Final Chapter

459 23 12
                                    

𝗛𝗶𝘀 𝗕𝗶𝘁𝘁𝗲𝗿𝘀𝘄𝗲𝗲𝘁 𝗚𝗼𝗼𝗱𝗯𝘆𝗲..

**

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at dinama ang unan sa tabi ko. Kumunot ang noo ko nang maramdamang malamig iyon.

"Bryce?" Tawag ko sakanya habang bumabangon pero walang sumagot.

Dumiretso ako sa CR at naghilamos. Madalas syang maunang gumising sakin pero ngayon ko lang sya hindi namulatan na nakatingin sakin habang hinihintay akong magising.

"Bryce?" Muli kong tawag habang papunta sa kusina. Napangiti ako nang makita ang mga umuusok pang pagkain sa mesa. "Ang aga mo namang nagising."

Napawi ang ngiti ko nang mapansing wala sya sa counter.
"Bryce?" Kinatok ko ang CR sa tabi ng kusina pero walang tao at nakabukas pa ang pinto.

Agad akong bumalik sa kwarto para tawagan sya at ganon nalang ang pagkadismaya ko nang operator ang sumagot sakin.
"Bakit ang aga aga naka-off ang cellphone nya?"

Bigla ay hindi ako mapakali.
Bumalik ako sa kusina at tiningnan ang mga nakahain sa mesa. Mainit pa ang iba. Paglabas ko kanina umuusok pa nga. Ibig sabihin ay hindi pa ganon katagal nang lumabas sya.
Doon ko napansin ang maliit na note na pinatungan ng baso.

"𝐗𝐚𝐯𝐢𝐞𝐫, 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧."

Itinukod ko ang mga kamay ko sa mesa at huminga ng malalim.

Tatlong oras?

Ibinaba ko ang note.
"Siguro may binili lang."

***********

"Kier, alam mo ba kung nasaan si Bryce?" Tanong ko agad pagkasagot nya sa kabilang linya. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko at umaasang 'Oo' agad ang sagot nya. Maga-apat na oras na syang wala. Natawagan ko na si Mico, si Rixon at Yige pero lahat sila ay hindi alam kung nasaan sya.

"Hindi, bakit umalis ba sya?"

Napahilamos ako at mahinang napamura.
"Oo, hindi sya nagpaalam."

Lahat ng gamit nya ay nandito. Damit, pantalon, briefs, boxers kahit ang bag nyang may laman ng mga personal nyang gamit ay nandito lahat! Saan sya pupunta nang walang dalang gamit? Nang hindi nagpapaalam sakin? Imposibleng lumabas lang sya sandali dahil ang bagay na inalis nya sa wallet nya para hindi nya makita ay wala.

Ang passport nya.

"Diba ngayon ang alis nya?" Naulinigan kong sabi ni Rixon sakanya. Kasama nya si Rixon? Pero kanina sabi nya kasama nya si Mico.

"Alis para saan?" Kinakabahan kong tanong.
Pati sentido ko ay pumipintig dahil sa kaba.

"Shit, ang daldal mo talaga!" Pabulong na sigaw sakanya ni Kier.

Napatiim bagang ako.
"Nasaan si Bryce?" Mariin kong tanong

"I don't k--"

"Tangina, sasabihin mo ba o sira ang pagkakaibigan natin?!" Sigaw ko dahil sigurado na ako ngayong may alam sya. Hindi lang sya, kundi pati si Rixon o baka nga lahat sila!

Natahimik sya sa kabilang linya.

Habang lumilipas ang oras ay lalong tumitibay ang hinala ko kung saan sya pumunta.
Kaninang umaga kung hindi ko lang nalingunan na wala ang passport nya ay iisipin ko na lumabas lang sya pero iba ang pakiramdam ko lalo pa at hindi pa sya tumatawag sakin. Hindi ko rin sya macontact. Hindi nya yun ginagawa. Kapag hindi nya nasagot ang tawag ko, siguradong tatawag sya agad sakin.

Be Crazy With Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon