(Flashback)
Matapos maghapunan, Kapwa nakaupo sa wide seat sofa sina Adam at Anna upang manuod ng movie. Naka-dark gray na pajama at plain white shirt lamang si Adam ngunit di maitago ng kanyang simpleng kasuotan ang kanyang kakisigan kahit ilaw lang ng 72" tv ng theater room nila ang tumatama sa buong katawan niya.
Si Anna naman na higit isang metro ang layo kay Adam ay naka oversized pink shirt at black shorts na pag tumayo siya ay hindi ito mapapansin agad. Inilagay niya ang mapuputi at makikinis niyang legs sa malapad na chaise ng sofa na siyang dahilan ng kawalan ng focus minsan ni Adam sa screen ng tv. Kasalukuyan siyang pumipili ng panunoorin nilang pelikula kaya hindi niya napapansin ang pagsulyap-sulyap ni Adam dito.
Adam cleared his throat ngunit hindi iyon pinansin ni Anna. "I... I'll get something." sabi ni Adam saka tumayo at bumalik sa kwarto nito habang sinusuklay ang buhok.
Nagulat si Anna nang biglang humarang sa kanyang paningin ang katawan ni Adam. Nilagyan pala siya nito ng malambot na kumot mula paa hanggang baywang. Napangiti at nagpasalamat siya sa binata at naging mas komportable sa pag-upo. Bumalik naman sa pagkakaupo si Adam at komportableng sumandal sa sofa.
"This one!" Excited na tili ni Anna.
Kumunot ang noo ni Adam nang mapansin ang title ng papanoorin nila.
"Horror?" tanong niya."Yep! Favorite series ko 'to!" sagot ni Anna na tila nagpakaba kay Adam.
Nagsimula na ang pelikula. Kinuha ni Anna ang popcorn nila na nasa ibabaw lang ng lamesang nasa harap niya at ipinasa kay Adam ang popcorn nito.
They were so focused with the movie. Nagpaatras-atras si Adam nang tumindi na ng tumindi ang mga eksena, kumakabog-kabog naman ang dibdib ni Anna na para bang kasali siya sa pelikula.
"Ahhh!!!" Sabay nilang sigaw at umulan ng popcorn sa sala. Nagkatinginan silang dalawa. Nagtatakang tumingin si Anna kay Adam na ngayo'y umiiwas ng tingin sa kanya.
"Sumigaw ka ba?" tanong niya ng may panunukso.
"What? Me? Baka guni-guni mo lang yun!" pagsisinungaling nito habang kunwari ay seryosong nakatingin lang sa movie.
"Talaga?" ibinaling ni Anna ang kanyang paningin sa screen. "Ano yun?!" napatalon si Adam sa sigaw ni Anna at nanginginig pang kumapit sa likod niya na parang isang batang may pinagtataguan.
Tatawa na sana si Anna nang bigla niyang maramdaman ang mainit na hangin na ibinuga ng ilong ni Adam malapit sa kanyang leeg. Tila dumaloy ang init na ito sa buo niyang katawan dahilan ng pagkabog ng mabilis ng kanyang dibdib.
Tanging ang hiyaw ng sound effects na lamang ang umaalingawngaw sa theater room sa mga oras na iyon.
Unti-unting inangat ni Adam ang mukha at sumilip sa inuupuan nito kanina.
"Is it gone?" inosenteng tanong ni Adam at tumango lamang si Anna bilang sagot.
"W-Well, hindi naman talaga ako matatakutin. M-maganda lang talaga yung film, parang totoo kase." pagdadahilan ng binata at pasimpleng kumilos pabalik sa lugar niya kanina.
Pinapaypay ni Anna ang mga kamay sa namumula niyang pisngi habang kinakalma ang sarili. Buti na lang talaga at tv lang ang nakailaw, kung hindi ay mahahalata talaga ni Adam ang pamumula niya.
Tahimik lang ang dalawa hanggang sa matapos na ang pelikula.
"A-Another movie?" nauutal na tanong ni Anna kay Adam.
"Sure. But please not horror."
"Of course!" mabilis na sagot ni Anna.
Nagtawanan silang dalawa at nanood uli ng pelikula hanggang sa di na nila namalayang nakatulog na pala sila sa sofa.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...