Leave
Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa sobrang kaba ko pakiramdam ko ay masusuka na ako. Nasa harapan ako ng reception at hindi ko magawang bumaba ng aking sasakyan. Nanlalamig ang mga kamay ko at kung titingnan ko lang ang mukha ko sa salamin paniguradong namumutla na ako.
Sa bawat tao'ng nakikita kong pumapasok sa engrandeng reception ni Miss Eina ay mas lalo lang akong kinakabahan lalo pa't may mga nakita akong media sa labas. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngunit ayaw ko rin namang biguin si Miss Eina. Napapikit ako ng mariin at napa ub-ob sa steering wheel ng aking sasakyan.
Naalala ko na namang ang nangyari kanina. Halos takasan ako ng aking kaluluwa sa pagkakita kay Edward. Para akong mahihimatay. Pinangako kong hindi na ako ulit lalapit sa mga Suarez pero ano 'to ngayon? Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng kung sino man.
There's so many things that changed with Edward. Isang tingin ko lang...pakiramdam ko iba na siya sa Edward na nakilala ko noon. Pakiramdam ko ang layo na ng agwat namin sa isa't-isa. Tears formed in my eyes when I remember his face before, the way he looks at me...he was so gentle but right now...it was full coldness na halos magyelo na ako roon.
Galit kaya siya sa akin? Sinusumpa niya kaya ako ngayon? Sino namang hindi magagalit Jez? You left him with just a simple note. You put their name in danger before. Muntikan mo ng masira ang pamilya nila. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong masisiraan ng bait kapag hindi pa ako lalabas ngayon!
Para kay Miss Eina, pagkatapos nito sisiguraduhin kong hindi na kami muli magtatagpo ng landas!
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at wala ng pagdadalawang isip na pumasok sa loob. Dahil siguro hindi ako namumukhaan ng mga media ay wala sila sa aking pakialam. Ayos na rin 'yon. Ayaw kong ma-issue. At isa pa halos limang taon na rin ang nakakalipas kaya paniguradong limot na ng press ang mukha ko o yung issue noon!
Binigay ko ang invitation sa organizer at iginiya niya naman ako agad sa aking table. Mula doon ay kitang kita ko ang malalaki at masasayang ngiti ni Miss Eina kasama ang kanyang asawa. I am truly happy with this girl. Saksi ako sa tindi ng kanyang pinagdaanan sa apat na sulok ng hospital.
Nakita kong nasa mic na ang master of the ceremony para simulan ang program. Ako naman ay kumuha ng isang wine sa waiter para takpan ang tensyon na nararamdaman. Hindi ko mapigilan ang paglibot ng aking mata. At nanalangin akong hindi ko siya makita!
Kaya lang nang magsidatingan na ang mga Suarez ay para na akong sinisilihan sa aking upuan! Jez, 'wag mong kalilimutan na may speech ka pa mamaya! Meaning...magsasalita ako sa unahan!
Goodness! This is really making me fucking nervous!
Maraming sinabi ang master of the ceremony at may nag-alay pa nga ng kanta at doon ay isasayaw ng groom ang bride. Syempre lahat sila ay nakatingin sa masayang couple na halos kulang na lang ay maghalikan sa gitna. Nagkantyawan ang mga pinsan ni Perfi kaya napatingin ako sa gawi nila only to realize that Edward was there! Katabi niya si Jonas at Jeminah!
Mabilis na nagkarera ang puso ko nang mapagmasdan ko si Edward. He's wearing a black tuxedo that fits his shoulder and chiseled chest. Napansin kong mas lumaki ang kanyang katawan, pakiramdam ko ay mas lalo rin siyang tumangkad. Gwapo na siya noon pero...damn it! Bakit parang mas gumwapo siya ngayon? Napalunok ako ng mariin nang makita ko ang pamilyar niyang malokong ngisi ng may binulong si Jonas sa kanyang tainga. Napansin kong nakatingin sila ngayon sa isang babaeng nakasuot ng tight dress at halos kita na ang cleavage nito. May kung anong nagbara sa aking lalamunan at pilit umiwas na lang ang aking mga mata sa kanya.
Ang dami ng nagbago. I feel like I am staring into a new Edward Gab Suarez. Alam kong nakita niya ako kanina. Magkaharapan pa nga eh. But he looks...uninterested. He acts like he doesn't know me. And it's making me damn...sad na alam kong hindi dapat dahil ako naman ang may kasalanan. Tama lang na 'yon ang ginawa niya. Tama lang na...magalit siya sa akin at hindi ko siya masisisi sa lahat ng bagay dahil ako ang lumayo.
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomansaMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...