January, 2013
"Tigil!"
Mahigpit ang hawak ko sa mga libro at ipinagpatuloy ang mabagal na paglalakad. Sa kabila ng mataong lugar na ito ay nabalot ako ng matinding takot. Dapat pala ay hindi na lang ako nagpunta, mas nakakatakot sa umaga.
"Hoy!" Mahina lang ang boses niya. Napapikit ako ng mariin hanggang sa maramdaman ko ang pagpatak ng aking mga pawis. "Hoy! Saglit nga."
I gasped when someone suddenly held my bag, stopping a single step. Huminga ako nang malalim at pinilit na ikalma ang sarili. Hindi ko sila kilala, hindi nila ako kilala. Nothing bad will happen, I swear.
Hinarap ko ang lalaking iyon na parang walang nangyari, binitawan niya ang bag ko at matalim pa rin ang tingin sa akin. Nilalagpasan lang ako ng mga taong halatang takot at umiiwas. Everyone know this guy, not his name but his presence. In my eyes, he's just a coward passing by.
"Bakit?" matapang kong tanong at pinasadahan siya ng tingin. "May kailangan ka?"
"Ikaw, may kailangan ka?" tanong niya pabalik. Even his voice speaks about his power and authority. I'm quite amused, how could he keep himself that way?
Tumikhim ako para sumagot. "Wala."
I breathed heavily, sinundan ko siya ng tingin na naka-pamulsang umaalis para bumalik sa lugar na iyon. I breathe heavily again after I realized that I was almost caught. My speculations were never wrong, he's one of them, he's one of those people. Why... do they want that kind of life?
"Ano ba naman yan! Kaya nga kita pinag-remedial 'nak, para makabawi ka. Eh, kaya lang, mas bumaba pa yung score mo." Umiling-iling ang professor ko habang nakatingin sa resulta ng remedial test na sinagutan ko kanina.
Nanahimik ako at yumuko lang. Buong gabi ko itong inaral at inintindi, ako ang lowest sa buong klase at ako lang ang bumagsak. I just can't do it. I'm not good at studying, I'm bad at it, honestly.
"Anong score ang gusto mong i-record natin, ay?" tanong sa akin ng professor ko. Napakagat ako sa ibabang labi.
"Pwede po bang mag-remedial ulit bukas?"
"Iko-compute ko na grades niyo bukas, Ms. Bautista. Sa isang araw na ipapasa ang tally sheet niyo."
Tumango ako at ngumiti na lang. "Sige po, yung unang score na lang po ang i-record niyo. Salamat po."
"I think being the class president became a hindrance in your studies," dagdag pa nito kaya natigilan ako. "Do you want to change someone to be in the position?"
Mabilis akong umiling. "Ma'am, 'wag na po. Sa leadership na lang po ako nakakabawi sa klase, eh. Sa susunod, magre-review na po talaga ako. Pasensya na po, kaya ko pa rin po na maging class president."
"Sigurado ka, anak?"
"Opo, ma'am."
Bagsak ang balikat kong lumabas sa department ng subject na iyon. Napaahawak ako sa tiyan kong kumakalam at napailing nalang sa sarili. I can't believe I took remedial test just to make another failure.
Pambihira...
Umupo ako sa sahig ng rooftop, ito ang pinakamataas na building ng university, lugar na lagi kong pinupuntahan. Malawak ang buong CLSU, malinis ang maraming nagtataasang puno. This is one of those university that most of students of this province aspire to study in.
This is the scariest part of this place, even the building itself looks old and bewildering. I doubt that people will love going here. I glanced at those tall trees surrounding the whole campus, hiding it from that acccident prone highway. I let out multiple heavy breaths this day, I don't think life could be so problematic.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...