Prologue
"Dustin, bakit dito mo pa talaga gustong makipagkita? Ang lakas ng ulan, oh!" sigaw ko kay Dustin at kaagad siyang pinayungan kahit basang-basa na ang kanyang damit.
"Christine, I have something to tell you," basang-basa ang kanyang buong mukha, ngunit bakas pa rin dito ang pagtangis ng kanyang bagang.
"A-ano 'yon at gan'yan ka nalang ka-excited? Pwede bang mamaya nalang 'yan? Magbihis ka na muna para hindi ka magkasakit, Dustin."
"Christine! Listen to me first okay?" sigaw nito. Iwinaksi niya ang kamay ko na may hawak ng payong. Akmang kunin ko na iyon ngunit kaagad niya akong napigilan sa braso. "IM BREAKING UP WITH YOU, CHRISTINE!"
Kaagad akong napahigpit ng hawak sa aking T-shirt. Ang matagal ko ng inaasahan na sabihin niya, sa wakas narinig ko rin. Nangilid na ang luha sa aking pisnge, ngunit, mas minabuti kong pigilan ang aking sarili na huwag umiyak sa kanyang harapan.
Kinuha ko ulit ang payong at pinahawak iyon sa kanya.
"NARINIG MO BA ANG SINABI KO, CHRISTINE? IM BREAKING UP WITH YOU, wala na tayo! Break na tayo at sawang-sawa na ako sa'yo!" sa pangalawang beses, iwinaksi ulit niya ang kamay ko.
Sunod-sunod akong tumango. "Oo, narinig kita, Dustin. At naramdaman kita, naramdaman ko ang bawat araw na palamig ng palamig ang turing mo sa'kin. Alam ko, at h-hindi ako tanga para hindi maramdaman 'yon," may iilang butil na lumandas sa aking pisnge. Iwinaksi ko iyon at pinulot ang payong. "At matagal ko ng hinintay ang pagbitaw mo sa'kin, matagal ko ng gustong marinig mula sa'yo na sawa ka na sa'kin." ipinahawak ko sa kanya ang payong. "Dustin, kahit na break na tayo, alagaan mo pa rin ang sarili mo. Kung uulan man, payongan mo ang sarili mo para hindi ka lagnatin, kumain ka sa tamang oras at 'wag kang magpalipas dahil lang sa online games." sa huling beses, pinilit kong ngitian pa rin siya. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Dustin."
Iniwan ko siya sa harap ng kanyang kotse. No'ng una, normal lang akong naglakad, ngunit patagal ng patagal ay tumakbo na ako kasabay ng luhang dumaloy sa aking mukha. Inaasahan ko na ang lahat kaya hindi na dapat ako masaktan. Hindi dapat ako umiyak, ginusto ko 'to kaya dapat kong panindigan ang pagiging mabuting Ina para sa magiging anak ko.
———
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events, places and incidents are only a product of the author's wide and playful imagination. Any resemblance to actual person, living or dead is purely coincidental.©Meant4Youuu
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
Любовные романыChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...