Chapter 7

20 1 0
                                    

Chapter 7

Baby

Kaming dalawa ni Harper ang naghatid ng mga pagkain sa mga kapitbahay. Puro naman sila pasasalamat at pabati kay Lolo Tonyo.

"Kelan ba ang alis mo, Rianne?" tanong ni Lola Estrel kay Mama habang kumakain kami.

Sa harap namin ay ang mga pagkaing niluto nina Lola at Mama. Hindi na nga lang gan'on kadami dahil nga sa namigay din naman kami sa mga kapitbahay. Pero ang spaghetti, leche flan, lumpia at hotdog na may marshmallow lang ang halos nilalantakan ko.

Nasaway pa nga kami ni Mama kanina dahil sa pagpupumilit namin ni Harper na gumawa ng hotdog na may marshmallow na tinuhog namin gamit ang barbeque stick. Dapat kasi ay isasama pa iyong apat na hotdog doon sa spaghetti pero pinaglaban namin ni Harper. Mabuti na lang din at kinampihan kami ni Lola.

"Limang araw po mula ngayon," sagot ni Mama na bahagya akong kinurot nang makitang aamba na naman akong kukuha ng lumpia.

Ngumuso ako at napatingin sa kaharap ko, si Harper, na mahinang natawa. Kapagkunwan ay nilagyan niya ng tatlong lumpia ang pinggan ko. Kanina pa ako sinasaway ni Mama dahil halos maubos ko na iyon. Ang sarap naman kasi!

"Sabi ko naman sayong pwedeng dito ka na lang sa bahay magtrabaho," ani Tito Harold.

Medyo late na nakauwi si Tito dahil tinapos niya raw iyong isang project. Dumating siya ay nagsisimula na kaming kumain.

Sinenyasan ko si Harper ng isa pa at natatawa habang naiiling niya namang nilagyan ang pinggan ko. Sinulyapan ko si Mama at nakita ang ginagawa niyang pandidilat sa'kin. Napanguso ako at nagpapa-cute na lang na nag-peace sign.

"Kakailanganin na rin naman namin ng katulong at mas mabuti na rin sana iyong katulad mo na matagal na naming kilala para siguradong mapagkakatiwalaan namin."

I really heard Tito Harold offering my mother to just stay and work at their house. Dahil kakailanganin na rin daw talaga nila ng katulong dahil tumatanda na rin sina Lolo at Lola. Palagi rin siyang abala sa trabaho kaya wala ng oras masyado dito sa bahay at si Harper naman ay abala rin sa pag-aaral.

Actually, hindi na rin naman na talaga kailangan ni Tito Harold magtrabaho ng sobra-sobra dahil maganda at maayos na ang buhay nila. Kaya nga lang din ay naisip kong tama si Harper na baka ginagamit ni Tito ang trabaho para kahit papaano ay mabawasan ang sakit sa pag-alala sa namayapang si Tita.

Hindi ko naman siya masisisi kung gan'on ang ginagawa niyang paraan para maka-cope up sa nangyari. Pero sana naman ay aware siya sa nararamdaman ng anak niya lalo pa't medyo matagal na ring nagpaalam si Tita.

"Gusto ko rin sana iyon, Harold. Pero nakapagdesisyon na talaga ako," mariing tugon ni Mama. "Gusto kong bigyan ng magandang buhay si Zaria."

"Pero iiwan mo naman ang bata, Rianne," pakikisabat ni Lolo Tonyo.

I feel... kind of... being in between them all. Katulad kasi nina lola ay ayoko ring umalis si Mama at iwan ako mag-isa. Pero nahihirapan din ako para kay Mama dahil alam ko namang hindi niya rin gusto ang iwan ako. Hindi niya nga lang din maiwasan na isipin na responsibilidad niya ang bigyan ako ng magandang buhay.

Tila natahimik si Mama at malungkot akong tinignan. Ramdam ko na ngayon na lahat sila ay natigilan sa pagkain at ngayon ay nakatingin na lang sa aming dalawa ni Mama. Para bang sa katahimikang iyon ay binibigyan nila si Mama ng pagkakataon na baguhin ang isipan niya at piliin na lang na manatili rito.

"Huwag kang mag-alala, Tita Rianne," basag ni Harper sa namayaning katahimikan. "Aalagaan ko po nang mabuti si Ari kapag umalis na kayo."

Malungkot na ngumiti sa'kin si Mama bago bumaling kay Harper. "Maraming salamat, hijo. Alam kong hindi mo pababayaan si Zaria."

Don't Stay AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon