ELLE'S POV
Sa pinakita ni Aldrin ngayon, lahat ay nagulat. Ang iba ay napatayo. Ang iba naman ay laglag ang panga dahil ang pinaka-iidolo nila, nagpakita ng napakagaling na talent. Pero ang nararamdaman ko, maliban sa bwisit sa kanya hanggang ngayon, pakiramdam ko lagi akong ligtas kapag siya ang kasama ko. Kapag siya ang kasama ko hindi niya ko papabayaan. Pero ang isang kinamanghaan ko sa kanya, kung pano niya nakuha at nagawa ng lahat ng iyon ng walang kahirap.
'Mag-pinsan ba sila ni Spider-Man? Nakagat din ba siya ng radio-active Spider? Bakit anlakas naman ng reflexes nito?'
'Pero? Bakit ganyan siya makatitig?'
"Baka naman, Mr. Gonzales gusto mo ko itayo." Nakangiting sabi ko.
"Gusto kita."
"Eh??"
"Itayo! gusto kita itayo."
'Weirdo'
Tinayo niya nga ako. Lumapit sila Claire sakin, tanong nang tanong kung anong nangyari.
"Ano ba nangyari sa inyo dun? Bakit kayo nag-kaganun?"
"Balik muna tayo sa table natin."
Pagkabalik namin dun ako nagpaliwanag kung anong nangyari.
"Nadulas kasi ako, tapos nasalo niya ko. Tsaka bakit ako ang tinatanong niyo ng ganyan? Hindi ba kayo nawirduhan diyan sa 'Campus Heartthrob' niyo? Pano niya nagawa yun, kahit normal na tao 'di kayang gawin yung ganun."
"Ay na'ko girl wag mo na isipin yun, atleast 'di ka nadulas at baka masayang pa ang iyong beautiful face. Basta ako nagpadagdag lang yun sakin para mainlove ako kay Aldrin!" Baklang bakla na pagkakasabi ni Felix.
"Bakla ka, 'di ka magugustuhan ni Aldrin 'no assuming lang?" Masungit na pagkakasabi ni Claire.
"Ay girl, wag mo 'kong ma ganyan ganyan baka masabunutan kita." Asaran ng dalawa.
"Tigilan niyo na yan, iexplain niyo nga sakin. Bakit napaka-sikat niyang tatlo na yan dito?"
"Diba nagpakilala na sila kanina? Paulit ulit lang?" Mataray na pagkakasabi ni Felix
"Hindi, kase diba kaka-enroll ko lang? 'Di ko siya kilala ng masinsinan."
"Ah, gets ko na. Gusto 'mong maknows kung pano sila naging sikat. Parang gusto 'mong malaman kung anong mga hobbies ganon ba." Baklang baklang pagkakasabi ni Felix. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Silang tatlo binigyan ng title ng mga students ng campus." Pagkukwento niya.
"Ok, let's start with The Cutest at pinaka-tahimik here in the campus. Yung nasa kaliwa ni Aldrin. Siya si Ace Lincoln Guevarra, siya yung taong into sa music, mahilig tumugtog like. Guitar,Piano,Violin,Flute and Drums, mahilig din siya kumanta at sumayaw, kaya siya lagi ang champion pag may competitions sa campus pero last year, siya yung isa sa mga judge ng music competition. Magaling din yan magbasketball,baseball at Soccer, pero sa basketball Team siya sumali."Sunod naman na nag salita si Maggie.
"Dun ka naman tumingin sa kanan ni Aldrin. Siya si Lee Hyun Kai. The Most Handsome Korean in the campus." Nakangiting titig ni Maggie kay Kai.
"Ang pinakamaingay sa tatlo tsaka sa paningin niya sobrang gwapo ni Kai, gwapo naman talaga pero mas gwapo si Jin." Tukoy ni Felix sa isang sikat na member ng korean boy group.
YOU ARE READING
THE GALAXY BETWEEN US SEASON 1
Science FictionAldrin Gonzales is a handsome, smart, kind, so much rich and so talented teenager. In his Campus that his family own, they have a nickname to him the 'Campus Heartthrob' of the whole campus. He is team captain and the varsity of his team, 'Blaze Dra...