#1

18 0 0
                                    

"STILL YOU"

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa Restau ng ninang ko. Yun ang sideline ko tuwing tapos na ang klase ko. Kaylangan ko kasi ng pera pangbili ko ng ticket, para makapunta ako sa Canada kung saan mas maganda ang buhay, pagkatapos ay susunduin ko sina Mama sa Pinas. Doon na kami mag ma-migrate kasama ni Papa, andun naman na si Papa sa Canada, kami nalang ang inaantay nya. Konting tiis nalang naman din at makakapagtapos nako at alam kong gagabayan ako ng Maykapal hanggang sa makabalik ako sa pamilya ko.

Nang makarating ako sa Restau dumiretso nako sa locker Room para mag bihis dahil naka uniform pa ako. Paglabas ko ng Locker Room dahil tapos nakong magbihis nakita ko si Ninang kaya lumapit ako sa kanya upang ipaalam na andito na ako.

Bago ko paman ito mabati ay naunahan na nya ako "Oh Aesther, andito kana pala hija, buti naman at napa aga ka dahil ang dami nanamang customer, lalo na at malapit na ang bakasyon" mukhang stressed si Ninang dahil andaming gawain

Hinawakan ko ito sa magkaliwang balikat ng marahan

"Ok nga yun ninang eh, mas malaking income nanaman, wag ka ng mag alala ninang, kami na ang bahala dito. Magpahinga ka narin po," ngiti ngiting pagpapalakas ko ng loob nya. Sya lang kasi ang pamilya ko dito sa  Japan at diko na alam ang gagawin ko pag nawala sya

Hinawakan naman nya ang kamay ko bago napa buntong hininga

"Ano bang nagawa ko at binigyan ako ng Panginoon ng ganito kabait na inaanak?" aniya at napangiti na lamang ako

"oh sya sige, magpapahinga muna ako sandali at kung may problema sabihan nyoko, maliwanag?" habilin nito at tumango naman ako sa pag sang ayon

Bago pa ito tuluyang nawala sa paningin ko'y nginitian pa ako nito. Nagtuloy narin ako sa trabaho. Isa akong cashier dito sa Restau at tama nga ang sinabi ni Ninang, madami nga ang customer.

Sobrang Dami.

Natapos siguro kami mga 1 na ng madaling araw, nalinis narin ang buong kainan at nag susuma total nalang si Ninang ng naging income ngayong araw.

"Ninang tapos napo ang lahat, pati ang mga naiwang hugasin hinugasan ko nalang din po," paalam ko sakanya bago pumunta sa itaas para matulog

Tanging tango lamang ang naisagot niya sapagkat abala ito sa pag susuma total

"sige po, dideretso na po ako sa taas" paalam kong muli at paakyat na sana ng tawagin nya ako

"Ahh Aesther, sweldo mo nga pala," aniya habang inaabot saakin ang isang puting sobre at kinuha ko naman ito at nagpasalamat

Tuluyan na akong umakyat sa itaas at binilang ang sweldo ko, at tulad ng nakasanayan ay di nanaman ibinawas ni Ninang ang mga gastusin nang pagkain ko at pati ang tubig at kuryente na nagagamit ko.

Ang sabi nya kasi, konting tulong nya nalang daw yun sa akin. Inihihiwalay ko ang mga perang pang ticket ko sa perang pang emergency ko at ang perang pampadala ko kila Mama sa pinas at ang naiwan ay ang pang allowance ko nalang. Di naman ganon ka taas ang sweldo namin pero tamang tama lang pang gastos.

Nakaka lagpas kalahati na akong ipon ngayon para sa pang ticket ko, at malapit narin akong makapag tapos. Nag aaral kasi ako ng Architectural Design, bata pa lang ako, yun na ang pangarap ko. Kaya kapag nakatapos na ako dito, pupunta ako sa Canada, Engineer kasi si Papa doon kaya gusto kong sumunod para makasama ko siya.

Gusto nya nga na, padalhan nalang daw ako ng pera pang ticket ko pati narin pang allowance ko pero diko tinanggap dahil alam kong yun nanaman ang pag aawayan nila ni Tita Gaile, nakababatang kapatid ni Papa. Di kasi nila gusto si Mama para kay Papa kaya nga niya ipinabalik si Mama sa Pinas eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still You Where stories live. Discover now