Prologue

16 0 0
                                    

"Chin up, Robyn!"

"Good!"

"Then face the camera.... fiercer!" I screamed as I keep taking shots of my client. We are having an outdoor shoot right now. Kaya halo-halo rin ang ingay, dahil na rin nasa isang pampublikong parke kami. Kaya hindi ko rin maiwasang sumigaw na.

And Robyn is one of my favorite subject to capture. She never disappoints me. She keeps doing the things that I want her to do. Naging regular client ko na si Robyn dahil na rin sa kami ang laging kinukuha ng school nila to document whenever they have a program or an event. At kapag may pageant sila, siya lagi ang ginagawang representative ng batch nila kaya ilang beses ko na rin nakakasalamuha ang batang ito.

"Okay! That is enough for today!" She immediately slouched after I say it. Natawa naman ako at binaling ko na ang sarili sa pag-aayos ng dslr ko. Napansin ko ang paglapit niya sa akin at niyakap ako.

"Thank you, Khrys." Tumango ako at ngumiti.

"I'll email you the copy of your photos, once I'm done with it."

"Okay! I'm looking forward to it! Thanks again for today, Khrys." Nag-paalam na siya at saka umalis. Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko. Hindi naman 'to karamihan kaya I can carry these on my own. Habang inaayos ko yung tripod ko naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko sa bulsa nang aking pantalon. 

Kinuha ko iyon at nilagay na sa tenga ko nang hindi tinitignan kung sino yung caller.

"Khrystella!" I rolled my eyes and I heard a laugh on the other line. Na para bang alam na niya kung ano ang magpapa-inis sa akin. 

"Stop calling me that way. It's too girly!" Habang sinasabi ko 'yon ayon siya namang dukot ko sa bag ko ng coin purse ko. Kumuha ako ng pera, para mamaya pag magbabayad ako sa tricycle, dudukutin ko na lang yon sa bulsa ng aking cardigan.

"Bakit, ano ba kasarian mo?" I groaned at tumawa ulit siya.

"Anyway, kaya ako napatawag. I just want to invite you on our mini celebration for another successful project." Napakamot ako bigla ng batok don ah.

"Ivan..." Then he sighed when he sense the hesitation on my voice.

"Khrys, saglit lang naman eh.I don't think your husband is that cruel for not letting you to have some few drinks right?" Inayos ko na yung mga gamit ko at isa-isa ko yon binitbit. Naghanap ako ng pwedeng maupuan hanggang sa napansin ko yung hagdanan kung saan ko pinapwesto si Robyn kanina. Pagkaupo ko ron ay may isang bata na lumapit sa akin at nanghihingi ng barya. Umiling ako at ngumiti na lang. Tumakbo na ito hanggang sa hindi ko na ito nakita.

"Khrys?" Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.

"But I need to go home before 6." 

"Ano ka Khrys, bata? May curfew? At saka, this happens only once in your life! So you have to feel what really life is! Trabaho, bahay  ka lang lagi eh. Walang twist buhay mo."

"But Ares will get mad if I came home late."

"Anong oras na ba?" Napatingin ako bigla sa wrist watch ko.

"4:30."

"Oh, may 1 hour and 30 minutes ka pa! Sumama ka na, I'll drive you home after, don't worry." He said with finality.

Agad akong sinundo ni Ivan nang sumang-ayon ako. Well, he knows where to find me. He is my boss so it's impossible that he didn't know my location.

"You know, Khrys. Napakabihira na lang sa'yo sumama sa mga ganitong gatherings. I mean, you are also part of the team. Kaya wala namang masama sumama ka sa ganito. We're just celebrating our success! Sumasama ka nga hindi ka naman nag-eenjoy dahil bantay-sarado sa'yo asawa mo." Tumingin ako sa kaniya at naabutan kong nakatingin rin siya sa akin at ngumiti. Sinuklian ko rin yung kaniyang ngiti. Hindi nagtagal binalik na niya yung atensiyon niya sa kalsada.

Peanut and ButterWhere stories live. Discover now