01

6.7K 242 90
                                    

MESSENGER

Grupo ng mga maliliit na utong

October 2

9 PM


Sabina:

Nakaka-offend naman ng group name. Sino nag-change nito? Ang dugyot!


Angel

Condolence sa puso mo, mareng Sabina. Tapang mo ah, porket bakasyon na.


Vicky

Hindi ka type ng crush mo. Gusto nun mga malalaking dibdib.


Nathalie

Mag-omegle ka na lang, bruha ka. Andaming fafa doon.


Sabina:

Omegle? Ano yon?


Nathalie

Online landian.


Angel

I do not recommend omegle.


Vicky:

Pinagtatawanan ka na siguro nila Marga. Alam kasi nun na type mo ex niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-break nila. Pero ano ba sinabi mo kay Kian nang nag-confess ka?


Nathalie

Bruha, spill mo na. Boring ng gabi ko, eh.


Sabina:

Sabi ko lang na, Kian gusto kita at willing ako maging sugar mommy mo kahit mas mayaman ka pa kaysa sa akin. Haha.


Angel

Seryoso ka ba?

Hoy?

Tangina.


Nathalie

Nagmumura ang anghel.


Angel •

Pangit niyong kausap. Hanap ka na lang ng arabo, Sabina.


Vicky


Pero totoo?


Sabina:

Syempre, gawa-gawa ko lang. Sinabi ko lang sa kanya na gusto ko siya dati pa. Tapos reply niya sa akin ay di niya raw ako gusto. Kinulit ko kung bakit? Nag-send pa ako ng naka-bikini! Nagtanong ako kung saang parte sa akin ang ayaw niya.

Seen by Nathalie and 2 others.

Sabina:

Hoy?

Saan na kayo?

Mag-reply kayo mga gaga kayo.
Ako na nga nahiya sa ginagawa ko.

Magmo-move on na ako.

Totoo. Akala niya naman yata siya lang gwapo sa buong mundo?

Try ko nga yang Omegle. Bye!

Stranger from Omegle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon