itong page na 'to ay walang katuturan gusto ko lang ishare yung kilig vibes ko XD
Pwede mo na siyang hindi basahin kasi dadaldal lang ako rine XD it's up to u kung babasahin mo :)
Pangarap lang kita ang official Theme song ko paki play yung vid para medyo dama XD
---
U see may crush ako syempre di na mawawala sakin yun XD inaasar na nga ko ng mga barkada ko na kada daw lilingon ako crush ko na. yung kaliwa't kanan may crush kahit sang lugar pa yan XD basta natipuhan ko at pasado sa taste ko ^_^VPero meron talagang isang tao na Crush na Crush na Crush ko simula nung tinuro siya ng baklang kaibigan ko na may crush sakanya.
Patapos na yun ng S.Y. Grade 7 ako 2nd year siya Saklap nun kasi mas ahead siya ng isang taon T_T. Nag umpisa nanaman ang panibagong S.Y. at grade 8 na ko 3rd year na siya dun nagsimula ang pagiging "spy" ko sakanya :-D
Kada daan niya malapit sakin pipicturan ko yan kahit nga plate number nila alam ko eh. XD matalino siya, cute at may pagkamahin hin kaya minsan nasasabihan ng bakla! pero who cares kung bakla siya nandito pa rin ako <3
Sobrang pag investigate ko nalaman ko na din yung bahay nila at kung sineswerte ka nga naman kapitbahay ko lang yung mga pinsan niya at katabing baranggay lang namin sila isang tricycle lang mapupuntahan ko na siya XD
Nung nag fiesta samin at bakasyon na bale sa pasukan 4th yr siya ako Grade 9 na pumunta siya dun sa bahay ng mga pinsan niya na kapitbahay lang namin KASO shuta wala naman ako dun sa bahay namin NASA COMP SHOP ako! kung bakit ba naman kasi inaya ko mag DOTA T_T don't get me wrong masaya talaga mag Dota pero putspa huhuhu my beloved crush T_T
Pasukan na ulit yeeeey!! makita ko na ulit si 'kuya' kasi yun yung codename ko sakanya XD may GF na siya nung patapos na yung Grade 8 bago mag fiesta PERO yung girl maputi lang pero di maganda. Pero para sakin nagagandahan ako sakanya. Ka batch siya ni 'kuya' at peymus. Syempre maganda at matalino. OHA!
Ang sabi nga eh yung babae na yun parang ako daw kasi naging stalker din daw siya ni 'kuya'. Ang sabi ko naman di ako stalker kasi totoo naman diba?
hanggang sa yun nga pag LQ sila natutuwa ako kasi syempre baka mag break na XD (ang sama ko no? XD) pero at the same time nalulungkot para kay 'kuya' kasi diba syempre nasasaktan siya pag di siya pinapansin ng GF niya.
Time goes by at ayan na nga ang kinatatakutan ko ANG GRADUATION nila T_T buti na lang naghahanap na ng mga mag cross swords para sa grad yung C.O.L.T at syempre sa last na landi kay 'kuya' eh nag volunteer ako! :-D Nakakaazar lang kasi syempre mag practice w/ them eh kaso lagi naman siyang WALA di tuloy ako masyadong ginaganahan sa pag practice! -.-
At dahil nga lagi siyang wala pano ako makakapag papicture sakanya kasama niya pa lagi yung syota niya -_-
Grad Day na at syempre imbis na tumingin ng diretso eh syempre dahil ako ay mabait na bata hindi tumitinggin ng diretso bagkus ay inaabangan ko si 'kuya' na lumapit sa pwesto ko XD
nung malapit na sila 'kuya' sakin kasama si 'tito' (dahil assumera ako at tinatawag ko yung tatay niya na tito -.-) eh saktong nasa tapat ko sila nag stop kasi mag picture edi ako naman si todo titig w/ matching amoy pa kay 'kuya' kasi malapit lang sakin. (oh edi ako na malandi) HAHAHAHA! pero IDC kung may makakita sakin last na niya eh kaya sulitin!
bigayan na ng award at dahil napaka layo naming mga C.O sa stage eh nakikinig na lang ako at sakto pag lingon ko sa stage biglang luminaw yung mata ko dahil si 'kuya' na ang nasa stage. Paker di na ko magtataka kung bakit napaka tagal nila sa stage dahil Ang dami niyang AWARD! Like WTF?! *0*
Natapos na ang Grad Ceremony and totally bye na kay Crush pero dahil ako ay dakilang desperada eh pagalis na pag alis sa carpet ay dali dali akong tumakbo sa bag ng kaibigan ko at kinuha yung phone niya kasi sabi niya nasa bag daw niya yung phone niya dahil manghihiram ako. Hinahanap ko na siya kaso SHUTA! Di ko siya ma sight!
Naiiyak na nga ako kasi sayang kung di ako makakapag pic sakanya! Kahit pa kasama niya si 'tito' o GF niya wala na talaga akong paki dahil LAST na LANDI ko na to sakanya! OA ko no?
Lumabas na ko at lahat di ko na talaga siya nakita kaya pumasok ulit ako! Pakshet nasa loob lang pala siya?! At nandun nga yung daddy niya kasama niya pero dahil desperada na ko eh lumapit na ko sakanya at sinabing "kuya! Pwede picture tayo?" syempre pumayag siya kasama ko nun si brader yung besprend ko.
Syutaaaaa!! kinikilig ako kasi diba nakatayo na ko ng ayos medyo malayo sakanya kasi di naman kami close. na Stiff talaga ko at di ko inaasahan na magiging ganun yung reaction ko. PERO! SHUTOUNGENAMECHIWA NA MAY KASAMANG CHINCHANSU!!! WAAAAA! DUMIKIT SIYA SAKIN at NAGKDIKIT YUNG BRASO NAMIN!!! WAAAAAAA!!!
Dapat nga sasabihin ko wacky naman kasi ayaw niya pang umalis at ang dami lang na medal kakainggit XD pero oks lang kasi pag tapos ko magpapic nag thank u ako at NGINITIAN niya akooo!! WAAAAAA!! *0* at pagtapos? Alam na!!!"UWAAAA!! May picture na ko kasama si crush" yan sinasabi/sinisigaw ko yan habang papunta ng bldg! Ang dami ko na ngang nakakabangga na parents sa sobrang excited kong ibroadcast sa mga ka C.O ko eh XD
HAHAHA! Worth it lahat ng pagod ko sa training at pag lugmok ko sa di pagpunta sa concert ng 1D kasi may picture naman kami ni Crush!! WOOOOOO! Shet!! \m/
O siya masyadong napahaba yung pag kwento ko XD parang diary lang eh. XD sinulat ko to rine kasi BEST MOMENT ko yung w/ my 3 years crush XD
Kung gusto mo din magkaroon ng picture sa crush mo na imposible mong maabot eh basahin na ang Tips :)
Picture po namin ni "kuya" Crush <3 --->
BINABASA MO ANG
Tips para mapansin ni Crush
Short StoryGusto mo bang malamang kung ano ang ibig sabihin ng Crush?, Signs na may Crush ka?, Signs na gusto ka din ng Crush mo? at higit sa lahat TIPS para mapansin ka niya? tara na dito ateng at BASAHIN NA!