Dear Christine,

185 8 1
                                    

"Birthday ngayon ng classmate namin at nagkayayaan na pumunta kami sa bahay nila.

At first ayoko kasi nandun yung mga kaibigan ko dati, na.. well let's just say na di kami ok.

But dahil pinilit ako nang isa kong close na kaibigan, pumayag na ako.

Ang dami kong kinain, pano ba naman kasi ang daning handa. Sobra, merong lumpia, chicken, cake at marami pang iba.

After nun nagkakwentuhan kaming lahat. Pumasok kami sa loob at nagkwentuhan, nagkakantahan pa.

Tumugtug si Christine at kumanta. Nakatingin lang ako sa kanya kasi ang galing niyang kumanta at mag gitara.

"Nakakain-love ka tin!" pabiro kong sabi. Tumawa naman sila. Yung iba nag agree sakin.

Actually, tinititigan ko lang siyang kumanta. Parang hindi biro yung sinabi ko kanina, parang nagiging totoo.

I know I sound gay but it's true, i'm starting to like her now. Kasi kahit tignan mo lang siya, magugustuhan mo na siya eh.

No wonder at nagka-gusto yung tropa ko sakanya.

I tried na umiwas ng tingin kasi baka lalo akong magka crush sa kanya. But I can't help it, parang may kung anong magnet ang humihila sa tingin ko.

Ang kantahan ay nauwi sa seryosong usapan. Yung iba nagsorry, yung iba umamin..

Hayss. What a day, pero masaya naman kahit papano.

Sabay sabay kaming umuwi lahat, pag uwi ko sa bahay ay napaisip ako.

Kasi hindi maalis si Christine sa isip ko. Do I like her?

Maybe crush. Paghanga lang. Hanggang dun lang yun right?

nagsimula kaming mag chat ni Christine sa facebook, as a friend. Pati text, minsan magkatext na at magkachat pa. Haha san ka pa right?

"Woyy!" eto ang lagi niyang bati sakin sa chat or text.

"Yow!" sabi ko sakanya.

Maghapon kaming naguusap ni Christine. Hahaha

Yung crush ko sakanya lalong nadagdagan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya.

"Eh? kailangan pa ba?" sabi naman niya.

"Oo kailangan yun noh! kumain ka na nga muna!" sabi ko.

"Opo eto na kakain na." sabi naman niya.

Alam mo nakakatuwa yung mga conversation like this. Hahaha, hindi ko ma-explain pero sobrang nakakatuwa.

Nang makabalik na siya ay pinagpatuloy na namin yung paguusap. Merong times na nagpapatawa ako sakanya, telling her some jokes or something.

"Haha baliw! xD" sabi niya.

"Baliw na baliw sayo." I don't know why I said that. Pero for me, gusto ko siyang pakiligin or something.

Everytime na sabihin niya yung word na baliw ay yun ang lagi kong sinasabi sakanya haha.

Dahil dun, ay naging sobrang close pa kami lalo na pati yung mga kaibigan namin ay tinatanong kung kami ba.

One time sinabi sa isa kong kaibigan kay Claudie na may gusto ako kay Christine.

Sure na ko sa nararamdaman ko sakanya. Sobrang sure na.

"May sasabihin ako sayo." sabi ko sa text.

"Ano un?" reply niya.

"Uhmm wag nalang pala. Baka mapahiya lang ako eh" kasi nagdadalawang isip parin ako kung sasabihin ko ba. What if layuan niya ko? Ayokong mangyari yun.

Dear ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon