MY BEST FRIEND, MY BOYFRIEND

44 1 0
  • Dedicated kay Catherine Atienza
                                    

MY BEST FRIEND, MY BOYFRIEND

Malayu- layo pa, naaamoy ko na na papalapit ang best friend ko. And guess what? May kasama nanaman siyang babae. For sure, eh ipapakilala nanaman niya sa akin kung sino man ang bago niyang girlfriend, or is it better to say nab ago niyang nabola.

Habang lumalapit sila, mas lalo akong napapangiti at the same time naiinis sa kanya, kay Reid, sa best friend ko. Kung sana kasi ako na lang eh. Sana ako na lang yung girlfriend niya.

You heard it right. I wish I could be one of his girls. Not actually one of them because I want it to be only “me.” Secret love ko yang best friend ko. And I’m keeping this secret for a very long time. Nagsimula siguro yan nung elementary kami, pero crush lang dati, hanggang sa nadevelop, at ayun, naleche, naging love.

“Oi, Zhy,” bungad niya. Wagas ang bungad no. parang ewan lang. “Oh, baket?” tanong ko naman na medyo may pagkasarkastika, pero with a smile din naman siyempre.

“I just want you to meet my GIRLFRIEND, Angelika Dianna Estrera. Or Addie for short,” pakilala niya sa babaeng kasama niya. Sa totoo lang, kilala ko na siya eh. Sino ba naman ang di makakakilala sa isang katulad niya. Una, isa siyang math wizard, tapos, two years nang awardee ng Scientist of the year, mayaman, at higit sa lahat, mayaman. Hindi ko lang alam kung paano napasagot ni Reid ang isang kagaya ni Addie.

“Nice meeting you Addie,” batik o sa kanya para naman di madisappoint si best friend ko. “Nice meeting you, too. Di ba ikaw si Zhyka Alleine Mitchele Rodriguez? Yung anak ng Zynx Mall?” yun ang mahaba niyang tanong sabay lahad ng palad niya sa akin. Inabot ko naman yun at nagshake hands kami.

“You know her Addie?” taking tanong ni Reid sa girlfriend niya. “Yep. Actually, matagal ko na siyang kilala. Sino ba naman ang di makakakilala sa kanya eh super rich kid niya at matalino and most of all, maganda.”

Grabe din pala mambola tong si Addie ah. Di siya kagaya nung mga kagaya niyang miss popular, mayabang at matapobre. Siya, marunong makisama. Nasesense ko na magkakasundo kami, although nung una, nainis ako kasi mahahati nanaman ang oras ng bff ko. Hays. Mas ok na rin siya, kesa naman humanap pa ng iba si Reid na masama ang ugali at masarap ilublob sa imburnal ang pagmumukha isama na ang kaluluwa.

“Ay sige, Ms. Zhyka, Reid, una na ako. may klase pa din kasi ako eh.” Paalam niya. Masyado naman ata niya akong ginagalang at may pamiss Zhyka pa siya. Pero at least siya, marunong kumilala. Di kagaya nung ex ni Reid nitong huli na si Talivien, maka tawag na Zhy sa akin, feeling close agad. Hmpt.

“Ah, sige Addie. Hintayin na lang kita mamayang uwian ah. Bye bye.” Paalam sa kanya ni Reid. Kaway na rin ako para sa kanya.

Medyo nakalayo na si Addie. Hindi ko alam pero sinundan ko siya ng tingin. Di ko alam kung masyado akong nagpapakakeen observer o ano sa ginagawa ko eh. Tingin na lang ako kay Reid at usisain itong mokong kung paano napasagot si Addie.

Grabe ang ngisi ng impakto. Ang lapad. Nakascore nab a to o sadyang in heaven lang pagkasama si Addie.

“Wui, Reid, anong nangyayari sayo dre?” tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung kalat ko kanina bago sila dumating.

“Wala ka na dun no.” sagot niya.

Feeling ko sa lokong to eh may tinatagong kulo kaya di ko titigilan hanggat di umaamin.

“Weh? Guro nakascore ka na kay Addie no?” sarkastiko kong tanong. Medyo napangiwi sya nung marinig niya yung sinabi ko. “ Iw naman dre. Pakadumi mo naman mag-isip. Two days pa lang score agad. Excited ka ah.” Sabi niya sabay irap sa akin. Pinalo ko naman siya. Pero tawang tawa ako sa ginawa niya. Para kasi siyang bading.

MY BEST FRIEND, MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon