Chapter 5: Depths

189 16 1
                                    


"Castille po, tita." Mariin kong pinagdikit ang labi ko at naki-dungaw sa laptop ng professor namin na tita ko, ina ni Donielle. I wonder why did he do it, is he trying to mock him? Sa aking obserba ay parang matagal na silang magkakilala ng Yandiel na 'yon, dati na kaya silang magkaaway?

"Si Castille? Sabi ni Don, gusto na raw no'n mag-drop out sa subject ko," saad ni tita kaya napangiti ako dahil na rin sa tono niya. They use to apply their dialect tone even in our plain language, that's why her voice sounds a bit funny.

"Baka po na-bwisit siya kasi hindi naman pumapasok. Eh, kanina medyo nag-away sila at gustong ipabalik ng isa," pagku-kwento ko sa mahinhin na paraan. "Alam niyo naman po yung anak niyo, impatient. "

Mabait naman si tita, mas malambing ako sa kanya. Still, she needs to maintain her strictness so students will obey her while getting scared. Pero kung hindi naman na sa klase ang pinag-uusapan, madaldal siya sa mga estudyante niya at pala-kwento rin katulad ng iba.

"Sige, ibabalik ko. Hindi ko naman alam na wala pala siyang baon minsan kaya hindi nakakapasok, dapat pala ay kino-consider ko 'yon." Patuloy na nag-halungkat si tita sa laptop niya. "Palagi ko siyang pinapatawag dito sa department, hindi naman pumupunta, malaman ko man lang sana yung dahilan kung bakit hindi siya pumapasok."

He said he needs to graduate for this school year. Ang dami kong iniisip tungkol sa lalaking 'yon sa totoo lang, stress na nga ako sa school, stress pa ako sa kanya. Of course, every students need to graduate badly. But for someone like him who skips everyday and a member of a brutal fraternity, is graduating makes sense?

Judgemental naman. Ako nga nag-aaral naman nang mabuti, bagsak pa rin.

"Kaibigan mo ba si Yandiel?"

Napatingin ako kay tita sa tanong niyang iyon. "Hindi po, tita. Nakilala ko lang. Lagi kasi silang nag-aaway ng pinsan ko."

"Ah." Tumango-tango nalang siya at binalik ang tingin sa screen. "You should remind him to study well, Bora. If he wants to pass my subject, if he's eager to pass, he needs to study well."

"Matataas naman ang mga score niya sa akin, nagtataka nga ako dahil hindi ko siya nakikitang nakikinig. Puro essay pa naman ang mga pinapagawa ko."

Matapos ang ilang minuto pang pananatili sa department ay nagpaalam na ako kay tita. Hapon na at malapit nang magdilim ang langit, students are warned to go home earlier, those who still have schedules at night should have someone with them when going home. Buti nalang at wala kaming gawain sa laboratory mamayang gabi.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa gulat nang makita si Yandiel na naglalakad palapit sa direksyon ko, sa pintuan ng department. Napa-kurap lang ako dala ng pagtataka. Muntik ko nang hindi maaninag ang mukha niya dahil nakayuko. He should wear a mask to hide his wounds.

"You don't need to go. I already talked to her."

Napanguso ako, varsity jacket na ang suot niya at puting cap, mukhang nanggaling na sa bahay nila o sa dorm. I doubt that he's an athlete although he looks like one. Naagaw talaga ang pansin ko sa mga sugat niya sa mukha.

His eyes met mine in a very gripping way, he grinned. "Bakit? Takot kang makuha kita?"

"Baliw ka ba?" pabirong sabi ko. "Bakit? Kailangan ba ng iaalay na tao sa salbakutang sinasamba niyo?"

He scoffed as his lips remained curved. "Walang gano'n." Tumawa siya nang mahina at saglit na nginuso ang loob ng department. "You talked to her?"

I nodded. "Mmm. She already brought you back," I said. "You should study now without skipping any classes. Sinasabi ko naman sa'yo, umutang ka lang sa akin kapag wala kang baon."

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon