Chapter 15: Siya pala yung...

109 1 1
                                    

Mulat mulat. Bakit parang naiba yung kisame ko. Kahoy lang to ah. Bakit naging metal. Tumingin ako sa paligid ko. Naiba ata ayos ng kwarto ko. Naging pangmayaman lalo. 

Tumayo ako. Pero nakaupo lang sa kama. Ano? Tumayo pero nakaupo? Ano ako aso? 

Aah. Aish. Sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko. Bakit ba ang sakit ng ulo ko?

"Aaaah! Asan ako?" sigaw ko. Whoa! Nasa ibang kwarto ako. Ahm. Ahm... Ahhh! Wala akong maalala kung ano ang nangyari sa akin kahapon. Nako! Uminom ba ako? Hindi naman ako umiinom ah! Huhu. Wala talaga akong maalala T___T

"Aaaah!" at mas gusto kong umiyak dahil iba na ang damit ko. Yung damit pa ng lalaki. Nakapanty lang ako tapos mahabang shirt na pang lalaki. Nako. Hindi na ata ako virgin. Naiiyak na talaga ako.

Tumayo ako. At halos malaglag panga ko. Isama niyo na panty ko. Kasi yung puso ko nasa harapan ko. 

"Gab?" Oo. Si Gab. Ang gwapong niya. Natutulog siya sa sofa. Hay. Anghel talaga. Lumapit ako sa kanya. At tinitigan siya. Hayy nako. Panaginip ata to eh. Kung panaginip to eh ayaw ko ng magising pero gusto kong itry. Kinakabahan kong itinaas ang kamay ko para sampalin sarili ko.

PAAAAAAAAAAAAAK!

"Aww" nasabi ko. Napalakas ata yung sampal ko. Woo. Gising ako. Totoo to! 

Eh ano namang ginagawa ko dito? Napansin ko na parang hindi bahay to. Condo ata to eh. Bakit ako nasa condo ni Gab?

Ano bang nangyari kahapon? Tiningnan ko yung orasan. Whoa! 9pm na. Sobrang late na kami sa klase namin.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Ahmm... Gigising ko ba to? Aww. Pag nakikita ko mukha niya. Yung mala-anghel na mukha niya. Parang ayaw ko eh. Naku. Di bale na nga. Hindi ko na lang siya gigisingin.

Hinanap ko muna yung damit ko. At dahil tuyo na eh nagbihis na ako. Alamang paggising ng asawa ko. Ay este ni Gab eh nakaganito lang suot ko. Mukha naman akong prosti neto.

------------------------------------------------------------------------------------

[Gab's POV]

Naalipungatan ako nang tumama yung sinag ng araw sa akin. Sino ba nagbukas ng kurtina? Naman o!

Umupo naman ako. Napahawak ako sa likod ko. Ang sakit. Ahh! Hindi talaga ako sanay na matulog sa sofa. Masyadong maliit para sa katawan ko. Alam niyo naman. Puro muscles na... matangkad pa. Tss. Bakit ba nasalo ko lahat ng magandang physical features nang magpaulan si Lord? 

Tumayo na ako. Napamulat na talaga ako ng maalala ko si Vera. Kamusta na kaya yun? Tumakbo ako papuntang kwarto ko. At pagpunta ko dun eh wala na siya. Nasan na yun? Grabe naman yun! Matapos kong alagaan eh wala man lang thank you? Wala talagang utang na loob!

Dugdug. Dugdug. Dugdug. 

Naalala ko kasi bigla nung hinalikan ko siya. Shemay! I can still feel her soft lips. Damn! Nandidiri na ako sa sarili ko. 

Naku. Bahala na nga yung babaeng yun.

Nakaamoy ako ng parang masarap na ulam. Amoy adobo! Grabe! Kelan pa inaabot ng amoy galing sa kabilang unit sa unit ko? Nakakainggit naman yun. Tagal ko na ring hindi nakakain ng ganun eh. Nakakatamad magluto ng masyadong maraming kaartehan eh. Ayaw ko kasing kumakain ng basta kung anu-ano na lang ang inilalagay.

T-Takte. P-Pati POV ko eh nau-uutal na. 

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Kalma lang Gab. Magpakalalaki ka. 

Eh pano naman kasi. Si Vera! Nagluluto. At... At... At ang ganda pa niyang tingnan. Parang hindi siya si Vera. Yung hindi makapagluto ng matino nung project namin dati. Kung titingnan mo siya ngayon. Parang expert na. Ang hinhin niyang tingnan. Parang may spark spark pa nga sa aura niya eh. Kalma lang siya habang nagluluto. Marunong pala siya magluto? Eh bakit nung project namin eh halos bumagsak na kami dun dahil sa performance niya. Shemay! Ok na. Aaminin ko na. Ang ganda niyang tingnan. Turn on po. Turn on! Argh!

Pinakadakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon