LAVIN
BWISIT naman oh"ate yung buhok mo lumilipad sa muka ko"inis kong sabi. kanina pa kasi iyong buhok niya nakakain ko na. Lumingon siya sakin
"sorry naman" sabi niya sabay irap, sabunutan kita jan e. Kinuha ko nalang ang earpod ko at nakinig nalang ng music
Nasa jeep ako papuntang trabaho. may kotse naman ako kaso nasiraan ako kahapon, kasalukuyang inaayos ang kotse ko kaya nag commute na lang ako.
"Para po!"sigaw ko ng makitang malapit na ako sa boutique ko.
Dahil sa pag kahilig ko sa fashion ay nag tayo ako ng sariling boutique pagka graduate. Sinabi ko noon kay mama ang plano ko na mag trabaho at mag ipon dahil gusto ko mag tayo ng sariling shop hindi siya sumangaayon sa pag ta trabaho ko at may ibinigay saaking sobre na nag lalaman ng malaking halaga ng pera. Sinabi niya saakin na galing iyon sa aking tunay na magulang at iyon ang ginamit ko upang makapag tayo ng sariling boutique. Bata palang ako ay alam ko na hindi si mama ang tunay kong magulang, ang tunay ko daw na magulang ay ang amo niya noon na namatay kaya siya ang kumopkop saakin. Hindi naman naging hadlang iyon upang hindi ko siya kilalaning ina. Naging masaya ang buhay ko sa kaniya kasama ang isa niyang anak na mas matanda sakin si kuya kian na half lalake at half babae in short gay.
Close kami ng sisteret kong si kuya Kian na ang trabaho ay isang secretarya sa Mejares corp. Na isa sa pinaka kilalang kumpanya sa bansa.
Nang makarating ako sa boutique ay sinalubong ako ni Aya ang assistant ko na bestfriend ko rin
"Good morning Lavin" nakangiting bati ni Aya saakin
" Morning Aya "nakangiting balik ko. Dumeretso ako sa office ko at tinignan ko ang email kung may update na sa isa sa customer ko na nag papagawa ng wedding gown.
"Aya" tawag ko. Agad naman siyang pumasok sa loob ng office
"Bakit" tanong niya
"Wala pa rin bang update kay miss Mina?" Tanong ko
" Pumunta siya kahapon dito. Ito daw ang napili niyang design ng gown. Gusto ka nga sana niya makausap kaso wala ka naman" sagot niya. Tumango naman ako at tinigna ang napili niyang design ng gown.
YOU ARE READING
Two waves
RandomLexie at Lavin Ang kambal na pinag hiwalay ng tadhana. dahil sa trahedya na nangyari sa mga magulang ni Lexie at Lavin na naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang mga magulang, nag kahiwalay sila ng landas. lumaking mayaman si Lexie na mas matanda ng...