kayo mapa-away hehe " sabi ko.
" Hey,hey,hey, anong sinasabi mong ikaw ang magbabantay sa mga kakambal mo?, IKAW ang babantayan dahil daig pa ng ulo mo ang hardest metal sa katigasan ng ulo mo " singit ni Kuya Astin.
" Di wow " sagot ko nalang, malaya ko oa siyang masagot dahil andito sina mommy at daddy, malakas kapit ko sa kanila eh hehe.
YOU ARE READING
The Section D
Fiksi Remaja_____________________________________ Mabait ako sa mabait Mas tuso ako sa tuso Kaya kitang burahin sa mundo kung gusto ko. Sa inosenteng mukha ko? Akala mo isa lamang akong normal na tao gaya ng iniisip niyo? Isang malaking pagkakamali ang nakita...