Chapter 5

1 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw na parang gumigising lang ako para pumasok sa school at pagkauwi ay matutulog na. Alam kong nasaktan talaga ako kahit wala namang kasiguraduhan kung ano talagang nangyari, kasi diba baka tinulak lang ni Ynnod si Ms O or baka may natabig lang sila kaya may nahulog, OA lang siguro ako.








LUCAS

"Le puedo ayudar en algo"
(anong maitutulong ko sayo?) Their guard asked

"Estoy buscando al Sr. Oh, ¿está aquí?"
(I'm looking for Mr. Oh, is he here?) Ani ko

"¿Cuál es tu nombre?" (What's your name?" Guard

"Lucas" tanging ani ko

Umalis siya para siguro ibalita sa amo niya ang pagdating ko..

Hindi rin nagtagal ang pinapasok ako ng guard,.. naabutan ko sa living room ang grandpa ni Celestia.

"Long time no see, maupo ka" bati niya

"Naparito ako para may kumpirmahin" walang paligoy ligoy kong saad

"Si Lorelei.." hindi ko nakitaan ng gulat ang mukha niya, mukhang iniexpect na niya.

"Siya si Celestia hindi ba?" Natawa sya sa sinabi ko

"Alam kong darating din ang araw na'to, na makikita mo si Lorelei dahil alam ko naman na hindi ka tumigil sa paghahanap sa apo ko." Mr. Oh

"Ang tanong ko ang sagutin mo!" Madiin na ani ko

"Nagkakamali ka iho, si Celestia at Lorelei ay magkaibang tao"

"Hindi ako naniniwala, sobrang liit naman ata ng mundo kung yung kamukha ng girlfriend ko ay apo rin ng lolo niya" ani k

"Alam kong darating ang araw na ito, pero hindi ko akalaing ganito kaaga" iling iling na ani niya habang may kung anong envelope na kinuha

"Buksan mo, andyan lahat ng impormasyon tungkol kay Lorelei na inaakala mong si Celestia" kinuha ko ang envelope na binigay niya

Mukha ng isang babae ang tumambad, hindi siya familiar sa akin. May isang Id,.. id ni Lorelei Belshaw?

"A-anong ibig sabihin nito?" Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa mga nakikita ko.

Sya si Lorelei p-pero iba itsura nya dito...

"Lorelei Belshaw, 20 yrs old.. 18 years old siya ng magsimula siyang mamasukan sa amin biglang katulong" Mr. Oh

"Yung tatay si Celestia, sa dami ng nangyari hindi na kinaya ng utak niya,... Sobrang sinisi niya ang sarili niya sa pagkawala ni Celestia at ng mommy ni Celestia, utak niya na ang bumigay sa dami ng iniisip niya.. hindi namin napansin na ang ilang buwan na bakasyon ni Lorelei ay hindi pala talaga bakasyon, pinaretoke ng Daddy ni Celestia ang mukha ni Lorelei at ginawang kamukha ni Celes,.. lahat kami hindi makapaniwala at hindi matanggap yun, nagalit kami nung una pero wala din kaming nagawa,.. malala na pala ang sakit sa utak ng Daddy ni Celes... Hinayaan nalang namin siya, hindi ginusto ni Lorelei yun pero wala siyang nagawa dahil kailangan niya ng pera,.. kalaunan natanggap din namin pero hindi ibig sabihin nun tinuturing na namin siyang si Celestia, dahil hindi ko naman siya Apo" Napaupo ako sa sahig dahil sa mga sinabi ni Mr Oh

Hindi ko alam ang mararamdaman, pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Pota anong ginawa ko para mangyari sa'kin 'to??! Ubos na ubos na yung rason ko sa sarili ko para kumapit pa.

"A-asan si Celestia??? Nakita na ba sya??" Umiiyak na tanong ko

Naging malalim ang buntong hininga nya bago sumagot.

"Patawad iho, 3 months pagkatapos ng aksidente... Nakita na ang katawan nya" Mr Oh

"W-wala na sya?" Tanging iling ang naisagot sa'kin ni Mr. Oh

Wow, tangina! Naging mabuti naman akong tao ah, pero bakit ganito?? Bakit kailangan kong maramdaman na buhay pa sya kung kinuha mo na pala talaga sya??! Bakit kailangan mo akong paasahin sa wala?! Paano na ako?

Mahal, akala ko ba babalik ka pa? Kumapit ako kahit sinabi nilang wala ka na pero paano pa ako kakapit ngayon kung sinampal na ako ng katotohanan?! Potangina naman!! Hindi ko naman deserve lahat ng sakit na'to, gusto ko lang naman sumaya kasama yung taong mahal ko,... Mahirap ba yun? Mahirap bang ibigay sa'kin yun?








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon