KUYANG HAGDAN
Pano ko ba sasabihin sayong namimiss kita?
Pano ko sasabihin na gusto kitang makita?
Pano ko sasabihin sayong nahuhulog na ako sayo?
------
First year college ako noong unang beses kitang makita. Ang gwapo mo! Nakaupo ka sa hagdan tapos ang tahimik mo.
May problema ka ba?
Tuwing makikita kita lagi ka na lang mag isa sa hagdan. Hi crush! Gusto ko sanang sabihin kaso wag na lang hiya ako hahahaha. Nalaman ko din na may gf ka pala, infairness ganda nya ah.
Hanggang sa minsan na lang kita makita sa school. Ano kayang pangalan mo kuyang hagdan?
Third year na ko ngayon. Okay naman lahat masaya tapos naging mas masaya pa nung nakita ulit kita at omg! Parehas tayo ng course! Nagulat ako sa nalaman ko tapos ayun naging close kayong mga technology samin na bs.
Ang saya lang kuyang hagdan nakikita kita palagi. Okay na ko sa ganun hanggang sa inadd mo ko sa fb. Halaaaa ang saya ko alam ko na name mo hahahaha tapos nagkaroon pa tayo ng gc sa messenger, lahat tayong mga ece.
Nalaman mong crush kita since first year dahil sa mga classmate ko. Nag hi ka pa nga sakin kahit pilit okay lang. Tapos nimention mo pa ko goooosh sa ganun lang kinilig na ko!
Nagkaroon tayo ng chance na magkachat. Grabe ka MM kinikilig ako sayo kahit na parang napipilitan ka lang magreply sakin. Haaaays ang lungkot na masaya. Ang gulo pala nito.
Kinakausap mo ako sa personal pero hirap akong pansinin ka kasi nahihiya ako sayo. Naopen mo din sakin yung about sa family mo. Kawawa ka naman pala kuyang hagdan, ako na lang mag aalaga sayo.
Pero alam mo ba kung anong mahirap? Yung hindi ko alam kung pinapaasa mo lang ba ako o umaasa lang talaga ako. Ang hirap pala.
------
Pano ko ba sasabihin sayong akin ka na lang?
Pano ko sasabihin na nandito lang ako para sayo?
Pano ko ba sasabihin na nagseselos ako kapag ngumingiti ka dahil sa iba kung in the first place wala naman akong karapatan?
Kuyang Hagdan/MM,
"ANO BA KO SAYO?"
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomancePara sa mga taong nagmahal, nagmamahal at magmamahal ng palihim sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinigay sa kanila. One sided love ika nga nila. Ikaw? One sided din ba ang pagmamahal mo?