Chapter Six

3.9K 142 3
                                    

“ANYA! Ano’ng ginagawa mo dito?” kunwari ay gulat na tanong ni Ryan sa dalaga.



Pero ang totoo, may dalawang oras na siyang pabalik-balik sa kalyeng iyon. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Anya at nang makita nga ito ay kaagad siyang pumuwesto sa may kanto. Akala pa nga ng binata ay mauunsiyame ang kanyang plano dahil nakita niya mula sa mababang gate ang dalawang bagets na kasama nito kanina. Mabuti na lang at hindi sumakay ng kotse si Anya, nakahinga tuloy siya. Kung nagkataon, sayang ang mga plano niya.



Kinuntsaba pa niya si Mang Roque na taxi driver para malaman kung saan nakatira si Anya. Dating sarhento ito noon at nang mag-retire ay namasada na lamang ng taxi. Informer din nila ito kaya kakilala niya.



“Taga-rito ako,” sagot ng babae. “Ikaw, ano’ng ginagawa mo dito?” Kakaiba ang tingin nito, animo nakakita ng isang apparition.



“May pinuntahan lang ako diyan sa kabilang kanto.” Nakatitig siya sa mukha ng dalaga kaya wala sa loob na naituro ang isang establishment sa malapit.



“May dinalaw kang patay?''



Natigilan si Ryan nang makita kung ano ang naituro niya—Mabuhay Funeral!



Anak ng tokwa. “Ah, ano... namatay kasi ’yung tiyuhin ng kaibigan ko. Akala ko diyan nakaburol, hindi pala.” He crossed his fingers, huwag naman sanang magkatotoo ang hinabi niyang kuwento.



Gustong mainis ng binata sa sarili dahil pagkataranta kapag kaharap na ang dalaga. Nawawala ang maintained composure na napag-aralan niyang i-master nang ilang taon kapag si Anya na kausap!



“Ah...” Tumango lang ang babae at tumahimik na. Hindi tuloy alam ng binata kung naniniwala ito sa alibi niya.



“Dito lang ba kayo nakatira?” pagkuwan ay tanong niya. Nakiabang na rin siya ng taxi.



“Oo,” anito. Seryoso ang expression ng dalaga, kaya't hindi na muling nagsalita si Ryan. Nabuking yata ako,he thought.



“Doon ka pa rin ba nagtatrabaho?” Nagulat pa siya nang muling magsalita si Anya.



“Yes. Bakit? Gustong mo uling manood?” biro niya.



“Wala ka bang balak na maghahanap ng malilipatan?”



“Lilipatang ano? Bar din?”



“Hindi. ’Yung ibang trabaho.”



“Iyong hindi naghuhubad?” Marahang tumango si Anya sa sinabi niya. ''May balak din.''



“Puwede kitang tulungang maghanap ng disenteng trabaho.” Natahimik siya sa sinabi ng babae.



AGENT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon