"Althea, umiiyak ka ba?"
Pinunasan ko ang mga mata sa tanong ni April. I don't know why but weddings make me emotional.
Nilingon ko siya at nginitian bago ibinalik ang atensyon sa ikinakasal. Isinusuot na nila ang singsing sa isa't-isa at ilang minuto na lang ay idedeklara na silang bagong kasal.
Another tear fell from my eyes and I immediately wiped it. Ba't ba ako umiiyak? Hindi naman ako ang ikinakasal?
"Therefore, with the blessings of God, it is my pleasure to now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!"
Napuno ng palakpakan ang simbahan. Tumayo na din kami ni April at nakisali sa hiyawan. Pero napawi ang ngiti ko nang nagsimulang kumanta ang wedding singer.
♫♫ And oh we started
Two hearts in one home
It's hard when we argue
We're both stubborn
I know, but oh ♫♫The newlyweds were all smiles as the crowd congratulated them. But I couldn't.
Suddenly, all the memories I tried to forget came rushing back.
Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Dahil lang sa isang kanta, bumalik lahat ng emosyon -- ang saya, ang kilig, ang sakit. Dahil lang sa isang kanta, bumalik ang panghihinayang.
Huminga ako nang malalim at pinilit ang sarili na manatili sa kasalukuyan. But no matter how much I try, I couldn't. My mind still went back to the past. And that's exactly the reason why I stopped listening to my old favorite songs.
Because those songs reminded me of him.
***
vote | comment | share
Updates every Saturday!
BINABASA MO ANG
Our Songs
ChickLitFalling in love is scary. Nakakatakot ma-reject. Nakakatakot magmahal ng taong hindi natin sigurado kung mahal din ba tayo. And Althea Bermudez never wished to be in a relationship in the first place. She has other priorities. She would rather liste...