ALDRIN'S POV
'Di ko alam na nandito siya kanina iniisip ko lang siya at ngayon nakatitig ako sa mukha niya, manghang-mangha na parang siya lang ang taong nagmamay-ari ng mukhang ganito kaganda. Napaka liit nga naman talaga ng mundo, nagkita pa kami dito.
'Tch. Erase Aldrin erase mamaya na yan!'
"Aldrin, let's go tawag ka na ni Tita." Tawag ni Kai sakin
Pero 'di ako nag-patinag, lumapit pa ako sa kanya pero nilihis ko ang mukha ko para pumunta sa tenga niya. Para may ibulong.
"Buti nalang pinapatawag ako nila Dad, magkikita ulit tayo mamaya Miss Elle." Tsaka ako umalis na may ngisi sa mukha pero siya? Gulat na gulat parin, nagblush din siya at halata iyon dahil sa maputi niyang mukha.
"Ah, Miss Elle sunod kayo sakin"sabi ni claire
"Aldrin, ano ba nangyayari? Bakit kayo ganun mag-usap? Magkakilala kayo?" Bulong ni Kai habang naglalakad kami.
"Oo kilala ko siya, nakita ko siya sa mall kagabi." Nakangising sabi ko.
"Pano?" Tanong nang dalawa. Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari.
"Totoo naman pala yung sinabi ng Daddy mo mukha nga kayong Aso't Pusa." Tumatawang saad ni Kai
"Ano ngayon plano mo?"
"Bahala na, ayoko dun."
"Ayaw mo pero kung makatitig ka kanina parang gusto mo siyang tunawin" pang aasar ni Ace sakin.
"Yieee, mukhang mag kaka girlfriend ka ulit ah." Pang-bwibwisit sakin ni Kai.
"Tigilan mo ko Kai ah."
Nakarating na kami sa office.
"Aldrin, san ka pumunta? Hinahanap ka namin ng Mommy mo"
'Diyan lang Dad kumausap ng isang babaeng napakasungit.'
"Ah, Dad diyan lang sa tabi tabi."
"Talaga lang Aldrin ah." Tumatawang sabi ni Kai. sinikmuraan ko ito ng bahagya.
"Wag ka ng maingay, daldal mo eh." Pagbabanta ko sa bestfriend ko
"Oh, Kai anak andiyan ka pala. Kamusta?"
"Ah, Tito ganun parin po mabait. hehe."
"Ikaw naman Ace?"
"Ayos lang ho Tito" magalang na saad ni Ace kay Dad
"Ah, Aldrin may papakilala ako sayo." Lumapit ang isang kaedad ni Daddy sa amin. "This is Mr. Arthur Castillo, one of our board members."
'Ooh yung daddy ni Elle'
"Nice to meet you po Sir." Magalang at pormal na aking pagkakasabi.
"Tito nalang, masyado kang pormal magsalita hijo. Totoo nga na ang anak ni Victor Gonzales ay napaka-gwapo." Napangiti ako dahil doon sa sinabi niya. Namataan ko si Elle sa isang tabi kausap niya si Claire, napansin iyon ni Mr. Castillo kaya tinawag niya ito. "Before i forgot. Siya ang bunso ko si Elle, mukhang magkakilala na kayo ah?"
"Ah, opo nagkita po kami sa baba."
"Is that so? Maganda siguro kung magiging mag-kaibigan kayo"
"NO WAY!" Sabay naming sigaw ni Elle
"Bakit naman hindi?" Nawiwirduhang tanong samin ni Mr. Arthur
YOU ARE READING
THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1
Научная фантастикаAldrin Gonzales is a handsome, smart, kind, so much rich and so talented teenager. In his Campus that his family own, they have a nickname to him the 'Campus Heartthrob' of the whole campus. He is team captain and the varsity of his team, 'Blaze Dra...