Oh yeah, your skin and bones
Turn in to something beautiful
Do you know
You know I love you so
You know I love you so
I sang softly while walking to my department, not minding everyone around me. They were a lot of people at the corridor that time since it was a short break before the last period ends.
“Elaine!” I turned around and saw Dianne, my friend.
“Ano ka ba naman Elaine kanina pa ako tawag ng tawag sayo eh, headset ka kasi ng headset di mo nadidinig yung nakapaligid sayo.” I rolled my eyes, ayan na naman sya pinapagalitan na naman ako.
“I’m sorry okay? You know naman na favorite ko yung kantang Yellow eh.” Nakasimangot kong sabi.
“Oh eh kahit na baka kapag may bomba nga sasabog sa likuran mo di ka makakatakas dahil hindi mo dinig ha. Oh eh may assignment ka ba? Dali pakopya naman oh” di pa ako nakakasahot kinuha na niya yung gamit ko at tinangay ang notebook.
“Oo na, may magagawa pa ba ako eh nasayo na? Basta ibalik mo sakin yan pag natapos ka na, ayoko bumagsak no.”
While we were walking, nag-uusap lang kami ng mga chika ng taon ngayon. Aba kung gusto mo ng chika edi kay Dianne ka na! May pa imbestigasyon pa yan ha. Papasok na kami ng room ng nakasalubong namin si Knoxx, nakakunot ang nuo na para bang may kaaway palagi, may pasa sa pisngi na di ko alam kung saan nanggaling at kapansin pansin ang kissmark sa leeg nya. Nung nakita nya ako ay kumaway kaagad sya na para bang hindi siya pinagsakluban ng langit at lupa kani-kanina lang.
Pumunta na kami sa mga sarili naming upuan at tumabi naman sya sa sakin. Kinuha ko yung concealer ko at binigay sa kaniya pero sa kadahilanan hindi niya alam kung ano yun.
“Ano to? Concealer?” basa niya sa product. “Para saan to Amber?”
“Para saan pa? Alangan namang gagawin mo yang panulat no? At isa pang tawag ng Amber sakin masasapak na talaga kita Knoxx panot.”
Nagulat naman siya sa sinabi ko, “Aba’t sino ang tinatawag mong panot ha? Baka ikaw Amber panget. Pero seryoso pa’no nga to gagamitin?” Bumuntong hininga naman ako, kinuha ko yung concealer sa kamay niya at binuksan iyon. Yumuko ako para matantsya ko kung saan banda iyon, nakita ko na nasorpresa siya sa ginawa ko kaya napangiti ako.
“Oh ayan tapos na, wag ka kasi nagpapakita ng kiss mark sa loob ng paaralan baka ma detention ka niyan sige ka.”
“Sus baka gusto mo lang talaga maka tsansing sakin, uy aminin.” Sinusundot pa niya tagiliran ko.
“Tumigil ka nga Samael ha kapag ako samain sayo yang nasa baba mo ipapaputol ko talaga yan, tsaka yari ako sa fans club mo kapag nagtsansing ako sayo no AT as if naman na gagawin ko yun.” I flipped my hair afterwards. Sasagot pa sana sya nung pumasok na yung teacher namin. Pagkatapos ng ilang oras natapos na din ang subject, tiningnan ko ang orasan ko sakto namang 5:00 pm sasakay nalang ako ng jeep. Maglalakad na sana ako ng may humarang sakin, tiningnan ko kung sino yun at ang mga malalandi lang pala.
“What do you want?”
She glared at me. “Leave My Samael Alone!” sabi ni Haliparot 1.
“Yeah leave him alone!” Haliparot 2 said, na para bang nawala na ang make-up sa buong mundo dahil nasa mukha na niya.
“Oh? Sayo pala sya? Bat wala syang nakwento sakin?”
Nakita ko naman yung sakit sa mga mata niya.
“Alam niyo miss, sayo na si Knoxx wala naman akong inaagaw eh. Ang masasabi ko lang eh, isa lang yung minahal nun sa buong buhay niya at hindi ikaw yun. Baka nga kapag bumalik yung mahal niya maestapwera ka na eh, pansamantalahan ka lang miss, kumbaga ba eh pangkama ka lang. Tandaan mo yan.” Tumalikod na ako at lumakad na papalayo pero di pa ako nakakalayo ay may narinig akong sumigaw.
I was taken aback by what I saw: Knoxx was firmly grasping the slut's hand. His brows were furrowed, his eyes were visibly angry, and his hand was tightening with each passing second.
“B-but Samael, she’s stealing you away from me!” napapa aray nalang siya sa sakit ng pagkahawak ng kamay ni Knoxx sa kaniya.
“No one’s stealing me from no one. I belong to one person only and it’s Amber.” Inihagis nya sa gilid ang kamay ng babaeng yun at humarap sakin, ang kaniyang malalamig na titig kanina ay napalitan ng ngiti, tumakbo siya papunta sa akin at inakbayan ako. Nakatulala lang ako ng di ko namalayan ay nasa Parking Lot na pala kami.
“Mag co-commute nalang ako Knoxx, bukas mo nalang ako ihatid sa bahay.” Sabi ko habang lumalakad papalayo sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinapasok sa sasakyan niya, umikot siya papunta sa driver’s seat at pina andar na ang sasakyan. Anong ibig sabihin non? Na sakin lang siya? Pero imposible yun, mag best friend lang kami at saka may mahal na yun eh, si Chloe. Pero---
“E-ehem, pashare naman ng iniisip mo Amber oh.” Di ko siya pinansin.
“Huy Amber ang boring ng ride natin, pamusic ka naman oh.”
Tumingin ako sa kaniya at tinitigan, bat ko ba to naging best friend? Ang kulit lang eh. Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at ni-connect ko sa bluetooth speaker ng kotse niya. Pinatugtug ko ang kantang Yellow.
“Di ka ba nagsasawa sa kantang to? Palagi ko nalang tong naririnig eh.” Nakasimangot niyang sabi.
“Oh edi ikaw magpamusic, sige plait tayo pwesto oh ako magdrive tas ikaw pumili.”
“Eto naman di naman mabiro si panget.” Tiningnan ko siya ng masama.
“Anong panget ha? Baka ikaw, Knoxx panot.” Binelatan ko siya, ni kasi sya maka ganti sakin dahil nag d-drive siya tumawa nalang ako.
“About kanina…” nag aalanganing sabi ko.
“Anong kanina?” nag-isip pa siya “Ahh yung Charlotte? O Cindy ba yun? Oh eh bakit naman?”
“Ano yung ibig mong sabihin na ‘I belong to one person only and it’s Amber.’” Ini-quote ko pa yung kamay ko sa ere.
“Sinabi ko b-ba yun? A-ah hehehe wala joke lang yun ano ka ba alam mo namang di ako titigilan nun.” Sinungaling. Tumango nalang ako, bat kaya siya nagsinungaling?
Hindi ko nalang pinansin iyon at natulog na.
“Amber, gising nasa bahay mo na tayo.” Naalimpungutan ako ng may yumugyug ng braso ko.
“Sige kapag di ka nagising, hahalikan talaga kita.” Binuksan ko kaagad yung mga mata ko, at nakita siyang humahalakhak ng tawa. Kinuha ko yung bottle na nasa gilid ko at hinampas sa kanya.
“Wag” hampas “mo” hampas “akong” hampas “biruin” hampas “ng” hampas “ganiyan” sa huling pagpalo ay tinodo ko na talaga.
“A-aray naman A-amb---- TEKA! TEKA! ETO NA LALABAS NA” nagmamadali siyang lumabas sa sasakiyan niya, humalakhak naman ako ng tawa. Ako na naman ang may huling halakhak ngayon, kinuha ko ba naman yung Tactical Pen ko at tinutok sa kaniya. Tinago ko muna yung Pen ko sa bag ko at lumabas na, nakita ko siyang nakasimangot.
“Oh eh bat ka naman nakasimangot diyan?”
“Tsk, dapat hindi kita binigyan ng self-protection tool eh. Gagamitin mo lang pala sakin.”
“Wala namang magtatangkang kidnappin ako no, wala nga akong pera pamilya ko pa kaya?”
“Siya humayo ka na at baka ginawin ka pa dito sa labas.” Tumango ako at nag b-bye na. Kinuha ko yung key sa bahay ko ng tinawag niya ako, lumingon naman siya sa akin at nagpa flying kiss pa. Inirapan ko siya at pumasok na sa bahay.
Hay, what a day.