Tinutokso kami pag magkasama. Sabi ng Kaibigan ko may lihim na pagtingin daw sya sa akin.
"Ha?!" Ano namang pakealam ko, di sya ang tipo ko. Di ako kinikilig sa mga ginagawa nya. Pero ang mga kabarkada ko, tinetext pa ako na bagay daw kami kahit na isang pagitan lang ang layo namin.
"Ehem, Sweet ah" halos magkatabi na nga kami, itetext pa.
"Pakyu" Haha, firstime kong sabihan sya ng ganun. Kulit kasi.
"Bastos!" Haha buti sayo... Okay lang yan, magkaibigan naman kami walang personalan.
Nagsimula lang naman ito nang tinali nya ang bag ko sa inuupuan ko. Syempre gantihan! Kasabwat pati Guro namin. Tinawag kolang naman siya at sinabing tinatawag siya ni Ma'am! Nagmadali ding pumunta kay mam at nagtanong kung ano daw.
"Ha?! Hindi kita tinawag." sabi ni Maám.
Binantayan nya kami. Kami dahil kasama ko ang bipolar ko na kaibigan na si Kyla. Numero uno sa kabaliwan at tawanan. Nung uwian na, binato namin sya ng maliit na bato ang tumakbo sa CR, naiihi na rin kasi kami.
Simula nun, lagi ko nalang siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Nakakatunaw pa kasi ang tingin nya at awkward pa! Lagi kaming magka grupo sa mga proyekto at ang masama pa, pinapares pa kami sa mga dula namin. Kainis lang.
Minsan nga tinext nya ako. Eh bago pala number nya. Pinaglaruan nya muna ako.
"Hi ganda" sabi nya.
"Who you?" lagi akong curious sa mga nag tetext sakin na hindi naka save ang number sa phonebook ko. Kaya reply agad.
"Hindi mo ako kilala?! Nagkasama nga lang tayo nung kelan lang, nakalimutan mo na agad ako." Drama. di ko nga kilala.
"HA?! Sino kaba talaga?!" Cge, laro tayo.
"Boyfriend mo!" What the, Boyfriend?! Kapal nya ah!
"Boyfriend kajan. Wala akong boyfriend no!"
"Basta Classmate mo." Sino?!
Tinext ko ang classmate kong si Mae para tawagan kong sino ang nagtetext saken. Sabi nya lalaki daw at parang si Marc.
"Hoy Marc. Mga trip mo sa text sapul ha! Humanda ka sakin pag balik sa School!"
Kinagabihan, Text parin sya ng text at umamin din. Dami pang nalalaman.
"Ano ginawa mo?" sabi ni Marc.
"Namamasyal."
"Kasama mo siguro Boyfriend mo no?!"
"Boyfriend?! kasama ko Mama, papa, at kapatid ko no! Atsaka, wala akong boyfriend."
"Ah ganun ba. Magseselos kasi ako pag meron."
Ha?! Selos? Ano meron. Hindi ako kinilig pramis.
"Ah sige Good night na."
Hindi ko siya nereplyan. Baka lumaki ulo.
"Grabe wala bang good night jan?!"
"Good night :)" Ayan para matahimik. Kulit.
"Good night lang? Walang I Love You?!"
"Waw kapal mo ha"
"Sige na nga, Ako nalang, Good night Louise, iluvu"
Hindi ako kinilig pero epic conversation yun ah.
Nung nasa School na kami, awkward masyado. Grabe, di ako makatingin ng deretso sa kanya. At kinukulit nya ako pero di ko siya pinapansin. At ganda pa ang tawag sa akin ha. Tinutokso na ako ng bwisit kong mga kaibigan. Kilig kilig daw sila. Kamusta naman ako? kahit isang pitik lang o kuryente wala nga eh.
"Oy, kayo mag sititigil na nga kayo jan! Kulet kulet nyo. Kayo nalng dun ang makipag landian sa kanya."
"Sus ayaw pa nyang aminin, kilig din yan. Pakipot pa" sabi nila sakin. Pramis cross my heart di ako kinikilg.
At yun, nakikinig ako ng music at hiniram nya yung isang earphone at nakinig rin habang sumasagot kami ng seatwork. Kinilig ang mga bruhang kaibigan ko at pinag tetext ako.
"Pakyu" sabi ko. haha kulit kulit nila.
Paglabas namin sa classroom, tinutukso tukso nila ako na linalanggam daw kami at kinakagat na daw sila, ay mali ako daw ang kinagat dahil kami ang nilanggam.
May lihim bang pagtingin sya saakin, o laro lang ito at pinagtatawanan nya ako nang di ko alam?!