Sanya remain calm as she can while she looking at him,Azzam. Hindi madali sa kanya na pigilan ang emosyon na nais kumawala sa kaloob-looban niya na matagal din niya itinago. Ngayon nagkita na muli sila nito tila ba nais magbalik ang lahat-lahat.
Napakagwapo pa rin at mahaba na muli ang buhok nito. He looks like a angel.
His eyes. Masasalamin ang pangungulila nito pero may kaakibat iyun ng pagtataka at..lungkot. Ibinaling niya ang mga mata sa kaibigan na si Reji bago pa man nito makita ang pinipigilan niyang emosyon sa mga mata niya.
Nakangiti si Reji ng humarap siya rito. "Celebrate tayo kapag nakasahod na ko!"untag nito sa kanya.
"This time di ka na tatanggi ah? Yaan mo makabawi ako sayo. Hindi madali makapasok dito ka--"
"Let's go,"pagsabad ni Azzam na nagpahinto sa sasabihin ng kaibigan.
Sabay nila nilingon ang seryoso anyo ni Azzam. Mariin at mababanaag ang pagkadisgusto nito.
"Aalis na kami,Sanya.."turan ni Reji at bago pa lumapat ang labi ng kaibigan sa pisngi niya malakas na galabog ang nagpatigil sa kanila. Sabay nila nilingon ang pinagmulan ng galabog.
"Pasensya na hindi ko napansin,umalis na tayo,sayang ang oras.."turan ni Azzam na tila napipilitan lang ito humingi ng pasensya sa ginawa nito.
Sinulyapan niya ang isang highstool chair na nakabuwal sa sahig. Bumaling ang mga mata niya sa ama at nagkibit lang ito ng balikat.
Alam niya sinadya iyun ni Azzam. Alam niya kung ano ang rason.
"Alis na kami,"paalam sa kanya ni Reji at nagmamadali na lumapit ito kay Azzam na seryoso ang anyo na nakatayo sa harapan ng elevator. Mariin ang titig nito sa kanila at buong tapang naman niya tinapatan ang binibigay nitong titig sa kanya.
Una ito nagbawi ng mga mata saka ito tumalikod na upang sumakay ng elevator.
"Bye,Sanya!"paalam sa kanya ni Reji.
Napabuga siya ng hininga ng tuluyan ng magsara ang pintuan ng elevator.
"Okay ka lang ba?"untag sa kanya ng ama.
"Okay lang po ako,ama,"tugon niya sa ama.
Hinaplos nito ang kanyang pisngi at puno ng pagmamahal ang makikita sa maiitim na mga mata ng ama na siyang namana niya rito.
Hindi niya masalubong ang mga mata ng ama. Hindi niya maitatago sa ama ang tunay na nararamdaman niya.
Iniangat nito ang mukha niya ng ikulong nito sa pagitan ng mga palad nito ang mukha niya.
Pinatakan ng kanyang ama ng halik ang kanyang noo.
"Nagpakaabala siya. Walang oras na gusto niya magpahinga,i mean..mabakante at sa tingin ko inaabala niya ang sarili niya mula ng hindi na kayo nagkita,"saad ng ama.
"Tanggap niyo na po ba?"tanong niya sa ama.
Napabuga ito ng hininga. "Nag-iisa ka lang prinsesa namin ng iyong ina,Sanya..ang totoo mahirap tanggapin na kailangan mong bumuo ng sarili mong pamilya bukod sa amin ng iyong ina. Mahirap talaga kapag masyadong possessive,"saad nito sabay palatak sa dulo.
"Ayaw kita ibigay na kahit kanina. Ayaw kong malayo ka sa amin ng iyong ina. Gusto ko sa amin ka lang pero..kapag pag-ibig na ang pumagitan hindi niyun mahahadlangan ng kahit ano pa man,"saad ng kanyang ama.
"Basta tandaan mo lang nandito lang kami ng iyong ina,"masuyo dagdag ng ama.
"Ano na ang balak mo ngayon sa inyo dalawa? Kilala ko ang lalaking yun,mataas din ang pride niyun pinapairal ang pagiging matandang bampira niya,"pagsimangot ng kanyang ama.
Napanguso siya sa tanong ng ama.
"Ganun po ba kayo mga lalaki?"tanong niya sa ama.
Natawa ang ama. "Hindi lang naman ang mga babae ang nagpapahard to get pero sa kaso niyo dalawa siya dapat ang humahabol sayo dahil siya ang bigla hindi nagparamdam sayo kung hindi lang sayo baka nasaktan ko na yun,ginagawa pang komplikado ang relasyon niyo,"napapailing na turan ng kanyang ama.
"Sa tingin ko sinisisi pa rin niya ang sarili niya,"dugtong ng kanyang ama sabay sulyap sa braso niya.
"Pero..dapat matuwa pa nga siya dahil bumalik na sa dati ang braso mo,"masaya saad ng ama.
"Sana nga,Ama.."usal niya.
Nasa harapan na siya ng kanilang bahay ng maramdaman niya ang pamilyar na pamilyar na presensya iyun mula sa likuran niya.
"Anong nangyari?"saad nito na mauulinigan ang lamig roon at.. pang-aakusa.
Kalmado na nilingon niya ito.
Seryosong-seryoso ang gwapo nito mukha.
"Ang alin?"
"Bumalik nga sa dati ang braso mo pero alam kong may nabago sayo!"saad nito at pigil na galit ang mauulinigan sa tono nito.
"Ano ang kinagagalit mo ngayon?"malamig niyang tanong rito. Masakit lang sa loob niya na galit pa ito gayun nasa maayos na muli ang ginawa nitong pinsala sa kanya.
Naningkit ang mga mata nito sa kanya.
"Hindi na kita maramdaman. Bakit?"
"Baka ganun lang siguro dahil matagal tayo hindi nagkita,"malamig niyang sagot na kinatigagal nito.
"Maramdaman mo man ako o hindi nagawa mo naman tiisin yun di ba? Ni hindi ka nga nagparamdam sakin bago ako umalis. Nagawa mo akong tiisin na hindi puntahan na kung gugustuhin mo magagawa mo,"may himig na panunumbat na saad niya.
Tumindig siya at pinakita rito na galit siya sa ginawa nito. Gusto niya maramdaman nito na masakit para sa kanya yun na masama ang loob niya sa bigla nitong paglayo sa kanya.
"Sabihin mo lang kung tayo pa,"untag niya rito.
Napaawang ang mga labi nito. Mababanaag sa mukha nito ang pagkabigla sa sinabi niya.
Tuwid niya ito tinitiga sa mga mata nito.
"Hanggat hindi mo napapatawad ang sarili mo..mabuti pang putulin na natin ng tuluyan kung ano man meron sa atin dalawa kung tutuusin parang tinapos mo na mula ng hindi ka na nagpakita sa akin,"deretsahan niyang sabi.
"Akala ko magiging masaya kapag nakita mo ako na maayos gaya ng dati pero nagkamali ako.."saad niya saka binura ang emosyon sa kanyang mukha.
"May nabago sakin at hindi madali yun para sa akin dahil...kabawasan iyun sa kakayahan ko bilang bampira,"usal niya.
"Gusto ko gumaling dahil gusto ko ipakita sayo na nagtagumpay ako sa paggawa ng lunas para sayo pero...hindi ko inaasahan na salungat ang inaasahan ko,"saad niya na may himig ng pait sa boses niya.
Napabuga siya ng hininga.
"May sasabihin ka pa ba?"untag niya rito ng hindi na ito umimik pa.
"Kung wala na papasok na ako sa loob,kabalyero,"saad niya sabay talikod na rito.
Hindi siya nito pinigilan at senyales lamang iyun na...hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat.
Hindi na ba talaga?
O baka naman masyado lang ito nabibigla sa mga nangyari.
Tama ba siya?
Baka umaasa na naman siya.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampirIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...