KABANATA 12
" Ikaw..." Napasimangot si Chen nang banggitin ni Donald ang tungkol sa kaniyang marriage proposal. "Huwag mo na itong ituloy dahil hindi pa ako divorced."
Kahit na isang talunan si Nonack, nagsumikap naman ito para gawin ang walang katapusan nitong mga gawain sa bahay. At agad din itong nakakatanggap ng walang awang mga sermon mula sa kanila sa sandaling magkamali ito nang kahit kaunti sa kaniyang mga ginagawa pero hindi pa rin niya nagawang magreklamo rito.
Maging ang aso ay mayroon ding damdamin, paano pa kaya ang tao.
Nagawa siyang pahiramin ni Nonack nitong nakaraan ng limang milyon para maibangon ang kanilang kumpanya. Maliban pa rito, ginastos din ni Nonack ang ilang taon niyang ipon para makaiwas sila sa kahihiyan nang magyabang si James sa Oriental Pearl Hotel.
Buong puso siyang tiningnan ni Donald. "Ano bang mayroon kay Nonack na wala ako? Isa siyang talunan! Huwag kang mag-alala, maghahanda ako ng magandang regalo para sa birthday ni Grandma para batiin siya ng happy birthday! Siguradong magugustuhan niya ito. Magpopropose ako sa tamang oras kaya siguradong hindi ito matatanggihan ni Grandma."
Talunan din ang tingin ni Chen kay Nonack pero hindi naman tumigas nang tuluyan ang puso niya rito. Sabagay, tatlong taon na silang kasal kaya hindi niya masasabi na wala siyang nararamdaman para rito.
"Matanong nga kita." Biglang nagsalita si Chen
"Ano iyon? Sige magtanong ka lang, chen."
"Tungkol ito sa pares ng Worship of Crystal. Hindi mo naman ako binigyan ng orihinal na pares nito hindi ba?" Hindi maiwasang itanong ni Chen.
"Nagagalit ako sa sandaling nababanggit mo ang tungkol diyan Chen!" Buntong hininga ni Donald habang bumabagsik ang mga mata nito. "Imitations lang ang pares ng mga sapatos na ibinigay ko sa iyo, pero nagkakahalaga na ito ng 300,000 dollars. At nagawa itong itapon ng talunan mong asawa! Nakita kong nasira niya rin pala ang mga ito nang iuwi ko ang ibinato niyang mga sapatos.
Nakinig si Chen sa mga reklamo ni Donald at napakagat na lang sa kaniyang labi.
"Ang tinutukoy ko ay ang orihinal na pares ng Worship of Crystal. Hindi ba ikaw ang nagbigay nito sa akin?" mahinang sinabi ni Chen.
Ano?
Napaatras dito si Donald. Ang una niyang ginawa ay ang mapatingin sa ilalim. At nakasuot nga rin si Chen ng isang pares ng mamahalin at eleganteng high heels. At ito ay walang iba kundi ang Worship of Crystal.
Dito na napanganga si Donald habang tinitingnan ang suot na heels ni Chen. Parang ibang level ang itsura ng orihinal na pares ng Worship of Crystal maging sa isang high grade imitation na nagkakahalaga ng 300,000!
Maaaring lalaki rin si Donald pero alam niyang orihinal ang heels na iyan! Mukhang mas lalo pa nitong pinaganda ang sinumang babae na magsusuot sa mga ito.
Gulp!
Napalunok si Donald. 30 million! Ang iaanh pares ng orihinal na Worship of Crystal ay nagkakahalaga ng 30 million!
Sa sobrang espesyal nito, 99 pares lang ng Worship of Crystal ang ginawa sa buong mundo. Kaya hindi ito mabibili ng kahit na sinong may pera nang walang koneksyon sa mga taong may access sa mga ito.
"Ikaw ba ang nagregalo ng pares na ito sa akin?"
Nagpupumilit na tanong ni Chen.
Hindi na siya makaisip ng kahit na sinong magbibigay sa kaniya ng ganito kamahal na bagay!
Marami ngang mga lalaki na nanliligaw sa kaniya, pero sa totoo lang, alam din ni Chen na hindi gaano kayaman ang karamihan sa kanilang mga manliligaw. Maaaring mayaman nga ang mga ito pero hindi sila gagastos ng 30 million para lang sa isang regalo!
YOU ARE READING
'Son-in Law who surpasses them all'
RandomBiyenan. "Layuan mo na ang anak ko! Hindi siya karapat dapat para sa isang basurang tulad mo!" Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang manugang nito sakay ng isang mamahalin sasakyan. Biyenan, "Parang awa mo na iho, huwag mo iwan ang anak ko."