Chapter 3: New Comers
Ang mga sinag ng araw ay wari bang dumadaan sa ‘king matang nakapikit pa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga matang kagagaling pa lamang sa pagtulog. Nag-unat-unat din ako bago ako tumayo sa kama. Pero teka, bakit nga ba ako nandito?
Pilit kong inaalala ang nangyari nung kagabi. Wala kasi ako sa kwarto ko ngayon. I’m in someone’s room that I’m sure I’m familiar with. Pagkatayo ko’y nagkamot muna ako ng aking ulo na para bang ‘di alam kung ba’t nandito ako. Naglakad-lakad ako at nag-ikot-ikot sa kwartong ‘di naman akin.
“WAAAAAAAH!” Unti-unting nagsisink-in lahat ng nangyari kagabi kung bakit nandito ako ngayon dahil nakita ko ang mga pasang nagiging kulay ube na. May ginawa ba sila sa’kin kagabi? Tinuloy kaya nila yung sinabi nila kagabi? Tumindig lahat ng aking mga balahibo ng naalala ko na lahat ng mga nangyari pero, bakit? Paano?
Bago pa ako mawalan ng malay noon, ang alam ko’y didispatsahin na ‘ko kahapon ng mga misteryosong taong nakapaligid sa’kin nu’ng gabing ‘yun. Isn’t it just a dream? Hindi eh, kung panaginip ‘yun, e ‘di sana, wala akong pasa ngayon, wala ako sa kwartong ito, ‘di ba? Buntong hininga.
“Good morning, Ate Viel,” panimulang bati sa’kin ng isang boses babae mula sa’king likod. Nilingon ko iyon para malaman kung sino siya, si Helena pala na nakasuot ng isang apron. Nginitian ko siya at binati ko rin siya ng magandang umaga.
“Mukhang naging mahimbing ang pagkakatulog ninyo ah? Hehe,” sabi niya sa’kin.
“Oo nga. May tanong lang ako, paano a---“
Hindi niya ako pinatapos sa’king pagtatanong bagkus ay sinabayan niya akong magsalita kaya ako’y napatigil. “Ate Viel, halika.” Pinasunod niya ako sa labas ng kanyang kwarto at ngayo’y papunta na kami sa Dining Area ng HYO. Katulad din ni Helena, nakasuot din lahat ng mga bata sa loob ng Dining Area ng mga apron at ang ilan naman sakanila ay nakahairnet din.
Lahat din sila’y mga busy sa kanya-kanyang gawain. Yung iba ay nagluluto, yung iba nama’y naghahanda, at yung iba, naghuhugas ng mga ginamit nila sa pangluto.
“Ano pong meron?” tanong ko sabay kamot sa’king ulo. Walang tuminag sakanilang pagkakatayo para lamang sumagot sa’king tanong bagkus ay napatingin lang sila sa’kin at ngumiti. Nilapitan ko ang isa sa mga batang nakasuot ng apron at tinanong ko siya ulit kung anong meron ngayon pero wala, ni katiting na buntong-hininga ay wala akong narinig mula sakanya.
“Ngayon kasi ay bawal magsalita,” biglang sulpot ng boses mula sa’king tabi. Tinignan ko kung sino siya, pero mukhang ‘di ko siya kilala pero alam kong matagal-tagal na rin siya rito. Napakunot ako ng aking noo ng narinig ko ang sagot niya, bawal magsalita?
“Bawal magsalita?” pag-uulit ko ng kanyang sinabi na may kasamang pag-aalinlangan.
“Yes, tama hija ang iyong narinig, bawal magsalita,” isang boses nanaman ang aking naulinigan sa ‘king kabilang tainga. Nagtaka ako at tumingin naman ako sa kabilang dako, at laking gulat ko ng… parehas… parehas… parehas… sila.
“Oh, mukhang nagulat ka hija. ‘Wag kang matakot. Ako si Helen Bustamante.”
“At ako naman si Elena Bustamante.”
“We’re twins na nagkamalay na dito sa HYO, kami yung mga chefs dito.”
Oh-okay, masyado naman siguro akong nagpanic sa’king natunghayang kakaiba, siguro sariwa pa kasi sa’king isipan ang nangyari kagabi, isang karimarimarim na pangyayari na sa mga pelikula lang yata mapapanood.
BINABASA MO ANG
The Truth about 11:11 {TO BE REVISED}
HorreurEvery wish has replacements that you'll never like. Current Cover by three3na Former Covers by alphami & haryleu