Raiko POV
Grabe ang pagkainis ni Karen noong papasok na kami sa bahay nila. Hinahanap agad niya ang kaniyang ama na animo ay hindi makapaghintay. Noong makita niya iyon sa puno ng hagdan ay agad niyang hinawakan ang kwelyo nito. Hindi lamang ako ang nagulat. Maging sila ay ganun din. Lalo na ang asawa ng kaniyang ama. Imelda was furiously mad at Karen, while his father was totally expecting it to happened.
"Sino ba ang kaaway mo at nadadamay kami sa mga problema mo. Ni hindi ka nga naging ama sa amin tapos ikaw ang papatay sa amin! How dare you. You are such a useless father" Karen shouted at his father.
"Tama na! Ano ba. Igalang mo ang nakakatanda sayo. Wala ka talagang modo! Talagang nagmana kayo sa nanay ninyo. Kay bata-bata humaharot sa matatanda. Akala mo naman kung sino kayo! " Imelda shouted at Karen.
Sa sobrang inis ata ni Karen ay bigla niya na lamang nasampal ang matanda na dinulugan naman ng kaniyang anak at mga apo. Karen still standing there looking so mad. Kahit ako ay nag panting ang tenga noong marinig ko ang ganoong salita mula rito. It was his wife she was insulting.
"How dare you to insult my mother for being a flirt. Well in fact you are the whore here. This man," she said while pointing at his father's chest, "This man was going to marry my mother if you didn't push yourself to be with him. Anong akala mo bobo ako. Na hindi ko alam ang kahibangang ginawa mo para lang pakasalan ang taong to. May anak ka na noon at nagawa mo pang lumandi sa iba para lamang takasan ang ama ng anak mo!" Karen shouted at Imelda.
Habang ako ay nakatayo pa rin dito. Nakikinig sa lahat ng mga sinasabi ni Karen. Because I want to know my wife's family. How broken she is. How sad she is. How idiot I was.
"Stop it Karen" he's father told him habang inaalalayan ang kaniyang asawa.
"What? Ayaw ninyong malaman ng mga tao dito kung ano ba talaga ang kulay ng bruhang yan? How dare she called my mother a flirt na kung tutuusin ay mas malala pa siya. She was a wrecker. A whore!" She answered his father. After a while she laugh so hard while crying.
"Karen tama na" awat pa rin ng kaniyang ama ngunit inilayo nito ang kaniyang braso sa ama. She walk towards the door and look back after while smiling.
"Remember na kailangan mong bumawi sa anak mo. Kailangan mong mag paka-ama sa aming dalawa. Kay Larissa alam kong bagsak ka na. Oras na may mangyaring masama sa kakambal ko. Kalimutan mo ng may mga anak ka pa. This last chance was your last card. Punan mo ang pagiging ama mo sa kilos. Hindi kami nangangailangan ng materyal mong bagay dahil kaya kaming buhayin ng pera ng nanay namin. Our mother was still with us even she was dead while you didn't make right things for us kahit na buhay ka pa. Remember that we don't like to be a Vicente's. It was your fault that we are part of it. Adios!" He said before shutting the door close.
Katahimikan ang pumuno sa paligid noong umalis siya. Then after a while ay agad namang nag salita si Imelda.
"Wala talagang modo ang batang iyon. Hindi siya napalaki ng tama ng mga kumupkop sa kaniya. Wala siyang galang" reklamo nito.
"Ganun ang inasta niya dahil iyon alam niyang tama. Huwag kang mag reklamo na animo'y wala kang ginawang mali sa mga anak ko. Tandaan mo kasalanan mo kung bakit hindi ako naging ama sa kanila. Hindi ko pipigilan ang anak kong saktan ka dahil kailangan mo yan para magising ka. Hindi pa pala naging sapat iyong ikaw ang pinakasalan ko kahit na may anak ka sa ibang lalaki at nagawa mo pang pagtangkaan ang buhay ng mga anak ko" walang emosyong saad ng padre de pamilya nila bago ito muling umakyat. Naiwan kami doon.
Mika— Manilene's mother was guiding Imelda into the sofa habang ako ay hindi pa rin makaalis sa kinatatayuan ko.
Ang gulo pala ng pamilya nila. Sobrang dami na palang napagdaanan ng asawa niya. But instead of protecting her ay sinaktan ko pa ito.
BINABASA MO ANG
Chained Love (El Señorita Series #2)
RomanceIsang malaking pag kakamali ang pag sabi niya ng 'I do'. Ang akala niya ay isang malaking kasinungalingan lamang ang lahat ng naganap na iyon. Isang Magandang panaginip na nag daan sa buhay niya. Noong una ay ayaw niya sa lalaki para sa sarili...