At andito na nga ako sa school ngayon, kakasimula pa lang ng school year, ang dami na agad nangyari sakin."good morning pres" bati ng mga studyante na nakakasalubong ko, " goodmorning din" bati ko namang pabalik sakanila medyo nakakangawit din ngumiti, lahat kase ng studyante dito nginingitian ko kahit yung mga kilala kong mga bullies.
Dumiretso na ako ngayon sa Dean's Office para ibigay lahat ng papers and reports sa mga nangyari lasf year para malaman kung ano ang kailangan iimprove sa school namin
"So were done with it Ms. Patriarca, kahit kelan talaga di mo ko nabibigo, good job, sana magtuloy tuloy"
"Walang ano man po Maam, sana nga po mag tuloy tuloy na" umalis na ako at pumunta na sa first subject ko.
Naglalakad ako ngayon ng mapadaan ako sa isa sa mga bakanteng room dito sa academy. May dalawang tao ditong nag- uusap,di naman sa tsismosa ako pero against sa rule kase yung ginagawa nila, bawal na pumunta sa room na yan at tsaka school hour na noh, ok lang na malate ako sa first subject ko,kase alam naman ng lahat ng teacher na may pinag-usapan kami ng OIC ng school na toh.
" Ano ba Aero, ayoko na! Itigil na natin toh" sigaw nung babae sa loob
"Please Kim, wag ganto, mahal kita,sakin ka na lang ulit" makaawang sabi nu boy kay girl.
"Aero pagod na pagod na ako! Ayoko na,pakawalan mo na ako" naririnig kong sabi nito na halatang umiiyak na din,hala teleserye ba toh
" Hindi mo na ba ako mahal?"
"Mahal kita Aero pero I need space, masyadong masakit yung ginawa mo sakin"
"Kung ganon edi sige, But I promise to you na di ako susuko sayo,I will do anything just to win you back"
Aalis na sana ako ng may maapakan akong lata at nagproduce ito ng ingay at agad na naakit ko ang atensyong nila. Tumago ako at sa tingin ko ay di naman nila ako nakita.
Umalis na ako sa pinagtataguan ko,paalis na ako sa lugar na yun ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Masama ang makinig sa usapan ng iba, right?" boses lalaki at alam kong ito yung lalaki kanina sa room
Dahan dahang humarap ako dito, at laking gulat ko ng........
IKAW!!!
sabay na sabi naming dalawa
"Gumagawa na nga ng kwento, tsismosa pa" sunod na tugon nito saakin
" Hoy hoy lalaki! Ang yabang mo ah, FYI nagawa ko lang naman yung kase naipit ako sa sitwasyo kanina, tsaka di ako tsismosa noh! napadaan lang ako kaya aksidente kong narinig!"
"Nakalumod ka ba ng amplifyer?, ang lakas ng bunganga mo, pakihinaan nga" iritadong tugon nito
"Pakealam ko sa tenga mo? " mataray na sambit ko
"Tsismosa ka lang"
"Sabi ng hindi eh, lumabag din kayo sa rules noh, bawala yang ginagawa nyo, school hour na pero andyan pa rin kayo naglalandian!"
"Akala ko ba narinig mo pinag-uusapan namin? alam mong hindi yun landian, para sabihin ko sayo LQ yun, baka kase di mo alam, halata kase di ka pa nagkakabf "
" Hala ang yabang mo talaga noh, di ka gwapo noh, nagfefeeling ka kang, Gatas!!!"
"Kung ako gatas, ikaw chocolate"
"Morena tawag dyan noh!"
"Ok whatever, Ms chocolate."
"Ewan ko sayo, Mr Condense"
Umalis ako na ng nanggagalaiti sa galit.
ang ganda ganda ng kulay ko tapos lalaitin lang nyaNalimutan kong sabihin na morena talaga ako, di ko man lang nakuha kulay ni mama pero at least maganda ako diba.
Nakuu di ko na talaga alam magagawa ko sa ugok na yun kapag nakita ko ulit yun.