Ako

1 0 0
                                    

October 6, 2012
11:07 am

Goodmorning, masakit mga mata ko dahil sa liwanag na nang gagaling sa bintana sikat na sikat na araw anong oras na kaya? nagsulat muna ako dahil alam kong 'di na ako makakapag sulat mamaya.

Babangon na 'ko tsaka mag kakape badtrip wala na kong sigarilyo naubos 'ko na kagabi sa dami nang iniisip 'ko hindi ko na namalayang isang piraso nalang pala..

"Tanginang buhay ito" sambit 'ko habang padabog na binaba ang diary atsaka bumaba nang hagdan para bumili nang kape at isang kaha ng sigarilyo.

Naupo ako at patuloy na nag sulat.

Hindi 'ko maintindihan kung ano bang nangyayari saakin, nadala na ko sa bisyo at hindi ko na mapigilan at wala akong balak itigil.

Minsan sa dami ng nangyayari gusto 'ko nang mamatay, mali alam 'ko pero yun talaga nasa isip 'ko parang bisyo 'ko lang kahit sino pa mag sabi saakin nang huwag ay hindi 'ko magawang pigilan.

G12 na ako hindi ko alam bakit naabutan ko pa ang programang ito, sana kolehiyo na ako ngayon hindi ba? hindi ako nakapag sulat kagabi dahil lasing na akong umuwi, gumising ako para maligo at pumasok kaya nakaligtaan ko na 11:30 na kailangan 'ko nang gumayak ayos na siguro ito.

Tumayo na ako para kumilos naligo at kumain, konting oras nalang meron ako kaya dali dali na kong sumakay sa motor para pumasok.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALPAS (to become free, to break loose)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon