I'm Single but my Heart's taken :) (reupload)

10 2 1
                                    

'"Hoy Aira, anong tinitingnan mo jan, humahaba na leeg mo ah"-sabi ni Cara, bestfriend ko

"Sino pa nga ba ang madalas abangan niyan dito"-pang aasar naman ni Tina, isa bang bestfriend ko

"Wag kayong magulo ayan na siya oh, ang gwapo niya talaga.."-sabay takip sa bunganga nung dalawa.

Nandito kasi kami ngayon sa may field. Katatapos lang ng laro ni Arkin, long time crush ko. Crush ko na kasi siya since high school. Aga lumandi noh? XD

"Ayan na siya grabe, parang hihimatayin na ako"

"Alam kong kinikilig ka, pero wag mu naman sanang hilain yang damit ko, mahuhubuan ako sayo eh"-sabi ni Cara, panu ba naman sa sobrang kinikilig talaga ako, hindi ko mapigilan kaya nahahampas ko siya at nahihila ko yung damit niya.. XD

"Ewan ko ba sayo kung ano nagustuhan mo jan kay Arkin, ang dami naman nagkakagusto sayo ah"

"Anuh ba kayo, kay Arkin lang ako noh, bayaan nyu yung mga nagkakagusto sakin, bahala sila.. haha"

"Hay naku, tara na nga, baka matuluyan ka pang mabaliw" sabay hila sakin nung dalawa

Ako nga pala si Aira, 3rd year college, sabi nila matalino daw ako, maganda. Pero di ako naniniwala, bakit? kasi kung maganda ako, bat hindi ako napapansin ni Arkin?. Si Arkin yung long time Crush ko, nakilala ko siya nung high school..Second year to be exact. Classmate ko siya from 2nd year-4th year, transferee siya sa school noon. Kilalang kilala ko siya, madami akong bagay na alam sa kanya. Pero ako, hindi niya ata ako kilala, hindi siguro ako nag eexist sa mundo niya pero okay lang yun, basta nakikita ko siya, kuntento na ako. Never ko pa nga siyang nakausap, ni Hi o hello, wala pa. Kung makakasalubong ko siya, umiiwas ako, baka kasi mayakap ko siya ng wala sa oras, mapahiya pa ako.. :-P

Describe ko si Arkin ah.. Gwapo siya, as in gwapo talaga. Matalino, talented, mabait, gentleman at magaling sa sports.. Soccer player siya sa school. Lahat ng bagay sa kanya gusto ko maliban sa isa, si Monica, yung girlfriend niya..

Kung si Arkin mabait, si Monica naman ang kabaliktaran. Bukod sa pagiging maarte niya, ubod ng taray at ang sama pa ng ugali. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ni Arkin sa kanya. Pag nakikita ko sila sa school parang linta makakapit si Monica, ang sarap sabunutan.

"Hoy Aira ang lalim ng iniisip mo ah"-sabi ni Cara na kararating lang galing canteen, andito kasi ako sa may room namin, sa tabi ng bintana, hinihintay ko ang pagdaan ni Arkin ko..

"Ano ba ang madalas isipin niyan kundi yung prince charming niya"-pang aasar naman ni Tina

"Sabagay, hindi daw kasi kumpleto araw niya pag di niya nakikita si Arkin."

"Oo nga eh, pasado na siya maging stalker"

"Excuse me? ako stalker? hindi noh.. Ang tawag sakin Admirer, hindi stalker."-sabi ko sa kanila

"Stalker Admirer, pareho lang yun, pinaganda mo lang yung term"-pang aasar nilang sabi

"Che"-yun nalang nasagot ko.. Tapos sabay ng tumatawa yung dalawa

"Punta lang ako ng library"-sabi ko sa dalawa

"Sa library ka ba talaga pupunta? o susundan mo si Arkin?"-pang aasar na naman sakin ni Tina

Hindi ako nakasagot

"Kita mo na.. hahahaha.. Library daw oh.. hahaha"

Umalis nalang ako dun, panu ba naman, halos mamatay na yung dalawa katatawa

Naghahanap ako ng libro dito sa library, hindi ko na nadatnan si Arkin dito, baka umalis siya agad.. Habang naghahanap ako ng libro, bigla akong nadulas tapos nabangga ko yung isang shelf kaya nagsihulog yung mga libro..

I'm Single but my Heart's taken :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon