Kaira Althea Martinez POV
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat ng estudyante dito sa inferno university.Lalong lalo na ako..Oo maraming nangyayaring hindi tama o kababalaghan dito sa loob ng university. Pero hindi yon hahadlang sakin para umatras ng ganon ganon nalang.Ito pa nga dapat ang maging rason para mag pursige ako.Hindi lang para saking sarili para din saaking mga kaibigan at sa mga estudyante na naghahanap pa ng sagot ngayon. Sa ano mang nangyayari sa universidad nato,katulad nong sa party na hinahanap ang kaibigan niya ang nawawalang nagngangalang Jocelyn.
Alam kong hindi madaling resulbahin ang ganong pangyayari lalo na sa katulad kong baguhan lang dito.
Dahil kong wala man silang alam kong sino ang may kagagawan nito syempre maslalo ako.
Dahil kong may nakakaalam nan non ay ang tagapamahala ng university nato.
Walang iba kundi si.....
Mr. Alfredo Rodolfo Hernandez
Hindi ako siguradong na may kinalaman yang Alfredo nayan sa nangyayari sa mga estudyante. Pero pakiramdam kong may alam siya.
Pero bigla ko nalang naalala yong sinabi nong dalawa sakin nong nakaraan.Bigla nalang daw may mawawala na babae sa araw ng lingo para i alay.Pero akala ko biro biro lang yon ng dalawa.Hindi ako makapaniwala.Saka hindi naman lingo kahapon ah pero bat may nawala na agad.
Bakit?.
Nandito nga pala ako ngayon sa labas ng gate ng isang bahay ..Ay mali mansyon pala.Dito palang sa labas kitang-kita ko na ang kabuoan ng mansyon.Katulad ng mga room na meron ang Inferno University,luma na din ito..Hindi ko alam na may ganito din pala dito.Halatang matagal na itong nakatayo dito.Dahil sa pagmamasdan mo palang ito parang hindi mo na susubukang pumasok pa.Dahil sa tingin ko isa itong hunted mansyon.
At ngayon ko masasabing marami pa pala akong hindi napupuntahan dito sa loob ng inferno university.
Nakaktakot ang mansyon.
Alam niyo yon..Baka may momo.Nakasuot nga pala ako ng mask na natatakpan ang buong mukha ko.Hindi ko alam kong bakit kailangan pang mangsuot ng ganito.
Hindi ko alam sa dalawa kong kaibigan,.Ang sabi lang nila ay nagsusuot daw talaga ang mga sasabak sa laban.
Hindi ko alam kong ano ang tinutukoy nilang laban,.Dahil ang alam ko ay sa underground yon pero.Bakit ako nandito.Anong ginagawa ko dito??
Ni hindi ko nga alam kong san itong lugar nato eh.Basta pagkatapos ipasuot nila Jenny sakin ang maskarang ito.May nagsundo nalang sakin na kalalakihan sa dorm at nilagyan ako ng takip sa mata at ngayon nandito na ako.
Nabaling ang atensyon ko sa gate na automatic na bumukas na para bang may kumukontrol nito.Walang nalinlangang lumakad ako papasok.Nong nakapasok na ako padabog na sumara ito na ikagulat ko.
Winalang sabahala ko nalang yon at naglakad ulit hanggang nakarating ako sa isang malaking pinto na nasa harapan ko.Biglang humangin ng malakas.Kaya nagsitaasan ang balahibo ko.Dahil sa lakas ng hangin na humampas sa aking balat na ikayakap ko sa aking sarili.Dahil sa subrang lamig.
Napatingin nalang ako sa kanan ko nong may narinig na naguusap.Kaya ngayon ko lang napansin na hindi lang pala ako nagiisa dito.At ngayon ko lang napansin na hindi lang pala iisa ang pinto.Dahil napakarami pala ng pinto dito sa mansyon.Sa palagay ko ay mga sampo ito at don nakatayo ang mga ibang tao na naririnig ko na naguusap ngayon.Sa palagay ko ay estudyante din sila sa inferno dahil sa kanilang suot na uniporme.
Nakamaskara din sila kagaya ko.Nabaling naman ang paningin ko sa kanan nong may nagsalita.
"Good luck"sabi niya at tumawa ng nakakaluko ayon sa boses niya isa itong babae.Nag taka ako sa sinabi niya pero isang tango lang ang isinagot ko sakanya.