Bakas ang ngiti nya ng lumapit sya sakin. "Ang ganda mo lalo dyan sa suot mo. Mas nag mukha kang Prinsesa" sabi nya habang nakatingin sa akin kaya agad na humulma ang ngiti sa labi ko.
"Salamat." Tanging sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano dapat na sabihin.
"Pag laki mo liligawan kita ah." Diretso ang tingin nya sakin habang sinasabi iyon at hindi nawawala ang magandang ngiti nya.
"Hoy! Anong pinag sasabi mo dyan Matthew" sabi naman ni Kuya Francis sa kanya. Nakasuot na din si Kuya Francis ng damit na pang amerikano.
"Hahahaha! Bakit? Bagay naman kami ni Cheska ah. Diba Cheska?" Napatango ako dahil sa sinabi nya. Ang pogi nya sa suot nyang pang amerikano, bumagay sa kanya dahil sa tangkad at ganda ng tayo nya. Mukha syang prinsipe.
"Ma! Si Matthew may sinasabi oh" Sumbong ni Kuya Francis kay Mama kaya naman lumapit ito samin.
"Ay ano naman yun ha. Matthew?" Tanong ni Mama. Inayos ni Mama ang buhok dahil nalalaglag ito mula sa pag kaipit nya sa ulo ko. "Oh, Shine, paki ayos 'tong buhok ni Bunsoy. Nahuhulog yung buhok nya, hindi masyadong mahigpit yung pagkakalagay mo." Sabi ni Mama dun sa bading na nag ayos sa akin.
"Tita, Liligawan ko si Cheska pag laki nya ah. Hahahaha." Ngiting sabi nya kay Mama. Na hindi mo malaman kung nagbibiro o ano.
Si Mama naman ay napalingon sa kanya at binato sya ng hair pin, saktong tumama naman ito sa mukha ni Kuya Matthew.
"Nako kay bata ka. Eh lagi mo ngang inaaway 'tong si Cheska. Tigilan mo 'tong batang to. Mamaya maniwala 'tong bata sayo." Sabi ni Mama sa kanya.
Si Kuya Francis naman. Tawa ng tawa sa kanya. "Hahahaha. Kala mo ah!" Natawa na lang din si Kuya Matthew sa ginawa sa kanya ni Mama.
"Saglit nga lang ay may kukunin lang ako sa kwarto. Ikaw Matthew, umayos ka dyan. Makukurot kita dyan!" Saad nito at saka umalis.
Naiwan kami ni Kuya Francis, Kuya Matthew at ni Ate Shine na nag aayos sa akin.
Si Kuya Francis, Umalis sa pwesto namin dahil nag punta ito sa harap ng salamin para makita kung maayos ang itsura nya.
Si Ate Shine naman ay lumabas saglit dahil may biglang tumawag. Kaya naiwan kaming dalawa ni Kuya Matthew. Tinitignan ko lang sya.
Lumapit sa sakin si Kuya Matthew at lumuhod para makapantay nya ako.
Naka upo kasi ako sa upuan namin na gawa sa kahoy, dahil inaayusan nila ako para sa gagawing parada mamayang gabe.
"Cheska, Pag laki mo liligawan kita ah." Sabi nya sakin. Halos pang dalawang beses ko na yung narinig mula sa kanya.
"Liligawan? Ano po yun?" Tanong ko kay Kuya Matthew. Naririnig ko na yung salitang yun sa mga classmate ko pero hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin nun.
"Hmm, Ako yung magiging Prince Charming mo. Gusto mo ba yun?" Napangiti ako ng marinig ko ang salitang Prince Charming. Naalala ko kasi yung pinapanuod ko sa T.V namin.
"Ikaw yung Prince Charming ko? Ibig sabihin ako yung magiging Prinsesa mo? Yung katulad ng kay Cinderella at Rapunzel?" Masaya kong tanong.
"Oo." Ngiti nitong sagot.
"Eh kung ikaw yung Prince Charming ko. Bakit mo ako laging inaaway? Hindi ba dapat mabait ka sakin? Eh lagi mo akong inaaway eh." Medyo napasimangot pa ako sa kanya.
"Hahaha okay. Sorry for that. Bati na tayo, Okay ?" Sabi nya sakin.
"Okay sige. Bati na tayo." Sabi ko. Napangiti nalang din ako.
"Basta, Ako lang dapat ang Prince Charming mo ah." Sabi ulit ni Kuya Matthew sakin.
"Osige " masaya kong sagot.
"All right! Bilisan mong lumaki ah. Para ako ang maging Prince Charming mo." Sabi nya.
"Wow! Sige. Mag Ppray ako na lumaki na ako agad para ikaw na ang maging Prince Charming ko." Sabi ko sa kanya.
"Hahaha ang cute mo talaga Cheska. Wag kang mag papaligaw sa iba ah." Sabi nya sakin kaya tumango naman ako.
"Payakap nga sa Prinsesa ko." Saad nito at binuka nya yung dalawang kamay nya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya." Ikaw lang ang Prince Charming ko, promise ko yan!"
"Hoy. Hoy. Hoy! Matthew, bitawan mo si Cheska. Mapapalo kita dyan." Saad ni Mama kaya naman napabitaw ako sa Prinsipe ko.
"Hahahaha Sorry po." Bumitaw ako sa pag kakayakap kay Kuya Matthew.
Kahit sya na ang Prinsipe ko, hindi pa din ako sanay na hindi sya tawaging Kuya Matthew. Baka mapagalitan ako ni Mama at Kuya Francis. Pag hindi ko sya tinawag na Kuya.
Ang saya ko. Sobrang saya ko kasi tulad nila Cinderella, may Prince Charming na din ako.