Chapter Four
KINAUMAGAHAN, mas una akong nagising kay Dustin. Buo na ang isip ko. Maghihintay ako ng isang buwan, magpaka-asawa sa kanya at huwag ipilit na ibalik ang pagmamahal niya sa'kin. At pagkatapos, kapag wala pa ring nagbago, lakasan ko ang loob ko para bitawan siya.
Nagluto ako ng chicken soup para sa kanyang hang-over. I want to show him how I can take care of him, even if only for a month. I brewed coffee and cooked bacon and eggs for his breakfast.
Nilagay ko iyon lahat sa tray at dinala patungong kwarto ni Dustin. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog, nilapag ko sa small table ang mga niluluto ko at saka lumapit sa kanya.
"Dustin, your breakfast is ready. Kumain ka na bago pa lumamig ang mga 'yon," saad ko. "Alam kong hindi dapat kita alagaan, pero bilang asawa mo na ngayon, hayaan mong pagsilbihan kita." mahaba kong litanya.
He rubbed his eyes before getting up. He also glanced at what was served at the small table.
Nang mapatingin siya sa'kin, malamya akong ngumiti sa kanya. "Nakapag-desisyon na ako, Dustin. Simula ngayon, gagawin ko na ang gawaing bahay. Ang dalawang maids, pinag-bakasyon ko na muna sila. 'wag kang mag-alala, simula ngayon hindi ko na ipilit ang sarili ko para sa'yo. I just really want to show you how I can take care of you." mahaba kong litanya.
Nanatili lang siyang tahimik. Sunod-sunod akong tumango at patalikod na ng bigla siyang nagsalita.
"Day off ko ngayon," saad niya. Lumingon ako sa kanya. Hinintay ang sunod niyang sasabihin. "D-do you want me to buy something?" tanong niya na hindi ko inaasahan. Umiling ako, lahat ng mga kailangan ko ay nandito naman na sa bahay. "Don't we have to buy baby items yet?" tanong ulit nito.
"Hindi na, Dustin. Mag-s-shopping kami ni Jenny. At ako na ang bahala para sa pera," saad ko na tinanguan niya naman.
Pagkalabas ko sa kwarto sakto naman na tumunog ang cellphone ko. kinuha ko iyon sa bulsa, at kaagad na napakunot ng noo nang makitang unknown number ang nag-text.
From: Unknown number
Have fun first, enjoy every minute you are still his wife. Because the time will come, I will take your place.
Akmang magtipa na rin ako nang biglang may nag-doorbell. Naglakad ako papuntang pinto at binuksan, bumungad naman ang masayang mukha ni Jenny at sa kanyang likod ay si Lance.
"Christine, I miss you!" tili ni Jenny bago yumakap sa'kin na ginantihan ko naman ng yakap.
Ngayon lang ulit kami nagkita simula nong matapos ang kasal namin ni Dustin.
Napatingin ako kay Lance, may hawak siyang cellophane na alam kong street foods ang laman. Nagkulang rin kasi sa'kin 'yong binili niya noon.
"Binili ka na namin ni Lance nito, nabanggit kasi niya sa'kin ang tungkol sa pagbisita niya sa'yo last week." asik ni Jenny.
"Salamat," saad ko.
"I'll be there, just wait for me." nagmamadaling turan ni Dustin pababa ng hagdan.
Nakaipit sa kanyang tenga ang cellphone, he had difficulty buttoning his polo shirt due to the rush.
Agad siyang napahinto nang mapagtantong may bisita ako. Tumango lang siya kela Lance at Jenny bago nagpatuloy sa paglabas.
"I'm leaving too, Christine. I just really brought Jenny here." inabot niya sa'kin ang cellophane. "Enjoy eating, sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo pang magpabili niyan."
I took the cellophane in his hand. I smiled at him. "I will, and thank you for this." asik ko.
Nang makaalis na rin si Lance, muling tumunog ang cellphone ko. Nilapag ko muna sa sofa ang cellophane at binasa ang text na nanggaling kay Dustin.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...