CHAPTER 28 - Don't Leave

419 36 23
                                    

VERONICA'S POV

Alas tres na ng hapon ngayon pero wala paring costumer na dumadating. Ako na lang mag-isa dito dahil umalis si Heart. Sobrang nakakaboring.

Kawawa naman 'tong coffee shop ni Heart , paniguradong nalulugi na siya. Kung pwede ko lang sana gamitin yung totoo kong itsura , edi sana madami na akong nabenta.

Teka....

Oo nga no....

Pwede ko naman nga pala gamitin ang tunay kong itsura...

Tapos kapag pumasok na lahat ng costumer , saka ako mag-aanyong Grace.

Tama!!! Para makatulong na din ako kay Heart!

Madali lang naman magpalit ng anyo , dahil isang suot ko lang nitong silicon mask ko iba na agad anyo ko. Kung dati make up lang ginagamit ko , ngayon hindi na. Nung time kasi na nagkita kami ni mommy , may nilagay pala siyang silicon mask sa bag na dala ko , tapos kamukhang-kamukha ko pa , i mean yung itsura ko kapag pangit.

Kinuha ko yung dress na nakasampay sa office ni Heart , wala naman siya dito , saka mamaya pa naman daw ang balik niya kaya ayos lang na isuot ko 'to.

Agad akong nagbihis at tinanggal ang silicon mask ko. Inayos ko ang buhok ko at tinanggal ang contact lens ko.

Nang maayos na lahat , agad akong lumabas. Naagaw ko agad ang atensyon ng mga tao , kaya't nagsipuntahan sila agad sa labas ng coffee shop. Pinapasok ko naman sila agad. Pinicture-an pa nila ako , ang iba naman ay nagpapicture pa sakin maya medyo natagalan ang pagseserve ko sakanila.

"Konting katahimikan po muna sa lahat , relax lang po kayo. Umupo lang muna kayo dyan , tatawagin ko lang yung friend ko. Si Grace po ang magseserve sainyo ng coffee. Hindi niyo na po kailangan tumayo dahil siya na po ang kusang mag aabot sainyo ng order niyo." Saad ko sa lahat.

Punong-puno na yung loob ng coffee shop tapos meron pa sa labas.

Dali-dali akong pumasok sa office ni Heart at nagpalit muli. Sinuot ko muna yung uniform na nakasabit din dito sa office niya na may nakalagay HeartFULL of LOVE sa likod,sa unahan naman ay Grace. Siguro nga sakin talaga 'to? Bahala na!

Sinuot ko ang silicon mask ko at ginulo ng kaunti ang buhok ko saka lumabas. Mas dumami pa ang tao sa labas.

Dali-dali kong inilista ang mga order nila , grabe ang dami! Pero ayos lang!

Hindi naman naging mahirap sakin ang pagtitimpla at pagbe-bake dahil dati na akong tinuruan ni Heart sa paggagawa ng kape at mini cake. Atska , dati narin akong tumulong sakanya dito sa coffee shop niya.

Agad akong natapos sa pagtitimpla ng kape , buti nalang konti lang yung umorder ng mini cake.

Inabot ko sakanila ang mga order nila. Tinatanong nila sakin si Veronica , kung nasaan na daw ito. Syempre iniba ko boses ko , baka mahalata ako e. Sinabi ko na lang na nagpapahinga na sa loob , at buti naman naniwala silang lahat.

Nang matapos na ang iba ay sinabi nila sakin na babalik daw sila dito , dahil sobrang sarap pala daw ng kape at mini cakes dito. Sobrang natuwa naman ako sa mga feedbacks nila!

Kapag may umaalis , may dumadating naman agad. Kaya walang tigil yung pagseserve ko sa mga costumer.

May umoorder ng kape na may icing or kaya naman may halong chocolate. Kaya minsan natatagalan ako , lalo na kapag may naorder ng mini cake.

Pagod na pagod na ako , pero kaya ko 'to!

Ganto pala ang buhay ng taong mahirap , sobrang nakakapagod na tapos ang hirap pa.

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon