Missing 7: School Festival

84 7 2
                                    

SINJI'S POV:

--

"KANINA ka pa nakangiti dyan, para kang tanga."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ernaline. Ano ngayon kung mukha akong tanga kakangiti dito kung masaya talaga ako? It's been three days since Senri proposed to me, and it's been three days since he's not here, because my brother drags him to France for some important matters that my brother needs to attend to. Perks of being my brother's deputy man? Malamang lagi talaga siyang kasama ni Kuya sa pagbi-business ventures nito sa ibang bansa. Feeling ko lumulutang pa rin ako sa sobrang saya kasi finally I have the right to say that Senri is mine.

"Hoy, ano ba?"

Tinampal ni Ernaline ang braso ko dahilan para magising ako sa kasalukuyan.

"Bakit ka ba nananakit?"

"Kanina pa kita kinakausap para kang tanga dyan. Ang sabi mo sa akin ikaw ang magma-manage nang festival pero wala ka namang ginagawang plano."

Umayos ako ng upo at hinarap si Ernaline. Nandito kasi kami ngayon sa Greenhouse at sinabi ko na rin kay Ernaline na inutusan ako nang may-ari nitong school na ako ang gagawa nang mga bagay na magpapa-saya sa mga estudyante pero wala pa akong nasisimulan kaya galit na sa akin si Ernaline. Ernaline Ashleigh Montenegro didn't know that the owner of this prestigious school is my older brother. Ang saya kaya maging misterious person lalo na kung kasama ka sa high society?

"Ano bang alam ko sa pagmama-manage nang festival?"

"Ewan ko din? Di ko rin naman alam ang mga nangyari last year dahil hindi naman ako pumunta."

I frowned at Ernaline as I glared at her. "Wala kang kwenta!"

"Wow? Bakit ikaw may kwenta ka? Ikaw na nga itong dumisturbo sa pagsusulat ko nang kanta tapos sasabihan mo pa akong walang kwenta? Dyan ka na nga!"

Kumaripas nang takbo si Ernaline palabas nang Greenhouse sa hindi ko malamang dahilan. Binibiro ko lang naman siya eh. Mamaya ko na lang siya susuyuin o kaya paligawan ko na lang siya kay Dezrail. Masyado na siyang obsess sa pagsusulat nang kanta na lagi lang namang nakatengga sa notebook niyang kasing kapal nang encyclopedia! Napakamot na lang ako sa ulo ko saka ko hinarap ang planner na nakapatong sa hita ko. Kung i-google ko na lang kaya ang mga dapat gawin saka ko ibigay sa student council?

Masyado na kasing common ang haunted house, pwede naman akong mag-organize nang battle of the band or pwede rin akong magpalaro? Hinayaan ko ang sarili ko na mag-isip nang plano tungkol gaganaping festival next week. Kung bakit ba naman kasi sa akin pa ibinigay ni Kuya kung pwede namang kay Rent na lang? Nanglaki ang mga mata ko nang maalala ko si Rent kaya dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa carpet bago ko nilisan ang green house para puntahan si Rent. Bakit nga ba hindi ko naisip agad ang isang Rent Drake Martin na isa sa mga loyal na tauhan ni Kuya Luther? Malamang marami siyang alam tungkol sa school festival. Pagkarating ko sa harap nang opisina nang kapatid ko ay agad akong pumasok. Nadatnan ko si Dezrail at Thunder na naglalaro nang chess kaya lumapit ako sa kanila.

"Nakita niyo si Rent?"

"Hindi po," magalang na sagot sa akin ni Dezrail and it gives me goosebump when he said po on me. I am not old enough to respect that much.

"He's on the other side of that door," tinuro ni Thud ang isang pinto kung saan naroon ang main office ni Kuya.

"Ah. Sige salamat."

Iniwan ko na ang dalawa na mukhang seryoso sa paglalaro. In just a split of time na ilipat ang credentials ni Thunder dito sa L.A University, hindi ko alam na sa Heurtfiglia Academy siya pumapasok, kaya pala iba yong uniform niya nang una ko siyang Makita. Pagpasok ko sa itinurong pinto ni Thud, nakita ko si Rent na abala sa kanyang laptop habang si Gun naman ay nakahiga lang sa sofa at mukhang natutulog. Lumapit ako sa kanila bago ako pasalampak na naupo sa ibabaw nang dibdib ni Gun na ikinagulat nang lalaki.

Missing MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon