-THIRD PERSON'S POV-
Malalim na ang gabi at masama ang panahon. Malakas ang buhos ng ulan at ang ihip ng hangin.
Isang bata ang kasalukuyang naglalaro sa playroom niya ng may marinig siyang isang malakas na sigaw mula sa itaas kaya tumatakbo ito papunta roon.
Nanggaling ang sigaw sa kwarto ng mommy niya kaya tumakbo ito papalapit sa kwartong iyon.
Pagbukas niya sa pinto ay isang kagimbal-gimbal na eksena ang bumungad sa kanya..
Nakahiga ang kanyang mommy sa sahig at naliligo sa sariling dugo.
"Mommmy! Huhuhu. Mommmy!" Sigaw at iyak ng batang babae at tumakbo papalapit sa kanyang mommy.
"H-hide... P-pr-protect y-your-self... M-momm-y loves y-you..." Pilit at habol hiningang sabi ng mommy niya sa kanya at nawalan na ito ng hininga.
"Mooooommmmmyyy!! Wake up mommy! Huhuhu.. I love you too mom. Zeryll loves you so much mom. huhu."
Lalong lumakas ang iyak ng batang babae. Napatingala ang babae ng biglang kumulog ng napakalakas. Hindi niya inaasahan na may mahagip ang mga mata niya sa balcony ng kwarto.
Nakita niya roon ang isang pigura na balot na balot ng itim na damit at hawak nito ang isang napakataas na espada na may sariwang dugo na tumutulo.
Sa halip na tumakbo at magtago ay hindi ginawa ng batang babae. Ang salitang takot ay hindi niya maramdaman.
Sa kabila ng paggalaw ng mga kurtina sa paligid at pati narin ng madilim na kwarto ay nagawa paring makita ng batang babae ang isang palatandaan sa taong pumatay sa mommy niya. Kahit may mga mahabang buhok na tumatabing sa mukha ng nakita niya, klaro parin sa kanya ang malaking scar nito malapit banda sa kanang kilay na may desenyong tattoo.
"Ahhhhhh!" Sigaw ni Amber galing sa pagkakatulog.
"Shhhh.. Hush, Ice. Hush.. You're having a nightmare.. Shhh.." Alo sa kanya ng asawa.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla nalang siyang umiyak.
"Shhh. They're just dreams. Hush, Ice.. I'm just here.. Shhh.." Pagco-comfort ni Lucas sa asawa.
She felt something in her chest. It feels like what she dreamt was real. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nasasaktan. Sino ba ang taong yun sa panaginip niya? It's almost two nights na nanaginip siya ng ganun. Exactly 2am, nagigising siya dahil sa panaginip na'yun. Same scenario.
May ibig bang sabihin yun? Bahagi ba yun ng nawalang pagkatao niya?
"M-mom." Wala sa sariling sambit ni Amber habang umiiyak at di kalaunan ay nakatulog ulit dahil sa pagod sa kakaiyak.
Isang batang babae na hawak ang telepono at kausap ang daddy niya.
"Sweetie.. How are you?" Tanong sa kanya ng ama.
"I'm doing great dad. I miss you.. and mom.." Nakalabing sagot ng batang babae.
"I'm sorry, sweetie.. If I wasn't there to protect your mom.." Punong puno ng pagsisisi ang nasa boses ng ama.
"Aren't you going home dad?" Sa halip ay tanong nito.
"I'm on my way home sweetheart.."
"Take care daddy.."
"Yes, I will.. I love y----"
Bang! Bang! Bang!
BINABASA MO ANG
TGA: The Lost Ultimate Hacker Assassin
PrzygodoweAfter that tragic war, she was no longer found and was declared dead. She was dead to the eyes of many, but she still exist. She just woke up one day remembering nothing and surprisingly she already had a husband and a child. Could this be true or j...