Chapter 1
Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon sa isang lugar na hindi ko talaga alam kung bakit maraming tao na dinaig pa ang mga aso kung mag harutan. Lahat sila may kasama , siguro ako lang ata nag iisa dito.. Uy ang astiiiigg, may nagsusuntukan na dalawang lalaki dun oh! Dinaig pa nila si superman at batman. Tsk, LOVE TRIANGLE ata. Ang ko-corny nila, may paganyan ganyan pa silang nalalaman, kiss , hugs , iiiih. Mas gugustuhin ko pang kumain kesa diyan. LOVE IS JUST A WORD. Walang epekto sakin yan.
Ako lang naman si Luke Singkston , 16 yearsold . My mom and dad were divorced since I was a kid. I really love my mom , but there is something I ca-- just cant understand kung bakit kailangan pa nilang mag divorce. That time , I just want to be alone , I just want to die parang yung puso ko pinipiga ng sobrang diin sa sobrang sakit. 8 years nang nakalipas pero may natitira paring sakit dito sa puso ko. Pero masaya parin naman ako kahit papano dahil hindi naman nagkulang si dad ng pagmamahal sakin. Pero minsan wala siyang time sakin dahil mas inaatupag niya yung business niya . Pero ayus lang yun , binibili niya naman lahat ng gusto ko..
Di ko namalayan andito na pala si Mang tunoy , busina ng busina sa harap ko.
"mang tunoy! Kanina kapa dito?"
Pag ka pasok ko sa loob ng kotse."Oo sir, ano po bang iniisip niyo sir? At parang dinaig pa ang dagat sa sobrang lalim niyan" tanong ni mang tunoy.
"Hahahaha! Eto talaga si mang tunoy! Wala naalala ko lang ang pinaka importanteng babae sa buhay ko." malungkot kong pagkasabi.