“SIR, positive po ang report ni Valdez,” tukoy ng isang lalaki sa isang informer.
“So, kumpirmadong homesexual nga ang natagpuang bangkay?” tanong ng superior nito. Tumango ang tinanong, saka kinuha ang isang folder at inabot sa kanyang superior. “Nakakuha po ako ng mga pictures—medyo masama nga lang po ang hitsura.”
Madilim ang mukha ng may-edad na lalaki habang tinitingnan ang mga pictures na iniabot ng kanyang tauhan. Napailing ito at obvious na nangilabot sa nakita. Mayamaya ay binalingan nito ang ilang tauhang naroon din sa loob ng kuwartong iyon.
“Dapat na nga nating ituloy ang misyon. Masyado nang nakakaalarma ang mga nangyayaring ito,” anito, habang isa-isang tinitingnan ang mga naroroon.
“’Yung original plan ho ba ang susundin?” tanong ng isa.
“Hindi. May konting pagbabago.” May ilang minuto rin nitong pinag-aralan ang isang maliit na notebook na hawak. Nang mag-angat ng mukha ay medyo nakangiti na ito. “Nasaan si Laureno?”
“Nasa sports stadium, Sir,” sagot ng isa sa mga nandoon. “Tawagan ninyo at papuntahin agad dito. Siya ang importanteng elemento sa misyong ito.”
“Yes, Sir.” Kaagad tumalima ang inutusan. Itinuon ng may-edad na lalaki ang mga mata sa hawak na folder at muling pinag-aralan ang nakalatag na plano.
BINABASA MO ANG
AGENT OF MY HEART
ChickLitPublished by Bookware, 2006 Macho dancer meets young matrona. Ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa kanila? Pero ang tanong- totoo nga ba ang pakilala nila sa isa't isa? Paano kung pareho lang pala silang nagpapanggap? Alamin! Happy reading...