Chapter 11

5 0 0
                                    

Red's POV

"Ano ba yung maitutulong mo sakin, kung sakaling tatanggapin ko yung tulong mo?" pagtatakang tanong sakin ni Ms. Rockstar

"You will be my girlfriend and I will be your boyfriend." diretsong sagot ko sa kanya. Bahala na! Susulitin ko na to! Go Red!

"ANO?! Seryoso ka?!" gulat na sigaw niya sakin.

"Yes, I'm dead serious Diane. So tatanggapin mo?" tanong ko sa kanya

"No way! Ako?! Girlfriend mo?! Tss." Okay, medyo na-disappoint ako sa sinabi niya.

"Sige bahala ka, sasabihin ko sa malditang girlfriend ni Nico na may gusto ka sa kanya. Maghanda ka nalang sa bahay niyo mamaya dahil sigurado akong susugurin ka nun." sabi ko sa kanya habang nakangisi. Please naman, pumayag ka na!

Tahimik lang siyang nakatingin sakin pero nakakunot parin yung noo. 

"Ikaw na nga yung tinutulungan magmove on, ikaw pa yung may ganang tumanggi. Pero sige bahala ka, wala akong kasalanan kung may kung anong gawin sayo si Jane." sabay talikod ko. Pero syempre, baka mabackfired yung plano ko at hindi niya talaga ako pipigilang umalis, kaya lumingon muna ako sa kanya at nagwave ng hand.

Muli akong tumalikod. Siguro wala na talagang chance. Ng bigla siyang nagsalita.

"Ok, ok. I'm in, papayag na kong maging girlfriend mo.'' mga salitang nagpatigil sakin sa paglalakad at nagpabagal ng mundo ko. Sheeeet! Tinanggap niya yung alok ko! Yes!

Lumingon ako sa kanya at tinago yung kilig na nararamdaman ko ngayon. Nginisian ko siya.

"Sabi ko na nga ba eh. So, akin ka na huh?" sabi ko sa kanya

"Oo na nga diba. Tss. Kulit!" pagmamaktol niya. Haha

"Uuwi na muna ako, maghahanda na ko sa klase mamaya." pagpapaalam niya.

"Sige, 9:15 susunduin kita." sabi ko sa kanya.

"Pero---

"No buts. I am your boyfriend, right?"

"Tsk! Fine."

"Bye Ms. Rockstar." sabi ko sa kanya at lumingon naman siya sakin at nagmake face. Hahaha!

Umuwi na akong nakangiti. Hayy, sa wakas! Nagkaroon din ako ng pag-asa sa kanya! Yesss!

Humanda ka ngayon Nico. Dahil aagawin ko siya sayo. Hinayaan ko na siyang hindi mapasakin dati, pero ngayon hindi na ako papayag.

6:30 palang kaya humiga muna ako sa kama at pipikit na sana ng...

*tok tok tok*

Panira eh!

"Pasok." sabi ko at bumangon sa pagkakahiga.

"Sir, pinapasabi lang po ni Ma'am Austine na aalis na daw siya papuntang trabaho." sabi niya.

"So? Sanay naman akong umaalis siya ng kahit anong oras eh. Kaya pwede ka ng lumabas." Eh totoo naman kasi!

"At pinapasabi niya po na goodluck at sana daw makadiskarte kayo sa first love niyo." Tsk! Si ate talaga, masyadong concerned sa lovelife ng kapatid niya. Haha!

"Ah, sige. Salamat." Lumabas na siya. Kinuha ko ang laptop ko at nag-online sa facebook. Sinearch ko yung pangalan ni Ms. Rockstar a.k.a Girlfriend Ko.

Wala namang pinagbago, puro parin inspirational quotes. Hindi manlang niya inanounce na boyfriend niya ako. Tsk! In-add friend ko siya, naghintay ako ng five minutes baka kasi online siya at i-accept niya. Pero ten minutes na ang nakalipas at wala pa rin akong notification galing sa kanya. Tss.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at 7:30 na pala. Kaya in-off ko na yung laptop ko since wala naman akong napala dun. At naghanda na para sa klase mamaya at sa first day namin ni Ms. Rockstar. Yiee. Ang corny ko lang.

Aubrey's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at kung bakit pumayag akong maging girlfriend niya. Tsk! Nandito ako ngayon sa kama ko, nakahilata at nakatingin sa ceiling, iniisip ko kung ano bang mangyayari mamaya sa school. Tsk!

Tiningnan ko ang orasan at nagulat ako dahil 8:00 na pala ng umaga at susunduin pa ako ni Pula, naligo na ako at nagbihis. Nagthree-fourth checkered na blouse nalang ako at nagjeans at sumuot ng flat shoes. Binlower ko ang buhok ko at agad naman itong natuyo kaya tinali ko ito ng mahigpit. 

Pero pagtingin ko sa salamin parang ang pangit ko parin, hindi parin ako kuntento sa itsura ko. Tinestingan kong gamitin yung bigay sakin na lipgloss ni Mama, binigay niya sakin yun bago kami lumipat ng bahay ni Shawn. Nagpulbos na rin ako kahit maputi na ako. Basta! Bhala na!

Tumingin ako sa salamin.

"Ok na to." sabi ko sa sarili ko habang nakaharap pa rin sa salamin.

"Nagpapanggap lang naman kami ni Pula eh. Hindi naman siguro big deal sa kanya yung pagiging simple ko kung pumorma. Bakit naman ako magpapaganda diba? Tsk!"sabi ko ulit sa sarili ko.

"Hey bestiee! Ganda natin ah? Ano meron?" sabi ni Shawn na nakapajama pa rin, naalala kong hindi pala kami pareho ng schedule.  Pero, OMG! Baka narinig niya yung mga sinabi ko? Tsk!

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko sa kanya

"Kakapasok ko lang, bakit naman yata kinabahan ka sa pagpasok ko dito?" napatakip naman siya ng bunganga na parang na-shock. "

Ohmy bestie! Don't tell me may tinatago kang  lalaki dito?!" sabi niya na parang mapapraning na. Aissh!

"Wala nuh! Ang OA mo! Sige mag-aalmusal na muna ako. Ikaw? Hindi ka pa ba maliligo?" Pag-iiba ko ng topic, baka kasi kung saan pa kami makaabot.

"Hindi pa, mamaya pa namang 10:30 yung pasok ko eh. Classmates kami ni Luke, bleeeh!" sabi niya sabay labas ng kwarto ko. As always, madaldal pa rin yung bestfriend ko.

Bumaba na ko at nag-almusal. Pagkatapos kong mag-almusal niready ko na yung bag ko at tumingin sa orasan, 9:10 na. Maya-maya nandito na si Pula, sisiguraduhin kong hindi siya makikita ni Shawn dahil baka mag-freak out pa siya.

*Beep beep*

Siya na siguro yon, chineck ko muna yung kwarto ni Shawn, at nakahinga ako ng maluwag dahil tulog pala siya. Nagleave nalang ako ng note:

Bes,

        Good morning! Una na kong pumasok huh? May natira pa namang almusal, kainin mo nalang kung gusto mo. Love yah! Bye

                                                                                                                                            -Aubrey :)                                                                                                                                                                     xoxo 

At nilagay ko yun sa table niya. Bumaba na ko agad dahil baka uminit na yung ulo ni Pula.

"Good morning babe." sabi niya sakin ng nakangiti.

"Hoy Pula! Wag mo nga kong tawaging babe! Hindi ako baboy at ang sagwang pakinggan! Yuck!" sabi ko.

"If you say so, babe." sagot niya habang nakangisi. Langya talaga tong Pulang to! Arrrgh!

"Tsk! Shut up!"

"Pasok na." sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Kotse kasi yung ipinangsundo niya sakin, rich kid ang loko.

Pumasok naman ako, pumasok na rin agad siya at pumunta na kami sa Eastwood University.

Miss Bitter Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon