"Nurse Lahari, hindi kapa uuwi?" My co-nurse asked me, kaya napahinto ako sa pag lalakad.
I immediately shook my head, "hindi pa. Mag o-over time ako, eh." I answered.
"Oww, okay po. Nag paalam kana ba na mag l-leave ka bukas?" Naka-ngising tanong niya, "sigurong papayag agad si Doc, iyun pa eh ikaw ang master niya."
Napailing nalang ako dahil sa tinuran niya, "bunganga mo Bella, baka may makarinig sayo at kung ano pa ang isipin."
"Osiya, sige na nga. Mauna na kami, haa?" Paalam niya bago ako tumango.
Alas kwatro na kaya kailangan kong mag round sa mga pasyente sa ward.
Wala sa sarili akong napangiti habang nag lalakad. Hindi ako nagsisi na nursing ang course na tinake ko. Bukod sa inlove na inlove ako sa mga human part structure dati ay sobra akong natutuwa sa tuwing may mga babati saking pasyente at ngingiti.
"Hi, good evening. I-check ko lang po ang blood pressure mo, ahh." I gently said to the patient.
Ngumiti siya bago ilahad ang braso sakin, "hija ilang taon kana?"
I smiled at her question, "twenty six po, Nay."
"May boyfriend kana ba hija?" She asked again.
Natawa ako ng mahina sa sunod na tinanong niya. Hindi na bago sakin ang tanong na iyan dahil walang araw na walang nag tatanong ng ganiyang klase sakin.
"Naku nay wala po, focus po ako sa trabaho ko." I smiled, "139 po over 85, normal pa naman po iyan." Dagdag ko bago ayusin ang gamit.
"Salamat, hija." She said so I wave my hand.
Madaming pasyente sa ward kaya tumagal ako ng isa at kalahating oras doon. Nang matapos ay nag linis lang ako ng kamay bago kuhanin ang bag.
Dadaan muna ako sa office ni Ivan, isa sa Doctor dito sa hospital. "Come in," saad niya sa loob pagkatok ko sa pinto ng office niya.
"Good evening, Doc." Nakangiting bati ko, "hanggang anong oras ka?"
Nag kibit balikat naman siya bago icheck ang chart ng mga pasyente niya, "pauwi na din, saba'y nalang tayo palabas."
Tumango naman ako, walang kaso sakin kung mag sasabay kami palabas ng hospital dahil kaibigan lang naman ang tingin namin ni Ivan sa isa't-isa. Siya iyong kababata ko na kinulong ko sa kabinet nila noon dahil sa nalaman kong lilipat sila ng bahay.
"Mag l-leave ako bukas, doc---"
"At bakit?" Taas kilay na putol niya sa dapat na sasabihin ko.
I pinched him lightly on the side because of that, "huwag mong sabihin na nakalimutan mo ang petsa ng birthday ko." I immediately roled my eyes at him ng makita kong nag kagat labi siya. "Napaka langya mo! Birthday ko pa talaga ang kinalimutan mo, samantalang noon ikaw palagi ang umiihip sa candle ng cake ko." Singhal ko na siyang kinatawa niya.
"I'm sorry, nawala sa isip ko." He smiled before he put his hand on my head, "chineck mo na ba ang schedule for tomorrow?" He asked so I nodded, "sige, pwede ka mag leave pero kapag may emergency kahit naka party hat ka pa pupunta ka talaga dito." Saad niya bago pa ngumisi.
Kahit kailan talaga itong lalaki na ito! Sinong mag b-birthday ng twenty seven tapos may party hat pa?
"Ikaw ang lalagyan ko ng party hat jan, ehh. Isip bata, psh!" Singhal ko.
"Ingat sa byahe, madam." Paalam niya nang makasakay ako sa kotse ko.
Pagdating ko sa condo ay naligo lang ako bago mag bukas ng canned goods para sa dinner. Pinangungunahan na naman ako ng katamaran, kaya okay na ito.
YOU ARE READING
Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓
Ficção Adolescente"Whenever we are close to each other, there is something like a butterfly I feel in my stomach" Like the sound of waves, we are at peace in each other's arms. ꒰ started: 08 - 06 - 21 ꒱ ꒰ ended: 11 - 19 - 21 ꒱ completed edited w.c. 43,115