Muli siyang tumigil sa paglalakad, umatras ako ng isang hakbang nang harapin niya ako. His lips pursed, puno ng post light sa paligid ng dinaraanan namin kaya naaaninag ko siya nang mabuti. Did he just smiled?
"Pulis ka, 'no?" pagkompirma niya ulit.
I just shrugged. "Mukha ba akong pulis?" tanong ko. "Edi sana dati ko pa ni-raid 'yang lugar niyo kung pulis ako."
Ilang segundo niya akong tiningnan na siyang ipinagtaka ko. His lips slightly lifted as if he was wondering of something. Ngayon ko lang napansin na marami pala siyang sugat sa mukha, maputla ang balat niya at laging blangko ang emosyon sa mata. Mukhang inosenteng siga.
Bakit kaya niya naisip na pulis ako?
"Kutsara, tinidor, alis buntis..."
Nanlaki ang mga mata ko, bago niya pa ituloy ang chant ay mabilis ko siyang sinipa sa paa. What on earth is wrong with this guy? He's so irrational.
"Aww!" Napadaing siya at natawa, ngumisi lang ako sa sinilid ang kamay sa bulsa ng jacket.
"You should go home, it's late night," parang wala lang na sabi ko. "You should look after your mother and your sister."
Inunahan ko na siyang maglakad para umuwi na. Gabing-gabi na, wala na akong nakikitang kahit isang tao sa area na ito, minsan ay may ilang tao doon sa lagoon sa front gate, pero dito ay wala na.
"Hoy!"
Napanguso ako nang bigla niya akong sigawan. "Ano na naman ba?"
"Tara, skip bukas?" Sumilay ang ngiti sa labi niya, halatang naghahamon.
Halos matawa ako, siya nga itong bulakbol na lahat yata ng klase niya ay hindi niya pinapasukan. I wonder how professors keep someone like him. Sabagay, laganap naman ang mga katulad niya ngayon. Eh, kung wala nga siyang baon, eh.
"Ayaw ko. Nandadamay ka pa." Sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya mo bang pumasok kahit walang baon? Kung wala kang pera sa mga projects o kung ano man, mangutang ka na lang sa akin. Kung gusto mo talagang mag-aral."
Umangat lang ang gilid ng labi niya at nag-iwas ng tingin, siguro ay nawiwirduhan siya sa akin. "Umuwi ka na," walang ganang utos niya sa akin. Tumayo na siya ng maayos at naglakad na paalis.
Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanya, kung matatakot o maiirita. Seems like he's trying hard to be a bad guy but in reality, he looks like an innocent idiot to me. Cowards, most of them are cowards. 'Wag na siyang magpakasiga, hindi bagay sa kanya, sa mukha niyang 'yan.
"Let's end it here. Goodbye, class."
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at isinuksok lahat sa loob ng bag. Napangiwi ako nang matanaw si Don na nasa labas na at nakikipag-usap na sa kakilala na galing sa kabilang classroom. I have a very impatient cousin. Palibhasa kasi ay subject ni tita.
He said he wants to be responsible role model, given that he's a son of a strict professor. Taliwas sa akin na kahit tita ko na ang professor namin na iyon ay malaki pa rin ang posibilidad na bumagsak ako. Ngayon nga ay nasisigawan na 'ko, eh.
"Tara na?" malamig na sabi niya at sinukbit ang strap ng backpack sa isang balikat. Pinasadahan niya ako ng tingin. "Nakapag-review ka?"
"Hmm, saan?" pagmamaang-maangan ko. I slept late last night because I went to that place again. Well, I've read the book twice, I think I'll still remember some pointers.
"Hindi, ano?" Tiningnan niya nalang ako nang makahulugan dahil alam naman na niya, hindi ako nakapag-aral ng mabuti at wala akong maintindihan. I'm just studying to suffer, honestly.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...