Chapter 2: Death

470 23 13
                                    


Read in the Bible: Jonah chapters 1-4


"Arellano!"

"Present, ma'am."

"Castille!"

Tumingin sa paligid ang istrikta naming professor, nagsalubong ang kilay nito at isa-isa kaming tiningnan. "Wala na naman si Castille?" tanong niya sa buong klase. "Castille!"

"Absent po." Ako na ang sumagot sa aroganteng paraan. Castille? May kaklase ba akong gano'n ang apelyido? Wala akong naaalalang kaklase ko na foreigner.

Umiling-iling lang ang teacher namin habang nakatingin sa kapirasong papel na hawak. Kahit mahigit ilang buwan na ang school year na ito ay hindi pa rin ako pamilyar sa mga kaklase ko sa bawat subject. Kung sino lang rin ang mga kasundo kong kaklase sa section ay sila lang talaga ang kasama ko.

Nang matapos ang attendance ay nagsimula na agad ang discussion. I'm trying really hard to study well and at least get the passing grade in every subject. Sa written works ako mahina, sa recitation din dahil laging hindi ko alam ang mga sagot.

Nag-angat ako ng tingin nang biglang natahimik ang buong klase, ang subject teacher namin ay nakabaling lang sa board at may sinusulat. Sunod ay napatingin ako sa pintuan ng classroom. My eyes quickly widened.

Nagmura ang lalaking nasa likod ko at tumawa ng mahina, ang mga nasa tabi kong babae ay nagbubulungan lang. He casually walked toward the seat in front like nothing happened, his blank gaze made me recalled about that night last week. Hala!

"Grabe yung lalaking 'yan, parang hindi college, 'no?" bulong ng katabi ko sa kausap niya. "Pinagku-kwentuhan nga siya sa teacher's department kahapon. Isang beses na nga lang daw pumapasok sa isang linggo, half-day pa!"

"Hindi na naawa sa magulang, ano?"

'"Wala na yang mga magulang, kaya siguro ganyan."

"Mananahimik kayong dalawa o ipapasabunot ko kayo sa motortrade?" walang emosyong babala sa kanila ng lalaking nakaupo sa harap ko kaya agad na nagising ang aking diwa. Natahimik ang dalawa at napayuko lang.

Sikat ang lugar na iyon, sa likod ng campus kung nasaan ang kabilang highway, sa eskinita doon ay laging nag-aabangan ang mga taong katulad nila. Mga babae man o lalaki, hindi ko sila maintindihan. Karamihan sa kanila, mahilig sa away at gulo.

Muli kong binaling ang atensyon sa lalaking iyon na ngayon ay nakadukdok na sa desk, hindi man lang natatakot sa masungit na professor namin ngayon. Base sa narinig ko, hindi niya masyadong pinapasukan ang subject na ito.

I can't believe this, that kid is actually my classmate. Mas matangkad siya sa'kin at mas matangkad sa mga kaklase kong lalaki, pero ang impression ko sa kanya ay mas bata. He doesn't even have that tough look of a bad person. He doesn't look like an irresponsible student or someone who would join a fraternity like that.

Looks can be deceitful sometimes.

Nakatingin lang ako sa kanya sa buong discussion dahil alam kong hindi naman siya lilingon sa gawi ko. I heard a lot about him from these two girls beside me. Ibig sabihin ay suwail siya, at walang magulang?

"I have a younger sister and a mother."

Natigilan ako, he has a mother.

"Please do this activity for the remaining time. Walang aalis hangga't hindi natatapos ang time ng subject ko. Naiintindihan ba?" Tiningnan kami ng professor namin. "Class President, collect all the papers after the class and bring it to me."

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon